Beloved Tyrant 4

55 4 0
                                    

RASHMIN

Ilang oras lang ang lumipas simula ng iwan ako ni Rald pero pakiramdam ko taon na ang katumbas no'n. Niyuko ko ang mga sugat na ginamot ko. Hindi ako pwedeng ma-stock sa lugar na 'to.

Tumayo ako saka lumabas ng kwarto para lang magulat sa nabungaran ko sa labas. Nagkalat ang sandamakmak na malalaking pictures ng 'di ko kilalang babae. She looks so beautiful, too young and innocent. Napakaganda ng kanyang ngiti. Iginala ko ang paningin sa buong paligid. Lahat ng pader merong nakadikit pati sa itaas, napayuko ako sa aking natapakan. Wala sa sariling dinampot ko ang poster. Nagsalubong ang mga kilay ko ng mariin iyong matitigan.

Why. . . she looks familiar?

"Did you recognized her?"

Marahas akong napalingon sa gilid ko. Mabangis na mukha ni Rald ang sumalubong sa akin. Nakasandal sa pader habang nakakrus ang dalawang braso sa hubad na dibdib. That devil still looking gorgeous and hot. Naglakbay ang paningin ko pababa para lang mapaso sa aking nakita. He's just on his boxer! I gulped then look away when I heard his evil smirked.

"Drooling my nakedness, my Lady?"

"Don't flatter yourself Gonzalvo. Hell would freeze first before I set my gorgeous eyes with you."

"LOL. Didn't you just roamed my body with your lustful eyes--"

"Shut up!" singhal ko sa kanya na sinuklian niya naman ng nakakapanggigil na ngisi. "Kahit siguro ikaw--"

"Hep," pigil niya sa akin. "'Wag mo ng ituloy dahil pareho lang tayo." umahon siya sa pader saka humakbang palapit sa akin. Napaatras ako ng tumayo siya sa harapan ko at nilapit ang mukha sa akin. Lumapad lalo ang kanyang ngisi sa ginawa ko. "Like I said, hindi ako pumapatol sa mga mabababang uri na kagaya mo. Kahit maghubad ka pa sa harapan ko at ihain sa akin 'yang nakakadiring katawan mo, El Salvador."

Nang-uuyam ko siyang tinitigan. "Talaga lang ha? Kaya pala sarap na sarap ka habang niyayamukos ako ng halik at naglalakbay ang mga kamay mo sa aking katawan. Remember when we were intimately together inside your room in Italy, baby?"

Pinaningkitan niya ako ng kanyang mga mata. Nakita ko pang bumaba iyon sa aking mga labi kasabay ng paggalaw ng kanyang adams apple. Napangiti ako sa aking isip. Pero ang sumunod niyang ginawa ang 'di ko inaasahan. Mabilis niyang hinaklit ng kanyang braso ang bewang ko. Nakulong ang tili sa lalamunan ko ng marahas niyang sakupin ang aking mga labi. Mapagparusa ang paraan ng kanyang halik. Pakiramdam ko dumudugo na ang mga labi ko.

Nagpumiglas ako pero pabalang niya akong isinandal sa pader. Napaigik ako sa sakit. His kisses became brutal and painful. Bumagsak ang luha sa aking mga mata. Huminto naman siya at bahagyang lumayo sa akin. Tinitigan ang luhang lumandas sa aking pisngi. Nagulat pa ako ng marahan niyang pinalis iyon. Lalo na sa pagbabago ng kanyang mukha. Lumambot iyon na para bang nagsisi or nasasaktan siya habang nakatunghay sa akin. Pero saglit lang iyon nakiraan, kaagad napalitan ng bangis, galit na hindi ko mawari kung saan nanggaling. Nakakatakot! I never seen anyone like this before.

Like. . . sa klase ng trabahong meron ako, buhay ko ang nakataya pero kahit kailan never akong nakaramdam ng anumang takot kung mamatay man ako sa gitna ng misyon ko. Ngayon lang. At hindi ko din maintindihan ang sarili ko kung bakit nakakaramdam ako ng malakas na pwersang humahatak sa akin na para bang. . .

Gusto kong alamin ang lahat ng tungkol sa kanya,

Gusto kong pasukin ang kaloob-looban niya,

Gusto kong pasukin ang puso niya,

Gusto kong halungkayin ang misteryong bumabalot sa kanyang mga mata para mabigyan ng kasagutan ang gumugulo sa aking puso't isipan.

But how? And why?

Beloved Tyrant: Bud Brothers Series 5Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon