Chapter 27

100 7 8
                                    

Warning: explicit language, homophobic remarks, sexual harassment, and violence.

. . .

27 : Abused

JULIAN

Pag-uwi ko ng bahay ay hindi ko namalayang nadapa ako at aksidenteng nabangga ko ang saktong kasalubong ko na si papa. Agad namang nakaramdam ako ng matinding kaba sa dibdib, at mabilis na nag-sorry. Ramdam ko ang matalim na tingin ni papa na tila ba’y akmang papagalitan ako sa nagawa, subalit bago pa man makatanggap ng mabigat niyang parusa ay napaiwas ako sa kanya, nagmamadaling tumalikod at nagpunta sa kwarto.

Dagli kong sinarado ang doorknob at napasandal sa likod ng pinto. Muling umalingawngaw ang katahimikan sa paligid.

Nanghihinang napaupo ako sa aking pwesto at napayakap sa aking mga paa. Isinandal ko ang ulo sa tuhod at tahimik na lumuha.

Ang daming nangyari. Sa sobrang dami ng nangyari ay para na akong mahihilo sa pagod. Akala ko noong una ay magiging maayos na ang lahat... pero mukhang hindi pa pala.

Gusto ko na lang matapos ang lahat.

***

Kinabukasan ay pagod akong nagtungo ng banyo at sinimulan ang lahat ng gawain ko sa umaga.

Halos hindi ko na kayang matulungan ang sarili ko. Parang wala na akong lakas, pero pinilit ko pa ring pumasok kahit na ayaw ko. Kahit gustuhin ko mang hindi pumasok ay hindi maaari... lalo na’t hindi pa rin kami nagkakaayos ng buong pamilya kaya hindi maaaring magpahinga lang ako.

Ayokong dumating sa punto na pagbuhatan ako ng kamay ng ama ko. That was the least thing I wanted to experience, at least.

Pagpasok ko sa school ay dinedma ko na lamang ang lahat. Nanatiling nakatitig lamang ako sa sahig at... hindi na tiningnan si Damien. Hindi ko na kayang makipag-usap sa kanya.

Minsan, ay nagpaparamdam ito at sinusubukan akong kausapin ni Damien ng maraming beses. During lunch break, free time, at kahit sa mga class hours namin. Pero kahit anong pilit niya, palaging lumalayo ako sa kanya. It was torture to me. Aaminin ko, ang hirap na hindi siya kausapin... pero mas mahirap ang makita siya ngayon sa harapan ko.

Hindi ko kayang makisama sa kanya... matapos ang lahat ng natuklasan ko kahapon tungkol sa kanya.

Noong lunch, naramdaman ko ang mga mata nito sa likod ko. Sinubukan ko na lamang siyang hindi pansinin at nagpatuloy sa ginagawa ko, ngunit habang naglalakad papuntang bilihan ng mga pagkain ay muling tinawag na naman niya ako sa huling pagkakataon.

“Julian, wait!” Ngunit hindi ko siya pinansin. Wala na akong natitirang lakas pa para harapin siya.

Pagkatapos ng klase, nagmamadali akong lumabas ng school at dumaan sa isang maliit na daan papuntang bahay. Pero hindi pa ako nakakalayo nang may marinig na naman akong tumawag sa pangalan ko.

“Julian!” I heard him called but I just sighed.

Tinangkang hawakan niya ang braso ko, pero gumalaw ako agad. Hindi ko siya pinansin, at hindi ko na siya hinayaang magpaliwanag pa. I was really praying for how long na malayo lang siya sa akin.

... But I guess fate has other plans for us dahil mukhang hindi man lang ako makatakas sa paningin nito. Hanggang ngayon ay sariwa pa ang sakit na binigay niya sa akin, at ayaw kong magbigay ng pagkakataon sa mga salitang hindi ko kayang intindihin kaya naman sinusubukan ko talagang malayo, kahit saglit man lang sa kanya.

God knows how tired I am and badly needs to rest.

Nang tuluyan itong makalapit sa akin ay hinayaan ko itong sumabay sa paglalakad. Ilang beses niya akong sinubukang pahintuin pero hindi ako nagpatinag. Pero habang tumatagal ay hindi ko na nakayanan pa ang panggugulo niya kaya naman nagsimula na akong magsalita.

His Ephemeral SignsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon