Beloved Tyrant 32

41 3 0
                                    

RALD JAMES GONZALVO

Seconds. Minutes. Hours. Days. Weeks. Months. Years have passed.

Hinanap namin si Curtis. Sinuyod ang lugar pero hindi pa rin namin matagpuan. Though nakakausap namin ito via audio and video call, still, never nagpakita sa'min in person at hindi ma-tracked down ni Clayde! Even Santos and Suarez. Iwan kung ano ng nangyayari sa kanilang tatlo. They have no any updates on their report either. Lumipas ang taon ng walang nangyari sa kaso. Hindi umusad. Natingga lang, which frustrates me even more.

Pakunswelo na lang yung pagsasabi nila sa'min na ok lang sila at safe. Pero kahit ganun hindi pa rin napapanatag ang kalooban ko. Nag-aalala pa rin ako sa kanila lalo na kay Curtis.

"Boss, nasa baba si Boss Wayne." boses ng katiwala kong si Scott.

Natigilan ako sa pagsuot ng brown leather ankle boots, nag-angat ng tingin sa kanya.

"Bakit daw? Sinong kasama?" tanong ko saka isinuot iyon sa paa at inayos ang sintas.

"Mag-isa lang--"

"Anong oras na 'di ka pa rin tapos?" sabad na boses ni Wayne sa labas ng pintuan. "Namumuti na ang mga mata ng mga yun kakahintay sa'tin doon."

"So? You're not welcome here."

"Naks! Hanggang ngayon ba naman galit ka pa rin sa'kin?"

Tumayo ako saka pinagpag ang boots ko. Pagtingin ko kay Wayne nakataas ang kilay nitong pinapasadahan ako ng tingin mula ulo hanggang paa. I'm wearing navy jeans, a white fitted shirt na nakarolyo hanggang siko ang manggas, and of course matching with my brown leather ankle boots and brown belt. Naka-hair stlying wax ang buhok ko sa harapan pataas.

"Bagay ba?"

"Looking handsome as always."

"Inuto mo pa talaga ako--"

"Hindi ka magugustuhan ni Gandara kung hindi ka gwapo--"

"I don't wanna hear you ever again calling her Gandara." sabad ko. "She's mine, Santiago."

"Alam ko na 'yan noon pa."

"Why are you here?"

"Sinundo kita--"

"Kaya kong pumunta mag-isa sa bar--"

"Na miss kita kaya nandito ako."

"Or baka bored ka lang kaya naalala mo 'ko?"

Pinanliitan niya ako ng kanyang mga mata. "Legally married na kayong dalawa. May anak na. Makikisawsaw pa ba ako? Tsaka Rashmin and I, we're just friends! Masyado ka namang possessive, Gonzalvo."

I scoffed. "Antayin mo yung babaeng magpapa-spelling sayo ng salitang POSSESSIVE."

"Tss, malabong manyari 'yan. Hindi pa ipinapanganak yung babaeng magpapagawa sa'kin niyang sinasabi mo."

"Lets wait and see. Baka mas malala pa yung gawin mo kaysa do'n sa ginawa ko sayo."

He laughed. "Hindi ko akalain na pag-iisipan mo kami ng masama no'n ah. Ang lupet mo pala magalit, bro. Bigla kayong nakabuo."

I chuckled. "Wala pa yung binyag. Ninong kayong lahat."

"Aba'y syempre!"

"Hindi bababa sa sampung libo ang pakimkim ah."

"Wow! Bakit ano 'yang anak mo passbook? May pa maintaining balance na sampung libo? 'Wag na lang pala. Ang demanding mo namang kumpare."

I laughed wholeheartedly and then walked towards him. Nakangiting sinalubong niya naman ako ng akbay saka hinatak palabas ng bahay. Dumeritso kami sa garahe. Then, get in the car and maneuver it out of the gate.

Beloved Tyrant: Bud Brothers Series 5Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon