06 : Birthday
JULIAN
Today is Sienna’s birthday night.
Kakadating ko pa lang sa venue ng party niya, pero saglit akong napatigil sa may pintuan. The moment I stepped inside, a wave of anxiety hit me as I took in the crowd.
Halos lahat ng tao ay nakasuot ng mga eleganteng gown at makisig na barong, kumikinang sa liwanag ng chandelier sa itaas. Samantalang ako—isang polo at maong na jeans lang ang suot ko. Masyado silang perpekto para sa simpleng anyo ko, at naramdaman ko ang kakaibang bigat sa dibdib ko.
Sienna... didn’t say it was a formal event.
Huminga ako nang malalim, pilit na pinipigilan ang kaba at hiya. My chest felt tight, but I managed to take another step forward, hoping I could blend in. Ang buong silid ay parang napuno ng mga bulungan at mapanuring tingin na kahit hindi ko naririnig ay tila sumasampal sa akin. Sa bawat hakbang ko, lalong tumitindi ang pagnanasa kong maglaho na lang.
Sa gitna ng kaguluhan ng gabi, hinanap ko si Sienna, umaasa na mapapawi kahit paano ang tensyon ng gabing ito. But as I spotted her across the room, surrounded by classmates, I felt another sting.
She looked so happy, blending with the crowd so effortlessly. Nanginginig akong ngumiti, pilit na nilalabanan ang pagdududa at pag-aatubili. I started walking toward her, each step heavy, but before I could even get close, I heard snippets of their conversation.
“Julian? Really?” tanong ng isa sa mga kaklase namin, may bahid ng pagtataka at pag-aalinlangan.
Sienna let out a small laugh, parang pilit na nagpapaliwanag.
“Well... hindi kasi makakapunta yung isa kong friend na originally kong in-invite. So, I thought, why not invite Julian instead?”
Napatigil ako, ramdam ko ang kirot sa bawat salitang lumabas sa bibig niya.
Are they talking about me? Am I... just a second option?
Para bang may mabigat na hangin na sumalubong sa lalamunan ko, na hindi ko basta-basta malulunok. Sa mga oras na iyon, hindi ko alam kung paano ire-react. I just... felt weak, lalo na’t sa simpleng pagtawa niya, parang walang halaga ang nararamdaman ko. Parang ako lang ang pinagtyagaan dahil walang ibang choice.
“Ah, Julian!” tawag ng isa sa kanila, napansin na ang presensya ko sa likod ni Sienna. Napalingon siya sa akin, at sa sandaling iyon ay nakaramdam ako ng pagkapahiya.
“Oh my gosh, Julian!” biglang sabi ni Sienna, may halong pagkagulat at paghingi ng tawad sa tono ng boses niya. Saglit niyang tiningnan ang aking kasuotan, na parang nahihiya rin.
“Sorry, nalimutan kong sabihin sayo na formal party pala.”
Ngumiti ako, pero kahit pilit iyon, alam kong ramdam niya ang pagkabalisa sa mga mata ko.
“Ayos lang,” sagot ko nang mahina, pilit na itinatago ang sakit sa mga mata ko.
But truthfully, I wanted to disappear. Lahat ng tao sa paligid, nakatingin at para bang pinagtatawanan ang pagiging out-of-place ko. Hindi ko na magawang tumingin sa kanila nang diretso, sa takot na makakita ng mapanuring tingin.
“Alright, Julian,” sabi ni Sienna, pilit akong hinihila papunta sa grupo. “Kilala mo naman yung iba rito, ‘di ba? Just stay for a while?”
She sounded so insistent, but a part of me felt like she was just trying to be polite. I took a deep breath, debating whether I should stay or leave. Ayoko mang magsalita, pero sinagot ko pa rin siya.
BINABASA MO ANG
His Ephemeral Signs
Teen FictionJulian Perez finds himself entangled in a whirlwind of emotions as he navigates his way through high school life and unexpected encounters with Damien King, the enigmatic leading man. Their story unfolds with moments of joy, heartache, and self-disc...