Beloved Tyrant 41

52 3 0
                                    

RALD JAMES GONZALVO

I hurriedly get in and drove the car away. Pagdating ko sa compound...

“Boss si Gandara!” humahangos na salubong sa'kin ni Cyrus.

Tila tinadyakan naman ako ng kabayo sa dibdib pagkarinig ko ng Gandara.

“Anong nangyari kay Rash?”

“Nanganak na--”

“Ha? Kailan pa? Ba't biglaan--fùck..!” tarantang napatakbo ako papunta sa chopper.

Humabol sa'kin si Cyrus. “Ngayon lang. No worry, they're both safe naman sabi ni RuRu.”

Bigla akong napahinto sabay buga ng hangin. “Shìt ka. Pinakaba mo pa ako.” sabay batok dito ng pagtawanan ako nito. “Sinong sumundo kina Doc Beltran?”

“Si Craig.”

“OK. Ipag-drive mo ako ng kotse.” sabay hakbang pabalik sa kinapaparadahan niyon.

Sumunod sa akin si Cyrus. “Saan tayo pupunta? Hindi ka pa uuwi?”

“Sa flowershop.” umikot ako sa kabila ng kotse at naupo sa unahan pero kaagad din akong lumabas ng makita kong tulalang nakatanaw lang sa akin si Cyrus. “Natutulala ka pa talaga--bilisan mo na diyan! Dadaan pa tayo kay Clayde bago tayo uuwi.”

Nakatawang pumasok ito sa loob ng kotse sabay paandar ng sasakyan palabas ng compound.

PAGDATING namin sa flowershop ng kaibigan ni Clayde naka-ready na yung tenext kong order na pinaghalong red and pink tulips bouquet kaya saglit lang din kami doon. Kaagad din bumalik sa compound. Sakay ng chopper dumeritso kami sa bahay ni Clayde.

“Kamukha ko tapos kausap pa ng anak ko?” hindi makapaniwalang bulalas ni Tito Cedric. “Pa'no nangyari yun?”

We were having a coffee at the living area inside Clayde's wide control room.

“I think someone impersonated you, Cedric.” seryosong wika ni Tita Zaniyah. “Baka yung hayuf na Guiseppe na yun ang gumaya sa mukha mo para lumabas ka lalo't ang panganay nating si Luigi ang tinatarget nila.”

Frustrated na nagpabalik-balik ng lakad si Tito Cedric.

“Hindi maaari 'to. They started again! Kailangan kong umuwi--”

“Tito calm down.” sabad ko. Bumuga naman ito ng marahas na hininga. “May mga tauhan po akong nakabantay sa mga anak niyo mula sa loob ng bahay niyo at sekreto't 'di nila nakikita mula sa malayo... 24/7. Salitan sila.”

“Hindi pa rin ako makampante. Nakuha nila ang passport ko, cards--lahat ng personal na belongings ko! Baka kung mapano ang mga anak namin, James!”

“Nakausap na po ng mga tauhan ko ang mga kaibigan nila. Binabantayan din nila ang mga anak niyo.”

Tito Cedric took a heavy sigh and sat back to his chair. “Hanggang ngayon curious ako sa blue book at disquette na hinahanap nila. Kahit noon pang nag-iimbestiga kami naririnig ko na yan e.”

“Wala po kayong idea kung ano ang laman no'n?”

Sunod-sunod umiling si Tito Cedric. “Malaking grupo ng mga sìndikato yung mga taong nakabangga namin noon. Hindi namin iyon napaghandaan. Buong akala namin alitan lang sa negosyo yung pagkakapatày kay Tita Lian na Lola ni JM at mga kaibigan niya.” mariin akong tinitigan ni Tito Cedric sa aking mga mata. “Kung ngayon isa-isa na silang nagsisipaglabasang muli, you have to be very careful, James. Halang ang mga bituka nila. Lahat ng taong malalapit sayo idadamay nila makuha lang nila ang hinahanap nila.”

Nakalimutan kong huminga sa sinabi nito kasabay ng pagbalandra ng mukha ng mag-iina ko sa harapan ko. Lalo akong linukuban ng takot.

“W-Wala po akong alam tungkol diyan. Yung nangyari lang sa mga magulang ko ang iniimbestigahan ko. Pati yung sa kapatid ko at--”

Beloved Tyrant: Bud Brothers Series 5Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon