Beloved Tyrant 59

164 2 2
                                    

RALD JAMES GONZALVO

“Learn to trust the journey even when you don't understand it. Sometimes, what you never wanted turns out to be what you need the most.”

Mahigpit kong hinawakan ang baso ng alak sa sinabi ni Cyrus, tinungga iyon saka pabagsak na inilapag sa mesa.

Inabot ko ang mga recent reports na nakalap nila. Pinahanap ko kung saan-saan si Rash pero 'di nila makita and it frustrates me so damn much!

We were inside Ryan's presidential suit here in Alphaland JKRA Island Club around Quezon province. Lugar kung saan nila ako dinala.

It's been a month passed since that incident happened. Nagising ako sa hindi pamilyar na kwarto, umiiyak ang dalawang anak ko, calling their Mom. Nataranta ako, nag-panic, sinalakay ng subrang takot at pag-aalala ng maalala ko ang nangyari.

Ngunit napalitan iyon ng subrang panibugho, nang hindi matatawaran na galit. Napuno ako ng tanong na BAKIT? BAKIT? BAKIT? matapos ko marinig ang mga sinabi nila... matapos ko mapanood ang kuha sa CCTV.

Day by day, my heart eaten with so much jealousy... so much betrayal. I felt betrayed! Consistent yung sinasabi ng anak ko habang umiiyak na sumama nga ang Mommy niya sa ibang lalaki.

Pero yung utak ko ayaw maniwala. Ayokong maniwala sa nakita't mga narinig ko. I trust my wife. I know how much she loves me. I know how much she valued our family! Hindi iyon ganun kadali kalimutan ang tagal ng panahon ng pinagsamahan naming dalawa. Hindi ganun si Rash. Hindi ganun ang pagkakakilala ko sa kanya.

ISANG LINGGO akong nangapa sa dilim. Ngunit kaagad din nilang sinabi sa akin ang lahat right after we rescued Keith's younger sister Aishleen.

Cyrus took a heavy sigh. “To be honest, wala talaga kaming alam, Boss. Nalaman lang namin ang lahat dahil kay Clayde. Ayaw mo daw pumayag sa plano kaya sa kanya humingi ng tulong ang asawa mo. Kabilin-bilinan din na 'wag sabihin sayo kaya dinoktor ni Clayde yung footage na pinanood namin sayo. Meron ding mga hidden cam at audio device silang itinanim sa control room natin kaya kinailangan sumakay sa plano nila para maisakatuparan din ang plano ng asawa mo. Pasensya na napag-utusan lang din kami, but you deserve to know the truth that's why we're telling you now.”

Nagbuga ako ng malalim na buntong hininga. “Hindi solido yung plano niyo. Main den ng mga sindikatong yun ang sinuong niyang mag-isa. Pwede siyang mamatay do'n.”

“Wala ka bang tiwala sa kanya, Boss?” chorus nila.

Marahas ko silang nilingon. “Seryoso? Tatanungin niyo talaga ako ng ganyan?”

“Sa ginagawa mong pagkompronta sa babaeng yun pwedeng ikapahamak yun ng asawa mo.”

“She's the only key para mahanap si Rash! Kapag nalaman niyang may alam ako maaaring mag-panic ang babaeng yun. Siguro mag-iingat din siya sa mga kilos niya pero siguradong tatawag yun sa mga kasamahan niya! Kailanggan mabuko siya ni Migz dahil siya mismo ang magdadala sa atin sa lungga ng pinakapinuno nila!”

“Sinakripisyo ng asawa mo ang sarili niya para sa pamilya mo... para sa ating lahat. 'Wag natin siyang pangunahan sa mga plano niya.” katwiran ni Cyrus. “No'ng araw na yun, yung panganay na anak niyo sana ang natangay nila.”

“Atleast sana pinasundan siya ni Clayde ng lihim hindi yung basta niya na lang pinayagan ng walang backup plan!”

“Wala ka ngang tiwala sa asawa mo--”

“Wala kayo sa katayuan ko para pagsalitaan niyo ako ng ganyan! Naghuhurumintado ako dahil yung kaligtasan ng asawa ko ang nakasalalay dito! Gets niyo? Gets niyo ba kung bakit hindi ako mapakali sa isang sulok lang?”

Beloved Tyrant: Bud Brothers Series 5Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon