Beloved Tyrant 45

40 4 0
                                    

RASHMIN EL SALVADOR

Sumunod na mga araw naging subrang tahimik ni Rald. Lagi din nagkukulong sa Library. Tinatanong ko kung anong ginagawa ang tanging sagot niya sa'kin nagtatrabaho lang daw siya.

Tapos, pagkalipas ng ilang buwan panay namang alis. May nakita pa akong dalawang babaeng kausap niya sa dalampasigan. Moana at Mutya yung narinig kong tinawag niyang pangalan. Iwan kung sino ang mga yun. Pero yung ayos at mga galawan nila mukhang kagaya ko din sila... isang spy.

“Saan kayo pupunta?” tanong ko kay RuRu ng matanaw kong naglalakad palabas ng bahay kasama sina Ryker at Raiden. “Saan na naman ang lakad niyong magtitita?”

Nakangiting nilingon nila ako. “Diyan lang po sa kabilang Resort, Mommy.” sagot ni Ryker. “Tito Cyrus said he had a surprise for us.”

Tiningnan ko si RuRu. “Maligalig ang dalawang yan.”

“No worry. I can handle them.” then wink at me.

Nilapitan ko sila. Pinupog ng halik si Bunso. Tumitiling humagikhik naman ito.

“'Wag ka ng sumama--”

Kaagad itong yumakap sa leeg ni RuRu. “Sama po ako.”

“Kasama ko si Ryker. Hindi talaga magpapaiwan ang isang 'to. Tsaka nandun na pala si Teacher Rhoselle.”

“Teacher Rhoselle?” kunot noong tanong ko. “Sino yun? Bagong tutor na naman--”

RuRu laughed. “Siya yung napili ni Ryker sa mga tauhan na pinadala dito ng kaibigan ni Kuya James noong nakaraang araw,” nilapit nito ang mukha sa aking tainga. “Mukhang mga spy agent. Kasamahan no'ng Moana at Mutya ba yun. Narinig ko silang nag-uusap-usap do'n sa gateway. Tapos may panay daw text na unknown number kay Kuya James. Hula nila si Darleen. Pinapatingnan do'n kay Clayde yung D--”

“Anong pinagbubulungan niyong dalawa diyan?”

Napapitlag kami ni RuRu sa boses ni Rald sabay layo sa isa't isa.

“Ah--”

“Labas na Ryker.” wika ni RuRu.

“Wait lang po. Magpapaalam muna ako kay Daddy--”

Mabilis hinablot ni RuRu ang damit ni Ryker saka hinatak palabas. “'Wag ka ng magpaalam. Alam na niyan.”

Nagkawag naman ang mga binti at braso ni Raiden pagkakita kay Rald. “Daddy--”

“Gumaya din ang isang 'to. Nakita lang yung Daddy niya bigla ayaw na sa'kin.” nilingon ako ni RuRu. “Punta muna kami sa kabila ah.” sabay layas. “Maraming toys do'n.”

“Tsaka food po Tita?”

“Yes po. Tahan na Baby Raiden. 'Wag ka dun sa Daddy mo. Mainit ulo no'n.”

“Mainit po ang ulo ni Daddy?”

“Yes po. Kaya nga nagkukulong sa kwarto e.”

Narinig ko pang usapan nina RuRu at Ryker habang si Bunso umiiyak na at panay tawag ng Daddy. Pero yung mga mata ni Rald nanatiling nakatitig sa akin. Walang ekspresyon ang kanyang mukha. I stared back at him, pero kaagad din akong nag-iwas ng tingin ng lumalim na iyon. Parang binabasa niya na ang laman ng utak ko.

Humakbang siya palapit sa akin. Nanatili lang ako sa kinatatayuan ko. Hinawakan niya ang chin ko, inangat iyon pagkahinto sa harapan ko. Muling nagtama ang mata naming dalawa. Bumaba ang kanyang mukha sa akin.

“Anong sinabi sayo ni Ruffa?” bulong niya.

Nilapit ko rin ang mukha sa kanya. “Nanonood ka daw ng pòrn kaya nagkukulong ka sa Library.” pabulong ko ring sagot sa kanya.

Beloved Tyrant: Bud Brothers Series 5Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon