Beloved Tyrant 29

56 4 0
                                    

THIRD PERSON's POV

CURTIS

Sitting alone in a dark room. Tanging sa siwang ng maliit na bintana ang nagsisilbing liwanag sa akin sa loob. Nakatali ang mga kamay at paa sa upuan.

Kontrolado nila ang buhay ko. Hawak nila ang cellphone ko. Even the communication device I had with Santos and Suarez was confiscated. I did try to fight with them, but its not enough. Wala akong magawa. Naghihintay na lang sa hatol ng pinunong nagpadukot sa akin.

Seconds. Minutes. Hours and some more hours passed. I heard footsteps approaching. Huminto sa tapat ng pintuan ng kwartong kinaroroonan ko. Nag-angat ako ng tingin ng bumukas ang pinto niyon. Kumalat ang liwanag sa buong kwarto. Pumasok ang apat na lalaking tumambang sa akin three weeks ago.

"Untie his hands."

Kaagad tumalima yung isang lalaki na may malaking pulang dragon na tattoo sa braso. Yung dalawa itinutok ang baril sa akin. Yung nag-utos nanatiling nakatayo sa harapan ko.

Nang makalagan ang mga kamay ko, humakbang ito palapit. Inabot ang cellphone ko sa akin.

"Send those files to Mr. Gonzalvo--"

"Ba't 'di niyo e send--arghh!" daing ko ng hampasin ng lalaking nasa likuran ko ang ulo ko.

"Say it in English!" sigaw nito.

"Kabobohan niyo--arghh!" namilipit ako sa sakit ng tadyakan naman ako ng pinakalider nila sa sikmura.

"You hardheaded son of a bítch!" binalingan nito ang kasama. "Call Boss Louie to come over here! Tell him I can't understand the language of this punk," sabay tadyak ulit sa akin.

Patakbong lumabas ng kwarto yung lalaking panay nguya ng chewing gum. All of them had a red dragon tattoo.

"Turn on the monitor!"

Marahas akong napalingon sa kanang gawi ko ng marinig ko ang pumapalahaw na iyak ng babae't batang lalaki, begging for their lives. Nanlaki ang aking mga mata. Nakalimutan kong huminga. Nanginig ang katawan sa takot sabay tayo ng makilala ko ang asawa't anak kong napapalibutan ng mga armadong kalalakihan. Tinututukan ng baril.

"Open the camera so they can see him, too."

"NO... NO! Erin! Shan!"

"Dadddddddy--"

"Shut the cam off!"

Kaagad naman tumalima ang lalaki. Tumaas baba ang dibdib ko sa subrang galit. I angrily clenched my fist. Hinarap ko ang pinakalider nila. Tinitigan ng nagbabaga kong mga mata, but he didn't budge. Pinagtawanan pa ako.

"Oh--angry like a beast? Tsk tsk tsk..." umiling-iling ito. "Don't. We just need your little bit of cooperation."

"Let. Them. Go."

He laughed again, mocking me. "Not unless you follow my instructions. The more you obey me, the more your family will be safe." muling inabot nito sa akin ang cellphone. "Send those files--"

"Mga hayop kayo--Let them go! Wala silang kasalanan para idamay niyo!"

"Curtis!" sabad ng baritonong boses.

Pumasok yung lalaking inutusan. May nakasunod na isa pang matangkad na lalaki. Blonde ang alon-alon na buhok hanggang balikat. Napakunot-noo ako ng matitigan ko ng malapitan ang kanyang mukha. He looks... familiar.

"Where's his phone?" inabot sa kanya ng pinakalider ang cellphone ko. Tinitigan nito ang screen niyon saka muling nag-angat ng tingin sa lalaki. "Give Katniss an oversees call. Tell her to bring Miss D here ASAP. Gonzalvo's men hunting her."

Beloved Tyrant: Bud Brothers Series 5Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon