15 : Everyone
JULIAN
The classroom buzzed with quiet energy, parang tahimik na ingay na kayang punuin ang buong kwarto. Ang ingay ng kwentuhan ng ilang grupo sa sulok, tawanan dito, bulungan doon, habang ang iba naman ay nakayuko sa kanilang mga notebook. Kahit sa anong paraan, bawat isa ay tila abala sa kaniya-kaniyang mundo.
Mas pinili kong ibaon ang sarili ko sa notes.
Tahimik kong ginamit ang ballpen para ituloy ang pagsusulat, sinusubukan nitong itaboy ang pag-iisip ko sa kung ano mang bagay na hindi dapat iniisip. At... isa na roon si Damien.
It's always him.
Ang bawat paggalaw niya kahit nasa kabilang parte siya ng silid ay tila ang lakas pa rin ng dating. Kahit tahimik siya, kahit wala siyang ginagawa, parang nasa gilid lang siya ng utak ko.
"King! Over here!"
Napalunok ako.
Hindi ko na kailangang tumingin pa. Alam ko agad kung sino ang tinawag. Si Damien lang naman ang tinatawag nila ng gano'n.
Narinig ko ang kalansing ng upuan niya habang tumayo siya, walang pakialam, parang laging kampante.
"Bakit?" sagot niya, naririnig ko pa ang nakakaloko niyang tono.
Hindi ko siya tiningnan at mas piniling mag-focus na lamang sa ginagawa ko. Magsulat, magbasa, kahit ano, basta huwag siyang pansinin. Pero sa totoo lang... anong isusulat ko? Wala na nga akong maintindihan sa mga hawak kong notes.
"We've been noticing something," sabi ng isa sa mga kaibigan niya, sapat ang lakas ng boses para marinig ko. "Ang dalas mong kausapin si Julian lately?"
Napakunot ang noo ko.
"Ahh... oo," narinig kong sagot ni Damien, pero hindi ko makita kung anong expression ang nasa mukha niya dahil nakatalikod siya sa pwesto ko.
"Bakit, pre? May ano ba?" tanong ulit ng isa, halata ang pang-aasar sa boses.
"Wala naman," sagot niya, kaswal lang. Tapos tumawa siya ng bahagya, parang sinara niya ang usapan nang ganon lang.
Natigilan ako. Gusto kong malaman kung ano pa ang pinag-usapan nila, pero hindi ko rin alam kung kaya ko pang makinig. Ang lakas ng kabog ng dibdib ko, na hindi ko maintindihan kung dahil ba sa kaba, sa takot, o sa... kung ano pa.
In the end, I couldn't stop my eyes from flicking toward him.
He stood with his back to me, his posture relaxed, like he belonged there more than anywhere else. His friends' faces were visible from where I sat, their expressions shifting between confusion and curiosity.
I felt a jolt of panic. Did they notice something? The way he talked to me earlier? The way we'd been...
I tore my gaze away, my heart pounding. Stupid. I shouldn't have looked.
I forced myself to focus on my notes, ignoring the ache in my chest when he didn't come back to his seat. The rest of the period passed in a blur, my mind stuck in a loop of overthinking. Even when the bell rang, signaling the end of the day, I couldn't shake the feeling that something had shifted.
***
Pagkatapos ng bell, para akong tuliro na nag-ayos ng gamit. Kakatapos lang ng klase namin ngayong araw. Natapos ang buong araw na hindi ko siya kinausap, pero ang hirap kalimutan na nariyan lang siya.
The hallway was crowded, students spilling out of classrooms and filling the space with a chaotic mix of voices and footsteps. I slung my bag over my shoulder because I was eager to leave. As I walk through the crowd, someone stepped into my path, blocking my way.
"Julian," a voice said, cool and detached.
I looked up to find Austin standing there. He wasn't someone I talked to-ever. But he was impossible to ignore, the kind of person who drew attention without even trying. Halos magkasalubong ang kilay ko sa gulat. Bakit siya nandito?
"Hello..." tugon ko kahit na medyo naguguluhan. Why is he suddenly talking to me?
Tumayo siya sa harap ko, nakapamulsa at parang wala lang. Pero ang tingin niya, parang may alam siya na hindi ko alam.
"I heard about you," sabi niya, yung boses niya, parang may halong panunukso.
"Ano?" tanong ko, naguguluhan at may halong kaba.
Tumawa siya nang mahina, yung tipong alam mong may ibig-sabihin pero hindi sinasabi nang direkta. "You and Damien," sambit niya, sinasamahan pa ng ngisi.
Nanigas ako. Hindi ko alam kung paano iinterpret ang sinabi niya. Nag-iinit na agad ang mukha ko sa kaba.
"A-anong meron?" sagot ko, pilit na kalmado kahit parang naglalaro na yung kaba sa dibdib ko. Ano bang meron at parang kami madalas ang napag-uusapan? Was it really weird that we're talking to each other?
O ginagawan lang talaga nila ng dahilan lahat ng nangyayari sa pagitan naming dalawa?
Tinitigan niya ako, yung tingin na parang sinasabing alam niya ang hindi dapat niyang alam.
"Wala lang," sagot niya, bahagya pa siyang tumawa. "Ang close niyo na, ah."
Napakunot ang noo ko, pero hindi ako nakasagot.
Bumuntong-hininga siya, ang ngisi niya hindi pa rin nawawala. "I mean, Damien doesn't really... get too friendly with just anyone. So... it's interesting," sabi niya, sinasamahan ng pag-iling na parang sinasabi niyang nakakatawa ang sitwasyon.
Nag-iwas ako ng tingin, pilit na hindi nagpapaapekto. "Kung wala kang masasabing maayos, pwede ba, tumigil ka na lang?"
Pero mas lumaki lang ang ngiti niya.
"Relax, Julian," bigla itong lumapit ng bahagya at may ibinulong. "Just be careful, okay?"
Ngayon ay mas lalong napakunot ang noo ko. Anong sinasabi niyang careful?
Ngumisi ulit siya, at this time, mas kitang-kita ang panunukso sa kanyang mga mata. "Sa mga nakakasalamuha mo."
"Anong pinagsasabi mo?" tanong ko, pilit na pinapanatili ang tono kong neutral kahit naguguluhan na ako.
Napangiti ulit siya, pero yung ngiti niya, may halong pag-aasar.
"Let's just say... Damien isn't exactly what he seems. Good luck with that."
Hindi ko alam kung anong ibig sabihin niya, pero bago pa ako makapagtanong ulit, tumalikod siya at naglakad palayo, iniwan akong nakatayo sa hallway na nagtataka.
