Beloved Tyrant 52

52 4 0
                                    

THIRD PERSON's POV

CURTIS

“Sinabi mo sa kanila kung nasaan--”

“Pagkatapos kitang iligtas pag-iisipan mo pa ako ng masama?” inis-inisan na sabad ko sa kanya. Kasalukuyan kaming sa bahay na isa sa pag-aari ni Wrath na pinapagamit sa kanilang grupo. Parehong ginamot ng Doctor na kaibigan niya. “Really, Boss Madam?” tinuro ko ang tauhan niyang naatasan magbantay saakin. “Ayan yung human CCTV mo, tanungin mo. Hindi yung puro ka hinala. Puro ka bintang, nakakapika.”

Tiningnan iyon ni Darleen.

“Magkasama kami kahit saan siya magpunta maliban sa banyo--”

“E 'di sana sinabi mong gusto mo din pala sumama sa'kin sa loob ng banyo. Madali naman akong kausap.”

“Wala naman siyang ginagawang kahina-hinala maliban sa pagbabanyo ng matagal. Sumusunod siya sa akin at sa lahat ng inuutos niyo.”

Pailalim akong tinitigan ni Darleen. Dinadaga na ang dibdib ko sa kaba, but I composed myself .

“Anong ginagawa mo sa loob ng banyo?”

“Do you want me to elaborate the obvious?”

“Alam kong alam na nila na hawak ka namin--”

“What makes you think na iisipin nilang hawak niyo ako e ang buong alam nila patay na ang mag-ina ko?” pagsisinungaling ko. “Walang dahilan para mahawakan niyo ako sa leeg, Boss Madam. About sa mga reports ko noon na paninira kay El Salvador at Daddy ni Boss Keith, tumugma sa ibang report ng private investigator nila kaya malabo yang iniisip mo. Besides, ikaw yung nadiin na nananabotahe para mailigaw ang imbestigasyon namin at yung Boss niyo. Tsaka isa pa, lahat ng kilos nila na nire-report ko sa inyo tugma naman sa mga report ng private investigator niyo diba?”

“'Wag mo akong paikutin--”

“I have no any gadgets! Baka nakakalimutan mong hawak na ng tauhan mo yung phone ko. Naka-monitor sainyo lahat ng nire-report ko kay Boss James, and yet you're accusing me--”

“So, how the hell they found--”

“As if hindi mo kilala si El Salvador. Si Boss James, diba dekada mo siyang nakasama? Hindi mo alam ang takbo ng utak niya? Tsaka in-expect mo talaga na pagkatapos ng nangyari maniniwala pa rin siya sa mga reports namin? Malamang hindi na. Trauma na yun.” tinuro ko ang tauhan nito. “Kahit tanungin mo pa siya. Bihira na lang akong tawagan.”

“Si El Salvador ang reliable source nila ngayon.” wika ng tauhan. “I'm not sure kung naalala niya na lahat pero tingin ko OO. And we found out na siya din ang nag-tip kay Boss Hugo kung nasaan kayo ng mga kaibigan mo kaya natunton ka nila. Boss Hugo and his Dad are hunting you too discreetly. Walang alam si Capo.”

Napalaban din kami kanina pagkatapos namin tumalon sa bintana. Nagsulputan ang mga tauhan ni Hugo. Plus, the snipers, sinabi kong tauhan din iyon ni Hugo pero ang totoo sniper ni Boss James. Sinadya lang akong patamaan sa tagiliran para gumana ang plano.

I need to find my son and my wife as soon as possible, and that girl na nakita ko sa East Harlem... malakas ang kutob kong si Señorita Raina talaga iyon. Now I understand why I'm extremely prohibited wandering around the hideout. May tinatago sila. And this demon in front of me... hindi ko akalain--damn! I wanna throttle her neck to deàth!

“That bìtch...” Darleen angrily clenched her fist. “Pinàtay niya lahat ng kaibigan ko. Hindi ako makakapayag na mananatili siyang buhay at masaya. Dudurugin ko siya sa aking mga kamao. Mahawakan ko lang siya, sisiguraduhin kong hindi na siya makakakita pa ng liwanag kahit kailan.”

Beloved Tyrant: Bud Brothers Series 5Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon