32 : Father
JULIAN
Bigla akong nakaramdam ng kaba habang nagkakandaugaga sa tubig. Hindi ako marunong lumangoy, at habang pabagsak kami mula sa bangka, ang tanging nasa isip ko ay ang takot na baka hindi na ako makaalis sa ilalim ng tubig. Sumigaw ako, pero mabilis akong nilamon ng lamig ng dagat. Ang buong paligid ko ay tila nagiging madilim, at nararamdaman ko na ang kawalan ng hangin sa baga ko.
“Julian, calm down!” narinig kong sigaw ni Damien, pero nahirapan akong intindihin ang sinasabi niya. Nararamdaman ko ang mga braso niya na kumapit sa akin at maya-maya’y hinila ako pataas.
Sa una, akala ko nalulunod pa rin ako, pero ramdam ko na ngayon ang mga bisig ni Damien na mahigpit na nakayakap sa akin. “Hawak kita, Julian. Calm down, buhat na kita,” aniya, ang tinig niya ay puno ng kumpiyansa.
Dahan-dahan, nagsimula akong huminga nang mas maayos. Naramdaman ko ang tibok ng puso ko na unti-unting bumabagal mula sa pagkataranta. Napayakap ako kay Damien nang mahigpit, ang mga braso ko ay umikot sa leeg niya. Sa sobrang nerbyos ko ay hindi ko namalayang nakaakap na ako sa kanya nang parang tarsier, mahigpit na nakakapit at ayaw bumitaw.
“Julian... d-don’t wiggle too much,” sabi niya, medyo hirap ang boses. “Hindi dahil mabigat ka, but...”
Napatigil naman ako at sandaling napatingin sa kanya na naguguluhan. “Huh?” tanong ko, nanginginig pa rin sa takot.
“... I-I’m getting turned on,” sagot niya, bahagyang namumula ang mukha.
Bigla akong napamulagat. Hindi ko alam kung ano ang mararamdaman ko—takot ba, hiya, o kaba? Pero bago pa man ako makapag-react, naramdaman ko na ang paggalaw ng bagay sa pagitan niya at ng tiyan ko. Alam ko na agad kung ano iyon, at sa isang iglap, nag-init ang mukha ko sa hiya.
“Damien!” sigaw ko, sabay palo sa braso niya. Namula ang mukha ko habang sinaway siya. Pero imbis na magalit, ngumiti lang siya ng bahagya.
“Ang likot mo kasi, kaya hindi ko maiwasang…” tumigil siya, pero kitang-kita sa mga mata niya ang kalokohan. “Tigasan.”
Napairap ako, pero hindi ko na rin napigilan ang pag-ngiti. “Bakit kasi dinala mo pa ako sa malalim na parte ng tubig?” tanong ko, sinusubukang baguhin ang usapan.
Pinalipat niya ako sa likuran niya at pinapwesto sa kanyang likod. “Piggyback ride na lang,” sabi niya.
Agad naman akong kumapit sa kanya habang nagsimula siyang lumangoy pabalik sa pampang. Sa kabila ng nangyari, ramdam ko pa rin ang init ng kanyang katawan laban sa akin, pero pilit kong binabalewala iyon.
Pagdating namin sa bangka ng mga lifeguard, agad kaming tinulungan na makaahon. Inabutan kami ng towel, at habang tinutuyo ko ang sarili ko, narinig kong sinasagot ni Damien ang mga lifeguard kung nasaan ang bangkang sinakyan namin.
“Babalik muna kami sa lupa bago hanapin iyon,” sabi ng lifeguard, at tumango na lang si Damien.
Nang makababa ng lupa ay umupo kami saglit sa gilid dahil pareho kaming basang-basa.
But speaking of getting wet...
Hindi ko maiwasang magmaktol sa katabi ko. “Wala akong pamalit na damit.” Napanguso ako habang nag-iisip ng paraan para hindi masyadong malamigan.
“I have one,” alok ni Damien, sabay abot ng extra shirt at isang jersey shorts na galing sa bag niya. Mabuti nalang pala at hindi namin dinala kanina ang mga bag at pinaiwan doon sa lagayan nila ng mga gamit. “Isuot mo muna ito.”
Tahimik akong tumango at kinuha ang mga damit. Medyo nahihiya pa rin ako, pero wala na akong choice. Pumunta ako sa isang malapit na public CR para magbihis. Habang sinusuot ko ang shirt ni Damien, napansin ko ang laki nito sa akin. Halos lumubog ako sa damit, pero binalewala ko na lamang iyon.