Beloved Tyrant 34

44 3 0
                                    

RALD JAMES GONZALVO

Sinubaybayan ko lahat ng lakad nina JM at ng babaeng yun. Hindi ko alam kung anong pumasok sa utak ng JM na yun at dinala niya pa talaga sa kanyang Penthouse--!

I cursed and gritted my teeth when I saw someone spying them, too. Nakatakip ang mukha kaya hindi ko makilala. Pero sigurado akong kasabwat ng babaeng yun.

Hanggang sa dumating ang kinatatakutan ko, tinambangan si JM, binugbog, halos muntik ng mamatay! Pero tila hindi naman nadala kasi no'ng gumaling na, ayon... boang pa rin.

"I love her--"

"Sucks--lintik na pag-ibig 'yan!" inis na bulyaw namin sa kanya.

We were inside his office in DCC Corp here in New York City.

"Baka nakakalimutan mong muntik ka ng mamatay dahil sa babaeng yun!"

"Ni hindi ka nga madalaw no'ng naghihingalo ka na sa Hospital. Dapat pala natuluyan ka na lang--"

"Migz!" magkapanabay na sita namin sa kanya.

"What?"

"Kuya mo pa rin 'yan!" angil ko.

"So? Mas matanda siya sa'kin pero yung utak niya pang grade two!"

"You don't know what you're talking about--"

"Of course I do! Harap-harapan ka ng pinapaikot nagpapakatanga ka pa rin!" with action ng kamay pang wika nito. "Ni hindi mo nga sure sa sarili mo kung may nangyari nga ba sa inyo--"

"Wala kung wala... and so what?" galit na sabad ni JM. "Gusto ko siya--mahal ko siya--"

Biglang napatayo sa kinauupuan si Migz. "That's bullshìt--! You're bullshìt--!" singhal nito kay JM. "Hindi ko alam kung ano ang pinainom sayo ng babaeng yun para magkaganyan--ang laki mong bobo--"

"Watch out your word." halos hindi kumibot ang labing wika ni JM.

"Watch out--watch out, ikaw ang mag-watch out!"

"Tama na 'yan--"

"Awat na--"

"Kalma lang kayo--"

"Hindi!" nangangalaiti pa ring sabad sa'min ni Migz saka tinuro ang Kuya niya. "Dapat dakdakan ang tangang 'yan para mauntog! Daig pa yung nagayuma or siguro ginayuma talaga kaya ganyan 'yan."

JM took a heavy sigh. Dinampot ang baso ng alak saka nilagok ang laman niyon lahat. Pabagsak pang nilapag ang baso sa mesa.

"Wala kayong karapatan para kwestiyunin ang nararamdaman ko. Yeah, tinamaan ako, but I know what I'm doing. Inimbestigahan ko din siya, marami akong nalaman pero hindi tungkol sa kanya. May nakita din akong audio at tracking device sa loob ng kotse ko. Hanggang ngayon hindi ko yun tinatanggal."

Nagkatinginan kami sa sinabi niya.

"So, aware kang isang espiya ang kinahuhumalingan mo?"

"I don't think she's a spy--"

Sabay-sabay kaming napamura. May napakamot sa ulo, merong ding napahilamos ng kamay sa mukha.

"I'm done..." umiiling na humakbang palabas ng opisina si Migz. "Bahala ka na sa buhay mo--bwesit!" pabagsak pa nitong isinanara ang pinto.

"Kung ayaw mong makinig sa'min then GO..!!" problemadong hinimas-himas naman ni Keith ang batok saka humakbang palabas ng pinto. "Kung anong mangyari sayo bahala ka--t'ngna!" pabagsak din nitong isinara ang pinto.

Sumunod si Ryan na walang anumang ekspresyon ang mukha. "Matanda ka na, dapat alam mo na 'yung ginagawa mo pero baliktad. Ikaw ang bukod tanging kaibigan kong naging bobo sa pag-ibig. Pagpatuloy mo 'yan. You did a great job, bro." malamig na wika nito.

Beloved Tyrant: Bud Brothers Series 5Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon