Beloved Tyrant 48

42 4 0
                                    

CONTINUATION NG ALAALA

RASHMIN EL SALVADOR

Dali-dali kong ipinarada ang motor sa garahe saka hinatak siya papunta sa likod ng bahay. Sa secret door kami dumaan papasok sa loob.

Nanghihina, hapong-hapo na napasandal ako sa likod ng pinto matapos ko iyon maisara. I took a deep sigh of relief.

“Can I... Can I know your name?”

Matagal akong napatitig sa mukha ng kapatid ni Gonzalvo saka muling nagpakawala ng buntong-hininga.

“Rashmin,” aniko sabay tanggal ng takip ko sa mukha. Lumugay ang lampas balikat kong itim na itim at tuwid na tuwid na buhok.

“Rashmin..?”

“Rashmin El Salvador.”

Iginala niya ang paningin sa buong paligid. We were inside the underground.

“Kanino 'tong bahay?”

“Kay Tita Zaniyah--ahw--”

“OK ka lang?”

Tumango ako kahit kumikirot ang tinamaan kong braso. Nakangiwing umahon ako sa pintong kinasasandalan saka tinahak ang makitid na pasilyo. Sumunod siya sa akin.

Pagdating sa dulo lumiko ako saka binuksan ang pinto doon. Pumasok ako sa loob ng kwarto. Kwarto iyon kung saan ko ginagamot ang sarili kapag nasusugatan ako sa misyon na pinupuntahan ko. Kompleto iyon sa gamit.

Hinùbad ko ang suot na itim na overall na damit. Naiwan ang manipis na itim na sando at itim na fitted short shorts. Kinuha ko sa loob ng built-in glass cabinet ang mga gagamitin ko saka sinimulang tanggalin ang bala at linisin ang sugat sa braso at hita ko.

Pagtingin ko kay Raina nakangiwi na din siya. Hindi dahil sa nakikita niyang ginagawa ko kundi may sugat din siya sa kanyang tagiliran. Naalarma pa ako ng makita kong puno ng dùgo ang kanyang kamay.

“May sugat ka!” bulalas ko.

She grimaced. “Hindi ko naramdaman kanina na may tama ako pero... mukhang daplis lang naman.”

Napasunod ang tingin ko sa kanya ng humakbang siya papunta sa lababo sa gilid at naghugas ng kamay. Pinagpatuloy ko naman at binilisan na ang ginagawa para magamot ko din siya.

“Nasaan ang Tita Zaniyah mo?” humarap siya sa akin. “Nandito ba siya?”

“Wala. Nasa Pilipinas.”

“Her name sounds familiar to me. Hindi ko lang sure kung iisang tao lang sila no'ng--”

“Zaniyah Cooper Calderon.” sabad ko.

She loudly gasped. Kasabay ng pagbukas ng pinto. Marahas ko iyon nilingon. Humahangos na pumasok ang pawisang si Naomi.

“Naomi--”

“Don't worry about me. I'm fine.” sabad nito. Malalaking hakbang na nilapitan ang sofa at pabagsak na naupo doon pero yung mga mata pinasadahan ang kabuuan ko. “Malala ba ang tama sayo?”

“Braso at daplis sa hita lang naman.”

Binalingan nito si Raina. “Ikaw?”

“Dinaplisan siya sa tagiliran.” sagot ko. “Lapit ka dito Raina, gagamutin ko yang sugat--”

“Ako na,” sabad ni Naomi sabay tayo. Nilapitan ako saka hinatak papunta sa sofa at pinaupo doon. “Pahinga ka naman.”

“Diba kasamahan niyo sila?” sabay kami ni Naomi napatingin kay Raina. “Bakit niyo 'ko niligtas?”

Beloved Tyrant: Bud Brothers Series 5Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon