Beloved Tyrant 21

50 3 0
                                    

RASHMIN EL SALVADOR

"Good morning, Love."

Naalimpungatan akong may matunog na humahalik saan mang parte ng aking mukha. Nanoot sa ilong ko ang humahalimuyak na aftershave at pabango ni Rald. Amoy bagong ligo lang. His fresh breath fan on my face.

"Hmmm,"

Kumilos ako, hinatak ang comforter saka pumihit patalikod sa kanya pero hinatak niya rin ako paharap sa kanya. Iminulat ko ang aking mga mata. Nakangiting mukha naman ni Rald ang sumalubong sa akin. Mamasa-masa pa ang nangingintab na buhok.

Matunog niya akong hinalikan sa labi. "Bangon na. Nakahanda na ang breakfast."

I closed my eyes again, saka muli hinatak ang kumot at tinalikuran siya.

"Antok na antok pa ako, Rald." I drowsily mumbled. "Anong oras mo na ako pinatulog tapos ngayon nanggigising ka."

Niyakap niya ako mula sa likuran. Hinawi ang buhok na tumabing sa aking pisngi saka matunog na hinalikan doon. He even rested his chin at the crook of my neck.

"Aalis ako, ayaw mo bang sumama?"

"Saan ka naman pupunta?"

"Sa memorial park. Will visit my family and maggo-grocery na din."

"Saan yun?"

"In Manila--"

Napabalikwas ako ng bangon. Bigla akong tinakasan ng antok. Gulat at salubong naman ang mga kilay niya akong tiningnan.

"Luluwas tayo ng syudad?!" excited ko pang tanong sa kanya.

Pinagtaasan niya ako ng kilay. "Akala ko ba inaantok ka pa? Excited ka naman yata masyado?"

"Ah... hindi. Gising na pala ako,"

Nagmamadali akong bumaba ng kama pero kaagad din akong natigilan ng makita kong wala akong anumang saplöt. Pagtingin ko kay Rald naglalakbay na sa kabuuan ko ang naga-twinkle niyang mga mata. Huminto iyon sa gitna ng aking mga hita. He even playfully smirked while staring at it intently, then pouted his reddish lips.

"Nice view..."

Tila sinabuyan naman ako ng baga sa subrang hiya na lumukob sa akin. Hinatak ko ang kumot para ipantakip ko sana pero hinatak niya rin iyon.

"Rald--ano ba!"

Nakangising itinukod niya ang siko sa kama saka ipinatong ang ulo sa ibabaw ng kamay niya. Mabilis ko namang hinablot ang malaking unan at iyon ang ipinantakip sa hubád na katawan. Nakangisi pa ring nag-angat siya ng tingin sa akin.

"Kung binabalak mong tumakas 'wag mo ng ituloy."

"Sino namang may sabi sayong tatakas ako?"

"Kakasabi ko lang diba?"

"Nagha-hallucinate ka lang--"

"Nababasa ko ang tinatakbo ng utak mo, my wife."

Tumalon yung puso ko sa tinawag niya sa akin pero kaagad ko rin kinastigo ang sarili. Tinawanan ko siya.

"Grabe... dati pakawala ka lang sa mental tapos ngayon psychiatrist ka na? Laking improvement no'n ah."

"Don't me."

"Anong don't me? Parang yung... Don't cha wish your girlfriend was hot like me?" kanta ko sa kanya with action. "Don't cha wish your wife pala was a freak like me? Don't cha baby? Don't cha?"

Kinusot-kusot niya ang mga mata habang tumatawa. "May sayad ka ba talaga?"

"Gusto mong patungan kita diyan para 'di ako sumayad?"

Beloved Tyrant: Bud Brothers Series 5Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon