Chapter 31

77 7 5
                                    

31 : Explanation

JULIAN

Hindi ko na siya tinutulan nang magmadali siyang humawak sa pala-pulsuhan ko at hinila ako patungo sa nagbabantay ng mga bangka. Hindi ko alam kung bakit, pero biglang kumabog ang puso ko sa ginawa niyang iyon. Para bang ang simpleng galaw na iyon, na hindi ko naman sanang dapat bigyan ng pansin, ay may ibang ibig sabihin. But I shook it off, baka nga dahil lang sa sitwasyon at sa hindi inaasahang pakiramdam ng pagsunod ko sa kanya.

Pagkasakay namin sa bangka ay binalaan ko na siya agad na hindi ako marunong lumangoy.

“Sinasabi ko sayo, Damien,” seryosong sabi ko. Tumango naman siya, hindi na nagsalita, at nagpatuloy sa paggamit ng dalawang oars na ginagamit para mag-guide sa bangka.

“I know... that’s why I brought you here,” narinig ko pang bulong niya kaya naman pinaningkitan ko siya ng mata.

Nang mapansin ko na medyo malalim na ang tubig sa ibaba namin ay medyo nabahala na ako at nagtanong, “H-hindi ba pwedeng sabihin mo na agad kung ano man ‘yang balak mong sabihin? Akala ko ba, minute lang kailangan mo sa ‘kin? Hindi ko kayang maghintay ng matagal.”

“Not yet,” sagot niya, at nagpatuloy lang siya sa pagpapalayo ng bangka. Para bang may gusto pa siyang itagong detalye at kailangan pa naming lumayo nang lumayo mula sa mga tao, hanggang sa makarating sa isang lugar na talagang malalim at walang ibang makakapansin. Parang gusto niya yata na hindi ako makatakas dito.

Naramdaman ko ang kaba sa dibdib ko. Sobrang hindi ko alam kung ano ang susunod na mangyayari, pero hindi ko mapigilang mag-isip kung anong balak niya. Napakagat-labi ako, at bahagya akong umirap dahil hindi ko maintindihan kung bakit ako tumatanggi pero patuloy pa rin akong sumusunod.

“Damien, ‘wag mong gawing biro to,” sabi ko, medyo kinakabahan.

Tumingin naman lang siya sa akin at banayad na ngumiti. “I’m just here, Julian. I told you.” Hinawakan niya ang braso ko ng mahigpit, at sa hindi malamang dahilan ay kumalma naman ang pakiramdam ko.

Him and his words...

Nang tuluyan na kaming makalayo mula sa mga tao ay doon nagsimulang magsalita si Damien. Binitiwan niya ang mga salitang nagpapakita ng bigat ng kanyang nararamdaman.

“I know, I’ve been saying this for a long time already, but I just truly want to say sorry, Julian. Pasensya na kung hindi mo ako mapaniwalaan,” kalmado nitong sabi sa mas malumanay na paraan, hindi tulad no’ng dati.

Nagpatuloy siya sa pagpapaliwanag na parang walang katapusan. “Okay lang kung hindi mo ako paniwalaan. What matters to me is that I got to tell you the truth, Julian. That I did not do it, I didn’t help them.” Para siyang batang nagsusumbong sa nanay, halos bawat detalye ay inisa-isa niya—halos masyado pang malalim para ipaliwanag.

Naramdaman ko ang sakit sa tinig niya. Pero sa buong durasyon ng pagpapaliwanag niya ay hindi ko mapigilang ngumiti. Ang reaksyon ko ay malayo sa inaasahan niyang magiging sagot.

Hanggang sa matapos siya sa pagsasalita ay tumagal kami ng mga ilang segundo na nagkatinginan. Ramdam ko ang pagkalito sa kanya. “Did you listen to everything I said?” tanong niya, tila nagdududa. Tumango naman ako at bahagya akong yumuko.

“Oo, Damien, nakikinig ako,” mahinahong sagot ko. “Alam ko na hindi mo kayang gawin ‘yon sa ‘kin. Hindi ko na kailangan pang marinig ang buong kwento, Damien. Alam ko.”

Tila naguluhan naman ito sa sinabi ko. “What do you mean? Paano mo... nalaman?”

Nag-isip ako ng saglit bago nagsalita. “Alam kong ikaw ang nagsabi kay Papa kung sino ang mga nanakit sa ‘kin noong araw na binugbog ni Papa ang mga kaibigan mo. Ikaw ang nagsabi, tama? Dahil si Papa mismo ang nagkwento sa ‘kin noong nakaraan lang.” Hindi ko siya tinitingnan sa mga mata habang sinasabi ko iyon, pero ramdam ko na ang bigat ng sinabi ko.

Tinitigan niya ako ng matagal, at unti-unting pumasok sa isip ko na nararamdaman niyang mabigat ang mga salitang iyon. Pero nagpursige akong ipaliwanag pa, “Ang sabi ni Papa, nakasalubong ka raw niya noong araw na ‘yon at tinanong niya sayo kung sino ang mga nambu-bully sa akin. At sinabi mo sa kanya kung saan mo nakita ang mga tropa mo, kaya hindi na sila nakapagtago pa.”

Hinawakan ni Damien ang ulo niya at napansin ko ang paggalaw ng katawan niya, parang may dinaramdam na hindi kayang intindihin.

“Yes,” sabi niya, mabigat na tinig. “That day you were absent, they accidentally showed me a video of yours getting beaten up by them, just after we fought outside the café. Hinintay ka nila sa video na makalayo sa akin no’n at pagkatapos ay pinag-trip-an ka ng mga walang hiwa. That’s why I couldn’t stand it anymore and punched them. Pero hindi ko kaya silang lahat dahil marami sila. So I got beaten up instead, and I was frustrated back then. Pero after dismissal no’n, I saw your mad father. He asked me kung kilala ko ang mga nanggago sayo, Julian. Kaya sinabi ko ang lahat sa Papa mo kung sino sila. Pagkatapos no’n, pinagsamahan naming dalawa na pagbuhatan sila.”

Natahimik ako at pinagmasdan ang mga mata nitong puno ng poot at galit. Napayuko ako dahil sa lungkot.

Hinintay ko siyang kumalma pagkatapos ikwento ang kanyang punto. Nang hindi na ito nakakaramdam pa ng galit ay muli akong nagpatuloy. “I know that it’s not you, Damien. Dahil kung ikaw ‘yon, hindi mo gagawin ang lahat ng ‘yon para sa ‘kin.”

Tumigil kami at sandaling tumahimik, pero naramdaman ko ang init ng hangin sa paligid namin.

“R-really...?” Napabaling ako sa pwesto ni Damien nang subukan nitong kumpirmahin ang sinabi ko. Awtomatikong nanlaki ang mga mata ko nang makita ang namumula nitong mga mata.

Is he about to... cry?

“O-oo nga, Damien. And I’m sorry too. Sorry... natagalan ako.”

Tila natulala naman ito na animo’y hindi makapaniwala sa aking sinabi. Hindi ko maiwasang tumawa ng mahina kahit na namumula na rin ang mga mata. “Sorry na, mas naniwala kasi ako sa chat na pinakita sa akin ni Austin kesa sa sinabi mo,” sagot ko, medyo nababahala, habang ang puso ko ay patuloy na kumakabog sa dibdib.

Bigla namang natigilan si Damien sa ani ko. Ang kanyang mga mata ay nagsimulang magbago, nagkaroon ng tensyon na hindi ko alam kung paano ipaliwanag. Tumahimik siya, at ang tingin ay tila naglakbay sa malayo. Sa isang iglap ay biglang nagbago ng reaksyon niya.

“What chat with Austin are you talking about?” Ang tono niya ay matigas, pero halata ang bahagyang pag-aalala sa boses niya.

Nagkibit-balikat naman ako dahil hindi ko rin talaga alam kung paano ko sasabihin nang maayos. “Baka fake chat lang ‘yon,” sagot ko habang sinusubukang alalahanin din kung ano yung meron sa chat na pinabasa ni Austin sa ‘kin dati. “Ginawa lang siguro ni Austin. Hindi ko napansin agad noon, siguro dahil gulong-gulo ang isip ko. Kaya naniwala ako...”

Hindi ko na natuloy pa ang sasabihin ko nang makita ang pagdilim ng ekspresyon ni Damien. Para bang may napagtanto siya na hindi niya inaasahan. Ang galit sa mukha niya ay lumalim, at doon ko nakita ang hindi mapigilang pagkulo ng emosyon niya. Nandilim ang mga mata niya, at isang matinding katahimikan ang bumalot sa amin.

“That motherf...!” giit niya, pero ramdam ko ang galit na bumubukal sa loob niya.

Bago pa man ako makapagsalita o pigilan siya ay bigla siyang napatayo. Halatang wala na siya sa tamang pag-iisip. Nagulat ako sa mabilis niyang galaw, pero mas nagulat ako nang biglang gumewang ang bangka. Napatili ako at mabilis na hinawakan ang gilid ng bangka para balansehin ito.

“Damien, yung bangka!” sigaw ko, pero huli na. Hindi ko na napigilan ang pagbagsak ng bangka. At sa isang iglap, naramdaman ko na lang ang malamig na tubig na bumalot sa akin.

His Ephemeral SignsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon