Beloved Tyrant 7

46 4 0
                                    

RASHMIN

Hindi ko alam kung ano ang inilagay ni Rald sa kamoteng yun, but I'm having...

Belly cramps and pain.

More-frequent bowel movement.

Passing loose, watery stools.

I felt weak and lethargic.

Kung gaano kasama ng pakiramdam ko ganun din katindi ng gigil na nararamdaman ko para makabawi sa kanya.

"Aww--sucks!" namimilipit sa sakit na daing ko habang nakaupo sa ibabaw ng bowl. "Rald!"

Biglang bumukas ang pinto ng banyo. "Yes, my lady?"

Napatutok ang mga mata ko sa kanyang mga paa na nasa gitna ng pintuan. Dahan-dahan na nag-angat ng tingin sa kanya. Kahit nanghihina na ako hindi ko pa rin mapigilan ang sarili kong matawa sa itsura niya. He's wearing a tear gas mask!

"Anong masamang espiritu ang sumanib sayo at nakasuot ka ng ganyan?"

"Boys scout ako. Lagi talaga akong handa sa lahat ng panganib. Lalo na ngayon."

"Anong panganib ang pinagsasabi ko diyan?"

Tinuro niya ako. "Mas matindi pa sa tear gas ang nilalabas mo. Mahirap na. Baka bigla akong mahimatay."

"Gago--lumayas ka!"

"Tinawag mo ako tapos ngayon pinapalayas mo ako?"

"Sadyang nakabantay ka na talaga sa akin diyan sa labas ng--"

"Syempre," sabad niya. "24/7 akong nakabantay sayo."

"Ganun mo ako ka-love?"

"Yucks--sa amoy mong 'yan? Sino magkakagusto sayo? Harap at likod na nasa baba mo umaalingasaw sa 'di kanais-nais na amoy."

"Lumayas ka." turo ko sa likuran niya pero hindi siya natinag. "LUMAYAS KA!"

He laughed. "Kawawang Rashmin."

"You're pathetic, not me! I assure you that, Gonzalvo."

I flushed the toilet. Inayos ang sarili, tinakpan ang bowl at naupo doon. Isinandal ko ang likod saka pumikit.

"'Wag mo akong titigan Rald, baka ma-in love ka sa akin."

"I'm engaged to be married with Darleen kaya malabong mangyari yang sinasabi mo."

Nagmulat ako ng aking mga mata ng marinig ko ang papalayo niyang mga yabag.

"Tama ba ang dinig ko? Engaged siya kay Darleen? Sinong Darleen ang tinutukoy niya?"

MAGDAMAG akong nanatili sa banyo. Doon na ako nagpalipas ng gabi, nakapikit habang nakaupo sa ibabaw ng takip ng bowl. Nagpabalik-balik din ako sa kusina. Nagtimpla ng maiinom na mainit. Pabugso-bugso ang sakit ng tiyan ko, humihilab kaya saglit lang din akong nakakaidlip. Pero tiniis ko ang lahat kahit halos maglupaypay na ako sa subrang panghihina.

"Good morning, Miss."

Napaangat ako ng tingin sa lalaking nakatayo sa labas ng pintuan. Nang makilala ko ang mukha kaagad ko din ipinikit ang aking mga mata.

"What do you want?"

"Pinaghanda kita ng mainit na sabaw. Nandun na sa mesa."

Muli ko itong tiningala. "Ano yan pa-round two ng Boss mong bugok?"

"Anong round two?"

"Alis! Never ever akong kakain ng niluto niyo."

"Inumin mo 'to para--"

Beloved Tyrant: Bud Brothers Series 5Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon