Beloved Tyrant 46

54 4 0
                                    

THIRD PERSON's POV

DARLEEN

“Na send mo na ba lahat?” tanong ko kay Curtis sabay hablot ng cellphone sa kamay nito. Tiningnan ko ang screen niyon. All the messages were sent successfully to James new number. Matamis ko itong nginitian saka tinapik-tapik sa mukha. “Job well done, Curtis.”

Tinitigan ako nito ng masama. “Hindi ka ba nakokonsensya sa ginagawa mo? Dekada ang pinagsamahan niyong dalawa tapos--”

“Wala yung kabuluhan sa'kin, Curtis.” sabad ko sa kanya. “Lahat yun parte ng paghihiganti ko sa ginawa ng mga magulang niya--”

“Self-defense ang nangyari!” nangangalaiting sabad nito.

“Whether it self-defense or not, still, it doesn't change the fact that they killed my father!”

“'Wag mong isisi sa mga magulang ni Boss James ang kasalanan ng Daddy mo!”

“Siya at siya pa rin ang sisisihin ko dahil si Tito Jaime mismo ang bumàril sa Daddy ko!” singhal ko sa kanya. “Kitang-kita ng dalawang mga mata ko sa video! Nakita mo din naman yun diba?”

“Alin, yung putol na video mo? Yung nakikipagpambuno ang Daddy mo sa Daddy ni Boss tapos binàril sa dibdib? Kung alam mo talaga ang totoong nangyari then you better know na prinotektahan lang ng Daddy ni Boss yung asawa niya sa tangkang pagbàril ng Daddy mo!”

“LIAR!! YOU fùcking LIAR!!” hysterical na sigaw ko sa kanya. “Si Kristoffer Altamonte ang gustong bumaril sa kanila! Pinagtanggol lang sila ni Dad tapos nagawa pang barilin siya ng walang utang na loob na Jaime Gonzalvo na yun!”

He scoffed. “Tingin mo hindi ko nakita yung iba pang video bago niyo dinoktor at pilit na pinapadala sa'kin kay Boss para kamuhian niya ang asawa niya at mga kaibigan niya? Tingin mo hindi ko alam na--”

“You're just hallucinating!”

“Ako or ikaw? Dinoktor niyo tapos pinaniwala mo yang sarili mo na ganun nga ang nangyari. Alam mo ba ang tawag do'n? KATANGAHAN.”

Binalingan ko ang mga tauhan. “Gulpihin niyo yan!”

Kaagad naman tumalima ang mga ito. Buong katawan nito pinatamaan ng suntok, sipa, tadyak, ngunit lalo lamang uminit ang ulo ko ng makita kong parang wala lang kay Curtis na binubugbòg ito. Nakangiti pa kahit duguan ang mukha.

I gritted my teeth.

I angrily clenched my fist.

Nilapitan ko ito saka mahigpit na hinawakan sa kanyang panga.

“Baka nakakalimutan mong hawak namin ang mag-ina mo?”

Dumura muna ito ng dugo bago nagsalita.

“Malamang hindi ko nakakalimutan 'yan. Kaya nga kahit labag sa kalooban ko para akong asong ulòl na sumusunod sa inyo wag niyo lang silang saktan.”

Napaigik ito ng higpitan ko lalo ang kamay sa kanyang panga.

“Siguraduhin mo lang na hindi mo kami iniiputan sa ulo, Curtis. You know me naman diba? Isang maling galaw mo lang... tatapyasan ko ng ulo ang mag-ina mo mismo sa harapan mo para ramdam mo yung sakit.”

“Hindi mo na kailangan pang paulit-ulit akong takutin--”

“Hindi kita tinatakot, Curtis.”

“I'm just stating the fact too. Kahit anong gawin niyong tago, lalabas at lalabas din ang buong katotohanan. Kilala mo naman si Clayde diba? Kaya galingan niyo. Lahat ng utos niyo susundin ko pero kapag pumalpak kayo labas na ako dun pati ang mag-ina ko--”

Beloved Tyrant: Bud Brothers Series 5Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon