Chapter 21

231 14 6
                                    

21 : First Move

JULIAN

Unti-unti kong inimulat ang aking mga mata nang naramdaman ang init ng araw na sumisilip sa kurtina. Pumikit muna ako saglit at huminga ng malalim, nagbabakasakaling bumalik ang katahimikan sa loob ko. Ngunit nang muli kong imulat ang mga mata ko ay bumungad sa akin ang maamong mukha ng taong mahimbing na natutulog sa tabi ko.

Para akong nahihipnotismo habang pinapanood ang mahinang pagtaas-baba ng kanyang dibdib kasabay ng kanyang paghinga. Nakaka-relax sa pakiramdam. Pero hindi ko alam kung bakit bigla na lamang uminit ang pisngi ko, lalo na nang mapansin ko ang malambot nitong buhok na medyo gusot pero nakadagdag sa kanyang ka-cute-an. Hindi ko tuloy mapigilang mainggit sa kanya.

Bakit gan'yan siya kagwapo kahit tulog?

Napatingin pa ako sa labi niya—sandali lang naman—bago ko tinapik ang sarili sa isipan. Nahihibang na talaga ako... or more like... nababaliw na ako sa lalaking 'to.

Nagulat na lamang ako nang bigla siyang gumalaw at unti-unting dumilat ng mga mata. Awtomatikong nanlaki naman ang mga mata ko at parang biglang tumigil ang mundo nang magtama ang tingin namin. Hindi ko alam kung ilang segundo kaming nakatitig sa isa't isa, pero pakiramdam ko, para akong mabibingi sa bilis ng tibok ng puso ko.

"U-uh... gutom ka na ba?" tanong ko kay Damien nang tuluyan akong mahimasmasan at mabilis na umiwas ng tingin para takpan ang kahihiyan. Hindi agad siya nakatugon sa tanong ko pero maya-maya'y narinig ko ang pag-hum nito na tila sumasang-ayon.

Mabilis akong bumangon mula sa kama at nagpagpag ng likod kahit na wala namang dapat pagpagin doon.

"Magluluto na ako," ani ko na parang sinasabing tapos na ang usapan tungkol sa pagtitig ko sa kanya. Mabuti na lang at parang naintindihan naman niya ang punto ko at hindi na inungkat pa iyon.

Habang naghahanda ng aming agahan ay napansin kong tahimik lang si Damien sa sala, pero ramdam ko ang mga mata niyang nakamasid pa rin sa akin. Sa totoo lang, nakakatensyon ang ganitong set-up, pero mas mabuti na ito kesa pag-usapan pa ang nangyari kanina.

Mabilis lang akong nagluto ng almusal at pagkaraa'y nagsalo kami sa isang simpleng agahan—pandesal, itlog, at kape. Tahimik lang kaming kumakain, pero minsan ay may mga sandaling nahuhuli ko itong nakangiti habang tinititigan ako. Hindi ko tuloy alam kung anong dapat kong i-react sa tuwing tumitingin siya sa akin. May nakakatuwa ba?

Pagkatapos naming kumain, nagpasya si Damien na maglinis ng unit. Tumayo ako para tumulong pero pinigilan niya ako.

"Go watch TV, ako na dito," sabi niya, pero hindi ko siya pinakinggan. Ayoko namang magmukhang tamad, kaya't pinilit ko siyang tulungan kahit sa simpleng pag-aayos ng mga gamit.

Habang naglilinis, napansin ko ang ilang mga gamit na hindi pamilyar—mga libro, figurines, at ilang board games. Natuwa ako at tinanong siya, "Mahilig ka pala sa board games?"

Ngumiti siya ng bahagya. "Oo, lalo na pag may kasama. You wanna play board games?"

Napakurap naman ako sa sinabi niya at marahang tumango, hindi dahil sa laro kundi dahil sa ideya na makakasama ko pa siya ng mas matagal.

"S-sige, pero pagtapos na lang natin linisin lahat ng 'to."

Naging masaya ang buong araw namin. Nilibang ako ni Damien sa mga board games at card games na meron siya. Sa bawat talo ko ay tawang-tawa siya habang ako naman ay nagmamatigas pero hindi nagpapahalata na natutuwa rin. Minsan, hinahayaan niya akong manalo, pero kadalasan ay siya ang panalo.

His Ephemeral SignsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon