Beloved Tyrant 38

52 3 0
                                    

RALD JAMES GONZALVO

PAGKATAPOS kong kumain, nilinis ko kaagad ang buong kusina. Dumeritso ako sa Laundry room, tsenek ang mga maruruming damit at sinimulan na din iyon isalang sa washing machine.

Lumabas ako ng Laundry room. Tunog ng telepono sa sala ang sumalubong sa akin. Akma ko iyon lalapitan ng huminto sa pag-iingay. Tumingala ako sa hagdanan, humakbang papunta doon ngunit muling tumunog ang telepono. Malalaking hakbang ko iyon nilapitan at kaagad na sinagot para lang matigilan sa sinabi ni Curtis sa kabilang linya.

“Authentic ba yan? Pina-check mo na kay Clayde--NO I'm busy---OK. Will check my phone.”

Pagkababa nito ng tawag, patakbo kong tinungo ang kwarto ni Rash.

“Rash..?” tawag ko pero walang sumagot.

Hinanap ko siya, but she's nowhere to be found inside her room. Dali-dali akong lumabas, malalaking hakbang na tinungo ang master bedroom. Tsenek ko ang phone ko. Halos mabitawan ko iyon. Nanlumo sa aking nakita. Mariin akong napapikit, napasabunot sa aking buhok ng kumirot ang ulo ko... kumirot ng kumirot.

Napadilat ako sabay lingon sa balcony ng marinig ko ang boses ni Rash sa labas.

“Nakakainis ka!”

Sinuksok ko ang cellphone sa aking bulsa saka humakbang papunta sa balcony. Natanaw ko si Ryker na nagba-bike. Nag-uusap naman sina Ruffa at Rash.

“Hoy! RASH! Pikon naman agad! Binibiro lang!” sigaw ni Ruffa ng mag-walk out si Rash.

“Wala kang kwentang kausap!” balik sigaw niya na ikinalakas lalo ng tawa no'ng isa.

Saglit akong nanatili sa kinatatayuan ko. Lovingly stared my son while riding a three wheeler bike na regalo ko sa kanya no'ng fifth birthday niya. Ang buhay ko ngayon nakadepende na sa kanilang dalawa... Rash and Ryker. Hindi ko kakayanin na isa man sa kanila mawala pa sa'kin. Ayokong masira ang sinisimulang ko pa lang buuin na pamilya ko, na panibagong buhay ko kasama silang mag-ina ko.

But why did the past never stop chasing me?

Why does it keep haunting me?

Why didn't they just stop?

Sinabihan ko na si Curtis na tumigil na sa imbestigasyon tungkol sa pamilya ko. Ayoko na. I just wanna move forward and leave the past behind. Nandito naman na si Rash at anak naming si Ryker. May pumalit naman na. Sila na ang bagong mundo ko.

Pero bakit sa tuwing nagiging tahimik at masaya na ang buhay ko may unos na bigla na lang susulpot para sirain iyon?

Hindi ko ba deserve maging masaya?

Bakit yung nangyari sa pamilya ko kailangan kumonekta pa sa nangyari kay JM at sa mag-ina ni Curtis pati kina Tito Cedric at Tita Zaniyah?

Ano ba talagang nalalaman ng asawa ko para paulit-ulit nilang sirain sa akin?

Bakit pati si Tito Kristoff kailangan madamay?

May kinalaman din kaya si Keith sa nangyari sa mag-ina ni Curtis?

Yung mga katagang sinabi sa'kin ni Curtis about Friendship, si Keith kaya pinapatamaan niya no'n? Or siya? Or ako? Tinitigan niya pa ako sa aking mga mata e. But... kung sakaling si Keith... Why? WHY KEITH? Of all people bakit siya pa? Bakit may ganung report? Bakit?!

Keith is like a dear brother to me!

Pero ano ba yung pinag-uusapan nila sa tuwing nakatalikod ako? Makailang ulit ko na silang naaabutan na nag-uusap-usap tapos bigla na lang titigil kapag dumarating ako.

May pinagtatakpan ba sila? Ginagago ba nila ako patalikod?

I scoffed and released a pissed groan. Lalong sumakit ang ulo ko.

Beloved Tyrant: Bud Brothers Series 5Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon