Beloved Tyrant 51

57 4 0
                                    

RALD JAMES GONZALVO

“Wala sa Re Drago Edificio si Wrath.”

Napaangat ako ng tingin kay Cyrus saka muling tinitigan ang screen ng phone ko at binasa ang email ni Curtis. Of course, puro iyon panlilinlang lang. Siguro kung hindi ko pa alam ang buong katotohanan baka nabaliw na naman ako. Hindi na naman magkakatugma ang report ng tatlong private investigator namin at mga tauhan ko.

“Hindi siya bumalik ng Italia.” segunda ni Craig.

“Hindi rin siya lumuwas ng bansa.” dagdag ni Rob.

“So, probably, nandito lang din siya nagtatago sa Pilipinas.” chorus nila.

“Hindi rin totoong nasa East Harlem si Darleen.” wika si Drake. “Not even in West Harlem.”

“Ayon sa source ko, nag-alsa balutan sila right after na nabalitaan nilang námatay sa engkwentro ang grupo ni Boss Keith.” wika ni Code.

“Where did they go?” tanong ko.

Code shrugged his shoulder. “Moved to the other City, I guess.”

“How about yung mag-amang Hugo at Giuseppe?”

“Lumuwas ng bansa si Giuseppe.” sagot ni Spyke. “He's in Japan at the moment. While Hugo...” nilingon nito si Jem na nakasandal sa pader sa gilid ng control room, busy sa pagkalikot sa cellphone. “Jem--”

“Hugo's not there in New York. Not even in Italia.” sabad ni Jem pero nakatutok pa rin ang mga mata sa screen ng cellphone. Hindi man lang nag-angat ng tingin. “He's hiding kasi hina-hunting siya ni Darleen. Hindi na rin pumupunta ng Universal Tecs Corp. Ayon sa source ko, yung kapatid ni Giuseppe ang acting chairman of the board ng kompanya nila.”

“Nagsisipagtago sila tapos sasabihin sa report ni Curtis nasa East Harlem si Darleen at nasa Italia si Wrath. Tapos ang t'ngnang mag-amang Fontana na yun...” kumuyom ang mga kamao ko sa subrang galit. “They're trying to trap me--”

“They want you dead.” chorus nila.

“And Darleen was so certain on herself na babalikan mo siya.” wika ni Stone. “Syempre takot din siya sa asawa mo kaya ganun ang report para surebol na sakote kayo both... all of us.”

“May nakuha ka pa bang ibang info kung nasaan yung tatlong kasamahan no'ng dalawang bihag natin; sina Rochelle, Juliet, and Katniss including Darleen?”

“They were back in Italia.” sagot ni Stone. “Kung nasaan,” umiling ito. “Hindi ko matukoy kasi iba't ibang lugar yung pinupuntahan nila, palipat-lipat. May mga gamit nila yung mga bahay na sinabi ni Curtis, lahat mukhang may nakatira nga pero siguradong nililigaw lang nila tayo.”

“What do you mean?”

“Walang tao pero may mga bagong hugas na plato, may pinaglutuan, may mga nilabhan na damit, yung kobre kama gusot-gusot. Seems like they move from one place to another, just like what's Curtis report said, BUT in just an hour? Mahaba yung pagitan ng byahe sa bawat lugar na sinabi ni Curtis pero lahat ng bahay gamit. Ano yun, nag-teleport sila sa bawat bahay nila na pinupuntahan namin?”

“I can help you with that.” sabad na boses ni Rash.

Sabay-sabay kaming napabaling sa pintuan. There; I saw my wife. Nakasungaw ang ulo sa pintuan.

Salabong ang mga kilay na tinitigan ko siya. “You're eavesdropping again, Honey bunch,” nakangiting itinulak niya naman ang pinto pabukas saka pumasok sa loob. “What are you doing here? Umalis na nga kami do'n sa Library sa bahay sumunod ka pa talaga dito.”

“Nag-aalala ako sayo kaya nakikitsismis--”

“Rash...”

She shrugged her shoulder. Pinagsalikop ang dalawang kamay sa likod saka humakbang palapit sa akin. Nagsipaggilid naman ang mga tauhan ko.

Beloved Tyrant: Bud Brothers Series 5Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon