22 : Afterwards
JULIAN
Tahimik kaming dalawa ni Damien habang kumakain sa tanghali. Ramdam ko ang bigat ng hangin sa pagitan namin—isang katahimikan na hindi namin alam kung paano bibitawan. Sa bawat paggalaw ng kubyertos sa plato, tila lumalalim ang espasyo sa pagitan namin na animo'y isang agwat na puno ng alaala ng nagdaang gabi.
The truth is, nasa isip ko pa rin ang nangyari kagabi. Well... nasa isip naming dalawa actually. As much as I don't want to remember it, hindi ko talaga maiwasang maalala ang bawat detalye.
Ang paraan ng paghalik niya sa akin...
Ang init ng kanyang labi...
Ang bigat ng katawan niya nang pumatong siya...
Pati na ang paraan ng paggapang ng kamay niya sa ilalim ng shirt ko.
Sa bawat paghinga ay parang mas lalong bumibigat ang hangin. Nang magtama ang mga mata namin pagkatapos noong halik na iyon, pareho kaming natigilan. Tila huminto ang oras sa buong paligid. Hindi ko mawari kung ano ang iniisip niya pero ramdam ko ang tensyon sa pagitan naming dalawa. Pareho kaming hindi makapagsalita, na parang kahit anong sabihin namin ay makakasira sa delikadong balanse ng mga damdaming nag-uumpisa pa lang umusbong.
Mabilis kong ipinilig ang aking ulo. Binalik ko ang tingin ko sa plato at sinusubukang itago ang pamumula ng pisngi ko. Tell me, paano ko nga ba haharapin ang ganitong sitwasyon? Hindi ito ang tipikal na araw para sa amin. Parang may isang bagay na nagbago—isang bagay na hindi na maibabalik sa dati.
Samantalang si Damien naman sa kabilang banda ay tahimik ding kumakain. Gaya ko ay hindi rin siya nagsasalita, pero alam kong ramdam pa rin nito ang bigat ng nangyari. Minsan ay nakikita ko siyang sumusulyap sa akin, pero agad din niyang iniiwas ang tingin kapag nahuhuli ko siya. Parang may gustong sabihin, pero hindi niya alam kung paano sisimulan.
Napakagat-labi na lamang ako at sumubo ng pagkain. Hindi ko alam kung paano tatapusin ang awkward na katahimikan, but I know na kailangan kong gawin iyon bago pa tuluyang lamunin ng tensyon ang buong paligid.
I was about to speak when suddenly, bigla niya ako inunahang basagin ang katahimikan.
"How was your sleep?" tanong niya, basag sa tahimik na pagninilay-nilay.
Marahil hindi ko inaasahan ang magiging tanong niya ay natigilan ako sa pagkain. Napatingin ako sa kanya at wala sa sariling napatulala.
Bakit... 'yon ang tanong niya?
Gusto ba niyang buksan ang usapan tungkol sa nangyari kagabi? O simpleng small talk lang ba? Hindi ko alam kung paano sasagutin. Hindi ko rin alam kung anong inaasahan niyang marinig mula sa akin.
"O-okay lang..." sagot ko at pilit na iniwas ang tingin. Ramdam ko ang unti-unting pag-init ng pisngi ko habang sinasabi iyon. Hindi ko alam kung totoo ang sagot ko, o kung sinasabi ko lang iyon para hindi na lumalim pa ang usapan.
Napansin ko naman ang paglunok ni Damien at muling bumaling sa pagkain niya. Hanggang sa kalaunan ay agad siyang tumayo at kinuha ang plato niya. Mabilis siyang naglakad papunta sa kusina.
"I-I'll wash the dishes," aniya, pero halata sa boses niya na gusto lang niyang makatakas sa awkwardness.
Napabuntong-hininga ako at tinapos na rin ang pagkain ko. Habang nasa kusina si Damien, sinubukan kong kalmahin ang sarili ko. Gusto ko na talagang maalis dito sa awkward situation, pero hindi ko alam kung paano. Kaya nang bumalik siya mula sa kusina ay nagpasya kaming manood ng pelikula sa sala.
