Beloved Tyrant 3

53 5 0
                                    

RASHMIN

"Give that to her."

"But Sir, she's still sleeping--"

"Gising 'yan, nagtutulog-tulugan lang. Ilapag mo sa harapan niya."

Narinig kong boses ni Rald at no'ng air hostess pero hindi ako nag-abalang magmulat ng aking mga mata. Ipinaling ko ang aking ulo sa kabila at sinubukan muling matulog.

Ilang beses na akong binigyan ng pagkain no'ng stewardess na utos ni Rald kanina pa pero ni isa walang akong ginalaw.

They're after me and my top opponent. A rival who killed Darleen. So why would I trust them and eat the food they served me? What if they poison me? O 'di na tsugi ako.

We were inside the huge, luxury plane. Hindi ko alam kung pag-aari niya ito pero sa tingin ko oo dahil tanging kami lang ang sakay at tatlong tauhan niya. Plus the pilot and a sexy and very charming female stewardess. Na kay lagkit ng titig kay Rald. But that ugly ogre never gave her even a single little glimpse. Walang paki sa kanyang paligid. Ni hindi man lang tinanguan or ngumiti or bumati pabalik sa babae na nag-vow pa sa kanyang harapan. He walked pass her just like a cold statue. Parang gusto ko tuloy iharang 'yong paa ko sa daraanan niya kanina para mapatid siya. Tingnan ko lang kung 'di siya gumulong pabalik sa baba.

Trice pa lang akong nakapasok ng airport pero 'yung dinaanan namin kanina first time ko doon. Naka-VIP kami or mas tama sigurong sabihin. . . MIP? Iba yung trato sa kanya e. Subrang dami pa ng bodyguards. It actually seems like he was the most important person.

I scoffed.

Dinaig pa 'yong Presidente. Asal hayop naman.

"Here's your meal, Ma'am." malamyos na boses ng air hostess. Narinig kong may nilapag ito sa harapan ko but I didn't budge. "Kumain na daw po kayo sabi ni Sir."

"NO." sagot ko habang nakapikit pa rin. "Take that food away from me kung hindi ibabalibag ko 'yan sa mukha ng Boss mo."

Malakas na napasinghap ang babae sa sinabi ko.

"You may leave, Steffi." maautoridad na wika ni Rald.

Nagmamadaling yabag ng babae papalayo sa akin ang narinig ko.

Saglit namayani ang katahimikan. Sinalakay din ako ng kakaibang kaba at takot pero palagi kong isinisiksik sa utak ko na hanggat wala siyang nakukuhang info sa akin. . . I'M SAFE. Hindi niya ako magagalaw dahil may kailangan siya sa akin. At 'yun ang alas ko.

"Aww--!"

Halos mabali ang leeg ko ng may biglang humatak no'n. Madilim na mukha ni Rald at umiigting na panga ang namulatan ko.

"Kakain ka or ipapalunok ko mismo sayo pati ang malaking platong 'yan?" halos hindi bumuka ang mga labing wika niya.

"E bakit ba pinipilit mo ako e ayoko nga? Kung gusto mo e 'di isaksak diyan sa ngala-ngala mo."

The next thing I knew madiin na ang pagkakahawak ng kanyang kamay sa aking leeg. Umawang ang labi ko sabay hawak sa kanyang malakadenang kamay na nakadiin sa lalamunan ko. Pilit na kinakalas iyon pero lalo lamang humihigpit. Sa laki ng kamay niya, halos masakop no'n ang buong leeg ko.

"Pasalamat ka kailangan pa kita dahil kung hindi, kanina ko pa pinilipit 'tong leeg mo!"

May dinukot siya sa kanyang bulsa saka pwersahan na pinasok sa loob ng bibig ko. Nakanganga ako kaya ramdam ko ang pagderi-deritso ng bagay na 'yon papasok sa aking lalamunan. Maliit lang iyon pero nabilaukan ako.

"Kung ayaw mong kumain then fine. Manghihina ka lang naman, hindi ka pa mamamatay. And besides hindi ako ang magugutom kundi ikaw." he released my neck then evily smirked at me.

Beloved Tyrant: Bud Brothers Series 5Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon