Beloved Tyrant 6

50 4 0
                                    

RALD JAMES

"Anong tingin niyo sa babaeng yun?"

Kasalukuyan kami ng mga tauhan ko sa loob ng control room, nasa underground gateway papunta sa kabilang resort.

Hindi ako umalis ng bahay kanina hanggat hindi sinisimulang labhan ni El Salvador ang mga bedsheets. Galing iyon sa stockroom sa hotel sa kabila. Mga luma na at hindi na ginagamit.

I deliberately tormented her para siya na mismo itong kusang sumuko at umamin ng krimen na ginawa niya pero bukod sa todo na nga siyang tanggi, nakukuha pa akong bwesitin at bara-barahin. Nakakapang-init ng ulo--t'ngna! Napapaisip tuloy ako kung may kinalaman ba talaga siya sa pagkamatay ng mga magulang at kapatid ko or wala? Pero imposible...

"Magaling, may ibubuga," wika ni Jem.

"Ang bilis ng kilos niya." segunda ni Rob.

"Yung moves niya kakaiba." wika naman ni Spyke.

"True, iba yung mga atake niya." sang-ayon ni Craig.

"Tapos yung mga mata niya subrang bilis din." wika ni Code.

"Hindi ko akalain na may tinatago pa siyang armas sa katawan." ani ni Drake. "Mabilis ang utak niya."

"Gulat nga din ako e," nakatawang wika ni Stone saka nilingon si Cyrus. "Akala ko ba pinalitan mo yung suot niyang four pair earings, bracelet at singsing? Diba pinadouble check mo pa yung singsing niya kay Clayde?"

"Iba yung singsing na suot niya kanina. Lahat ng accessories sa katawan niya kinuha ko at pinalitan ng bago no'ng nasa Italy pa lang kami't wala siyang malay."

"So, where did she get that ring with tranquilizer?"

"I have no idea." binalingan ako ni Cyrus. "She's an expert based on her fighting skills. Her moves, her stance, her speed, and her techniques are different. Pakiramdam ko warm up pa lang yung pinakita niya sa atin e."

"Pansin ko rin." segunda ni Drake. "The way na gumalaw yung mga mata niya parang alam niyang sinusubukan lang natin siya."

"Ba't kasi hindi niyo pa tinodo?"

"E, diba sabi mo Boss titingnan lang natin yung moves niya para e-compare dun sa--"

"Sabi ko kahit balatan niyo siya ng buhay wala akong pakialam." sabad ko kay Spyke.

"Iba yung sinabi mo do'n sa kakahuyan sa napag-usapan natin dito boss." katwiran pa nito.

"Sino ang Boss sa ating dalawa?"

Natigilan ito sa tanong ko sabay kamot sa ulo. "Grabe Bro... kailangan pa bang e-memorize yan?"

"So ba't di niyo sinunod yung sinabi ko?"

Nagkatinginan silang walo sabay iling.

"Seryoso ka talaga, Boss?" alanganin pang tanong sa akin ni Jem.

"Mukha ba akong nagbibiro?"

"Sabi ko nga seryoso ka."

"Pareho sila ng katawan no'ng babaeng dumukot sa kapatid ko diba?"

"Parang mas sexy tong si El Salvador--uhmmm," natigilan si Rob sabay ngisi. "Magka-iba ng hulma ng katawan. Yung ang ibig kong sabihin, Boss."

"I don't need an explanation, Rob. Gusto ko yung totoong observation niyo sa kîller na yun ang sabihin niyo sa akin."

"O e, she's so sexy."

"Gorgeous and hot," segunda ni Stone.

"Perfect yung katawan niya kaysa do'n sa kidnapper ng lil sister mo Boss." dagdag pa ni Spyke.

Beloved Tyrant: Bud Brothers Series 5Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon