24 : Again
JULIAN
Kinabukasan, Lunes. Tahimik pa rin sa bahay, ngunit ngayon ay hindi tulad ng dati na puno ng tensyon. Wala kaming imik ng papa ko, pero hindi na rin kami nagpapakiramdaman ng masyado. Parang parehong naglalakad sa manipis na yelo, maingat sa bawat kilos at salita. Alam kong parehong naming sinusubukan na huwag mag-away, pero ramdam ko pa rin ang distansya sa pagitan namin.
Pagdating sa school, dala ko pa rin ang bigat ng damdamin ko. Kahit anong pilit kong ngumiti at magpanggap na okay, hindi ko matanggal ang lungkot na bumabalot sa akin. Tuloy pa rin ang bulungan sa paligid, mga mata na nakatingin sa akin na parang hinuhusgahan ako sa bawat galaw ko. Pilit kong hindi ito pinapansin, pero ramdam kong unti-unting bumibigat ang mundo ko.
Umiwas na lamang ako tingin at nagmadaling makapasok sa classroom. Pagdating doon ay nakita ko agad si Damien. Mukhang napansin niya rin naman ako at agad na lumapit.
“Hey,” bati niya, pero hindi niya ito tinuloy sa kung ano pang tanong. Alam kong napansin niya ang lungkot sa mukha ko, pero hindi niya ito dinala sa usapan. Sa halip ay ngumiti lamang siya at niyaya akong lumabas nang matapos ang buong durasyon ng unang klase namin.
“Let’s go,” aniya.
Hindi ko alam kung saan kami pupunta, pero sumama na rin ako. Siguro dahil kailangan ko rin ng kahit kaunting distraction. Naglakad kami sa campus, tahimik lang. Hindi niya ako tinatanong, pero ramdam kong nanjan lang siya, handang makinig kung sakaling gusto kong magsalita.
Habang naglalakad kami, paminsan-minsan ay titingin siya sa akin, susulyap, pero hindi niya ako pinipilit. Para bang binibigyan niya ako ng espasyo. Nakakatulong somehow, knowing na hindi niya ako iiwan sa ganitong estado.
Pagbalik namin sa classroom, tumabi ulit siya sa akin kaya naman agad akong nag-alala.
“Damien... ‘wag ka munang tumabi sa ‘kin,” mahina kong sabi sa kanya. “Alam mo naman ang nangyari. Ayoko lang... madamay ka.”
Ngumiti lang siya at umiling. “Don’t worry about me, Julian,” sagot niya, nananatiling nakaupo sa tabi ko.
Napatitig ako sa kanya, hindi makapaniwala. Kumabog ang puso ko, parang may kung anong kiliti sa loob. Bakit ganito ang nararamdaman ko? Hindi ko alam kung nababaliw na ba ako o sadyang OA lang talaga ako pagdating sa kanya.
Kahit sa simpleng gesture niya, napapawi na agad ang lungkot ko. Hindi ko alam kung paano niya nagagawa ‘yon, pero sa mga oras na ‘to, gusto kong magpasalamat kahit hindi ko masabi.
Pagsapit ng lunch break, sumabay ulit siya sa akin. Nagulat ako, kasi sanay akong kumain nang mag-isa lalo na ngayon. “Bakit ka nandito? Hindi ka ba kakain sa mga kasama mo?” tanong ko, pilit na iniiwas ang tingin.
“Why do you ask so much?” tanong niya pabalik habang kaswal lang na kumakain sa tabi ko.
Napatitig ulit ako sa kanya, pero mabilis akong umiwas nang mahuli niya akong nakatingin. “What?” tanong pa ulit niya, may ngiti sa labi.
“W-wala...” mabilis kong tugon upang itago ang namumula kong mukha.
Pagkatapos ng lunch, nagpasya akong pumunta sa library para magpalipas ng oras. Ayoko munang makipagsalamuha sa ibang estudyante. Pero sa huling pagkakataon ay nagulat na naman ako nang sumunod sa akin si Damien.
Umupo siya sa tabi ko at nagsimulang magsalita tungkol sa kung anu-ano. Hindi siya tumitigil kahit na nasa library kami. Napagalitan pa nga kami ng librarian, pero ngumiti lang siya at nag-sorry.
“Damien, tahimik lang dapat dito,” bulong ko sa kanya, pero ngumiti lang siya.
“Relax, Julian,” bulong niya pabalik. “Hindi tayo kakainin ng librarian.”
Hindi ko tuloy napigilang mapangiti, kahit gusto kong magtago sa sobrang hiya. Napansin ko rin ang ilang estudyante na nakatingin sa amin, gulat na gulat na magkasama kami ni Damien. Pero imbis na mahiya ay mas naging komportable ako sa hindi malamang dahilan. I mean, I really don’t know why he’s doing things like this... or acting like this.
Hindi niya kailangang magsalita o magtanong tungkol sa problema ko. Sa simpleng kilos at salita niya, alam kong pinapahiwatig niyang nandito lang siya. Hindi niya kailangang ipilit o pilitin ako. He’s just simply there, and for me, sapat na iyon.
Habang nakaupo sa library ay nagpaalam muna si Damien na mag-CR. Tumango naman ako at bumalik sa pagbabasa ng libro, umaasang makahanap ng kahit kaunting kapayapaan. Ngunit ilang saglit lang matapos siyang umalis ay naramdaman kong may umupo sa tabi ko. Agad naman akong napalingon, at doon ko nakita si Austin.
“A-anong ginagawa mo rito?” gulat pero malamig kong tanong sa kanya.
He smiled widely. “Why the coldness?” tanong niya na parang wala lang nangyari. “Long time no see, Julian. Did you miss my handsome face?”
Hindi ko siya sinagot at ibinalik lang ang tingin ko sa libro. Ayoko na siyang kausapin. Alam ko na kung saan papunta ‘to. Ang huling beses na nag-usap kami, kung ano-anong sinabi niya and the next day, biglang may kumalat na kung anong tsismis tungkol sa akin. Alam kong puro kalokohan lang ang habol niya.
Pero hindi siya tumigil. “I thought you understand what I said about being careful with King,” bulong niya, sapat lang para marinig ko.
Napairap na lamang ako sa kanya at sinamaan siya ng tingin. “Kahit ano pang sabihin mo, I’m not interested. Can you leave me alone? Bakit mo ba ako sinasabihan n’yan eh kaibigan mo si Damien?” pinigilan ko ang sarili kong mapikon kay Austin.
Humalakhak naman siya bigla at ngumisi. “Wala lang. Just a friendly advice,” sagot niya, na parang sinadya talagang guluhin ang isip ko.
Sakto namang bumalik si Damien pagkatapos sabihin iyon ni Austin. Saglit na nagtama ang tingin namin pero agad ding nalipat iyon sa katabi ko. Nakita ko ang biglang pagbabago sa ekspresyon ni Damien nang makitang katabi at kausap ko si Austin. Hindi ko alam kung namamalik-mata lang ba ako pero biglang lumamig ang mood nito subalit nanatili pa ring kalmado.
“Hey,” tipid na bati niya kay Austin.
“King! Nice to see you,” sabi ni Austin, na parang walang nangyari. “Sige, I’ll go ahead. Let’s meet again.” Tumayo siya at naglakad palayo, iniwan kaming dalawa na ngayon ay binalot ng katahimikan.
Nang tuluyang maglaho sa aming paningin si Austin ay tahimik na umupo ulit si Damien sa tabi ko. I could feel that he wanted to say something, but he’s hesitating. Until finally, he asked.
“You’re close with Austin?”
Nabaling naman ang tingin ko sa kanya at umiling.
“Hindi... Hindi ko siya matatawag na ka-close.”
Tumango lang siya at hindi na nagtanong pa. Umiwas naman ako ng tingin at muling bumalik sa pagbabasa. Alam kong nagtataka siya, lalo na’t kilala niya kung ano ang ugali ni Austin. Pero sa huli ay mas pinili na lamang nitong manahimik.