Chapter 16

186 7 11
                                    

Warning: homophobic remarks.

. . .

16 : Picture

JULIAN

I tried not to overthink about what Austin had said to me that night. Hindi ko alam kung bakit o kung anong motibo niya dahil sa biglaang pakikipag-usap niya sa akin. But one thing that I'm sure of is that he is trying to put conflicts on my relationship with Damien. Subalit isang malaking tanong pa rin sa akin kung bakit parang sinisiraan niya ang kaibigan niya sa akin.

Him and Damien and friends, right? So bakit niya ako binabalaan kay Damien? Dahil ba mas kilala niya ito kumpara sa akin? O hindi niya nagugustuhang napapalapit ako sa kaibigan niya?

To be honest, I wanted to confront this matter to Damien. Pero hindi ko alam kung paano ko sasabihin sa kanya. I don't exactly know how to address it to him.

Ayokong maging rason ito ng pagkasira ng pagkakaibigan namin. At mas ayokong makasira ng friendship ng ibang tao. It's just that Austin is... making me feel uncomfortable lately.

Ano ba kasing pakay niya?

Ipinilig ko na lamang ang aking ulo at naglakad papasok ng school. Pagpasok ko ng gate, ramdam ko agad ang pagbabago sa paligid. Para bang lahat ng tao, kahit nasa magkakaibang grupo, ay may iisang pinaguusapan. Isinawalang-bahala ko na lamang at muling nagpatuloy sa paglalakad.

Napansin ko ang mga panakaw na sulyap mula sa mga estudyante sa gilid ng daan, kasabay ng mga mahihinang bulungan na hindi ko marinig nang buo. Kahit pa pilitin kong huwag pansinin, parang mas lalong lumalakas ang tunog ng bawat tawanan at usapan habang naglalakad ako. Anong... meron?

Hanggang sa kalaunan ay hindi ko na tuloy maiwasang mapatanong sa sarili ko kung anong nangyayari. Napayuko ako at mas binilisan na lang ang paglakad sa daan.

Sinubukan kong isipin ang dahilan ng kakaibang atensyon na natatanggap ko ngayon. Hindi naman ako ganito kahalaga sa school. Isa lang akong ordinaryong estudyante, wala masyadong kaibigan, at mas pinipiling manatili sa background.

Pagdating ko sa hallway ng classroom ay mas naramdaman ko ang bigat ng mga tingin nila sa akin. Yung tipo ng tingin na parang may alam silang hindi ko alam. Halos hindi ko na magawang itaas ang ulo ko. Sa halip, nagmadali akong pumasok, umaasang magiging mas tahimik sa loob ng classroom.

Pero hindi.

Pagbukas ko ng pinto, agad akong sinalubong ng katahimikan. Yung katahimikan na mas nakakapagpaingay ng utak mo. Lahat ng mga mata sa loob, nakatuon sa akin. Ang mga kamay na kanina'y gumagalaw sa pagsusulat o pag-scroll ng phone, biglang natigil. Yung mga bibig na kanina'y nagtatawanan, tahimik na ngayon, pero ang mga mata nila, puno ng tanong.

Parang gusto kong maglaho sa kinatatayuan ko.

Napayuko na lang ako, pilit na hindi pinapansin ang init na nararamdaman ko sa batok mula sa dami ng mga matang nakatingin sa akin. Mabilis akong naglakad papunta sa pwesto ko, sa dulo ng classroom, kung saan mas tahimik at malayo sa karamihan.

Pagkaupo ko, halos hindi ko maigalaw ang katawan ko. Parang bigla akong naging estatwa sa kinauupuan ko, pilit na iniintindi ang mga bagay-bagay pero walang kahit anong malinaw na sagot.

Bakit ba ganito? What did I do?

Hinayaan ko na lang ang mga mata ko na mag-focus sa desk ko. Ayokong tumingin sa paligid, lalo na kung makikita ko ang mga mukha nilang puno ng pag-uusisa. Pero ang totoo, mas kinakabahan ako dahil hindi ko makita si Damien.

His Ephemeral SignsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon