Chapter 25

103 7 11
                                    

25 : Unsaid

JULIAN

“Welcome to coffee shop, sir!” I heard one of the staffs said habang pumapasok ang isang lalaki. Umiwas naman ako ng tingin at muling uminom sa hawak kong coffee drink.

Kasalukuyan ako ngayong nakaupo sa sulok ng isang café na malapit lang sa campus namin. Nagdesisyon akong hintayin si Damien dito tulad ng napag-usapan namin kanina. May practice pa kasi siya ng basketball bilang paghahanda sa nalalapit na laban ng aming school sa isang linggo. I don’t want to bother him because I know how important the basketball game is for Damien, kaya naisipan kong dito nalang maghintay upang hindi siya ma-distract sa practice.

Habang nililibot ang tingin sa paligid at nagmamasid sa bawat detalyeng nakikita ko sa café, bigla akong natigilan nang bumukas ang pinto, na agad pumukaw ng pansin ko. Muli akong napaiwas ng tingin nang makilala ang taong pumasok.

It’s him again. Austin.

Agad kong inangat ang tasa ng kape at tinakpan ang mukha ko sa pag-asang hindi niya ako mapansin. Ayokong makita niya ako dahil ayokong makipag-usap sa kanya. Alam ko kung anong klase ng tao si Austin. The last time I talked to him, I got involved to an issue that’s not even true.

Lumapit ito sa counter at saglit na nag-order. Maya-maya’y nakuha rin nito agad ang binili at noong una, akala ko talaga ay aalis na siya pero nanlaki ang mata ko nang maglakad siya patungo sa direksyon ko. Nanatiling tinatago ko pa rin ang mukha ko sa likod ng tasa ng kape at umaasang hindi niya ako mapapansin, pero tila walang bisa ang pagtatago ko dahil huminto sakto sa kinaroroonan ko.

“Julian.”

Napapikit ako ng bahagya, pilit na pinapakawalan ang galit na nararamdaman ko. Huminga ako ng malalim bago siya harapin.

“Austin... can we not talk anymore?” malamig at prangka kong sabi bago direktang tinititigan ang kanyang mga mata. Wala rin namang saysay ang kahit anong sasabihin niya, lalo na’t alam kong wala siyang intensyong ituwid ang mga maling nagawa niya sa akin.

Ngunit imbes na umalis, umupo siya sa harapan ko at isang maliit na ngiti ang muling umukit sa kanyang labi.

“We need to talk,” aniya, tila ba hindi narinig ang sinabi ko. “There’s just something you need to know.”

Hindi ko maiwasang mainis sa sinabi niya. Palagi nalang may gusto siyang sabihin pero iyon ay walang iba kundi siraan lang si Damien!

“Hindi ka ba makaintindi? Ayoko nang makausap ka ulit. Please, leave me alone.” Pilit kong pinakalma ang sarili. Hindi ko na kailangan ng kahit anong drama mula sa kanya.

“Of all people, Julian, you should be the one to listen,” patuloy niya, hindi nagpatinag sa malamig kong sagot. “At least hear me out.”

“And of all people, you should be the one who spoke up that the picture was just edited!”

Napuno ng tahimik na tensyon ang pagitan namin. In that moment, gusto ko na talagang umalis, pero hindi ko maiwasang manatili upang marinig nito ang kinikimkim ko.

Naiinis ako... hindi. Nagagalit ako sa kanya dahil hindi ko alam kung bakit wala itong ginawa man lang kahit isang maliit na bagay upang ipaalam sa mga tao na hindi totoo iyong nangyari. But all this time, he was out of reach. Ni hindi ko man lang naramdaman ang presensya niya noong mga araw na kumalat ang mga pictures. Palagi itong sumusulpot sa kung saan-saan pero kung kailan kinakailangan ko siya ng sobra ay bigla itong nawala na parang bula.

“I don’t want to talk to you,” muli kong pag-uulit sa sinabi. “You should’ve spoken up when it mattered. Pero wala akong narinig na kahit anong salita mula sayo noon.”

Sandaling natahimik naman si Austin. Tumingala naman ako upang makita ang ekspresyon sa kanyang mukha subalit nanatiling nakaiwas lang ito ng tingin sa ‘kin. Napabuntong-hininga ako.

Nang makahanap ng tyempo ay tumayo na ako at muling sinukbit ang bag sa balikat. I was about to leave the café, pero bago pa iyon mangyari ay narinig ko siyang nagsalita muli.

“It’s about Damien... siya ang nag-post ng mga pictures online.”

Napahinto ako sa paglalakad at sandaling prinoseso ang kanyang sinabi. Tila ba huminto ang oras, at naramdaman ko ang malamig na hangin na tila bumalot sa akin.

“Hindi... hindi totoo ‘yan,” mahinang tugon ko. I just... hindi ko magawang paniwalaan ang sinabi niya.

Si Damien? Imposible.

Muli ko siyang nilingon sa likod at sinamaan ito ng tingin. Ngunit hindi ako nito pinansin, bagkus ay nilabas ni Austin ang kanyang phone mula sa bulsa, at doon ipinakita ang isang bagay na talagang nagpabigat ng pakiramdam ko.

It was... Austin and Damien’s chats on app.

Para akong pinagbagsakan ng langit at lupa habang binabasa ko ang mga ito. Habang tumatagal, ang mga salitang nababasa ko ay tila mga kutsilyo na unti-unting tumatagos sa puso ko.

W-what...?

Galit na galit si Damien sa mga mensahe. Nabasa ko kung paano niya inakusahan si Austin, kung paano niya... sinabing wala siyang pakialam kung ano ang mangyayari sa akin. Nagsimulang manubig ng mga mata ko. H-hindi ko alam...

Hindi ko alam kung bakit niya nagawa ang bagay na ‘yon.

“The truth is, I just wanted to play with you for a while.” I heard Austin said while I was still reading their convos.

“And... yeah. I really planned on posting the photos myself because I had fun teasing you,” patuloy ni Austin, “pero si Damien ang nag-post ng mga iyon dahil sa galit niya noong ipakita ko ang pictures.”

Hindi ko alam kung ano ang ire-react ko sa sinabi niya. Nanlamig ako. I... just... don’t know.

I don’t know anymore.

P-paano kung... totoo ang sinasabi niya? Paano kung si Damien nga ang nasa likod ng lahat ng ito?

Habang naroon ako, hawak ang cellphone ni Austin, naramdaman ko ang mga luha na unti-unting pumapatak mula sa mga mata ko.

H-hindi ko na kaya...

“Why are you telling me this?” mahina kong tanong, pilit na pinipigilan ang panginginig ng boses ko.

“Because you deserve to know the truth,” sagot niya, tinitigan ako ng diretso sa mga mata. “Believe me, pinakita ko sa kanya ang pictures dahil gusto ko lang din siyang maasar once he’s seen it. But I guess... he saw you differently from what I was thinking.

Hindi ko alam kung ilang oras akong nakatayo habang nakatulala sa kawalan. All I know is Austin already left the café, leaving me hanging and still processing from what I just saw.

Tila bumalik lahat ng alaala ng araw na iyon—ang post, ang pambu-bully, ang sakit. Naglaro sa isip ko ang mga posibilidad, ngunit hindi ko pa rin matanggap ang posibilidad na si Damien nga ang gumawa nito.

I don’t want to admit it... p-pero...

That day, I remember texting Damien... and him, replying that he will be absent because he was sick. Muling pumatak ang luha sa mata ko. Hindi kaya...?

“Welcome to coffee shop, sir!” Out of nowhere, I heard the footsteps slowly walking towards my direction. Huminga ako ng malalim.

“Julian,” I heard him called my name.

... subalit hindi ko siya nagawang harapin.

Kumapit ako nang mahigpit sa bag at iniwasan ang kanyang tingin. Nagmamadali akong lumabas ng café at iniwan itong nalilito at may pagtataka sa mata.

His Ephemeral SignsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon