Beloved Tyrant 57

53 3 0
                                    

THIRD PERSON's POV

CURTIS

Kunot-noong nagpalipat-lipat ang tingin ko sa mga tauhan. Seems like they're in a high alert.

Nilapag ko ang tasa ng kape sa ibabaw ng mesa na puno ng sari-saring pagkain. Tumayo ako sa kinauupuan ko. Nilapitan ang bantay.

“What's going on?” tanong ko pero hindi ako nito sinagot.

Tiningnan lang ako saka umalis, may tinawag na dalawang tauhan na pumalit dito.

“Anong nangyayari?” salubong ko sa dalawa habang nakatanaw sa paroo't paritong mga tauhan. “Why... everyone seems like in a fuss?”

“Capo just called.” wika ng lalaking nakatayo sa kanan ko. “Nagkakagulo ngayon sa isla.”

“Isla? What isla?”

“Isla. Island in your country. Where else do you think? Idiot.” sabad ng lalaking nasa kaliwa ko.

“I'm just asking.” sinamaan ko ito ng tingin. “I don't even know where's that isla in my country you were saying. Why are you always in a grumpy mood?”

“I don't trust YOU. You're still one of our rivals.”

I scoffed. “I don't trust you either.”

“Malamang ikaw ang nagtatraydor sa grupo--”

“Hindi ako kagaya niyo na walang isang salita.”

“Maybe,” he evily smirked. “Alam mo naman na siguro ang ginagawa ni Capo sa mga taksil diba?” nilapit nito ang nakakasuyang mukha sa akin. “Bye-bye to your family--”

“Curtis!!”

Nahigit ko ang aking hininga kasabay ng pamimilog ng aking mga mata sa gulat sa lakas ng boses ng tumawag sa pangalan ko. Marahas ko iyon nilingon.

“Pinapatawag ka ni Boss!” sigaw ng alalay ni Darleen.

“I can see purgatory and hell--”

Marahas kong hinablot ang kwelyo ng damit ng lalaking nasa kaliwa ko. Ngali-ngaling umbagin ko ang kanyang nakangising mukha kung hindi lang sa baril ng kasamahan nito na nakatutok sa'kin.

“Stop that, CURTIS!!” muling sigaw sa'kin ng alalay ni Darleen. “Pumunta ka sa opisina ni Boss! Now na!”

Humigpit ang kamay ko sa kwelyo ng damit nito, hinatak lalo palapit sa akin. “Mag-re-reunion talaga kayo ni kamatayan kapag kinanti niyo ang mag-ina ko.”

“I'm not threatened--”

“Well, you should be. YOU. SHOULD. BE.”

Lalong uminit ang ulo ko ng nakakaluko pa ako nitong pinagtawanan. Pabalang ko itong binitawan sabay talikod. Malalaking hakbang na tinungo ang opisina ni Darleen. Naabutan ko itong nakaupo sa edge sa harapan ng kanyang mesa, sumisimsim ng cranberry juice sa mataas na baso. Nakaupo naman sa L-shaped sofa sa gilid yung tatlong tauhan, yung isa nakakrus ang dalawang braso sa dibdib habang nakasandal sa pader.

“Pinapatawag mo daw ako, Boss Madam?”

“Yes.” inilapag nito ang baso saka dinampot ang brown envelop sa tabi nito. Inabot iyon sa akin. “Dalhin mo 'to sa Villa De Vecchi.”

Napalunok ako ng wala sa oras sa aking narinig. That's an abandoned building in Cortenova, province of Lecco, Lombardy.

“V-Villa De Vecchi?”

Tumango ito. “May naghihintay na sayo doon para kunin 'to--”

“Bakit doon pa? Bakit hindi na lang dumeritso dito?”

Beloved Tyrant: Bud Brothers Series 5Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon