Chapter 30

82 7 5
                                    

30 : Binatog

JULIAN

Days had gone by. Mahigit limang araw din ang nakalipas mula noong maganap ang lahat ng mga nangyari. Sa loob ng mga nagdaang araw, everything slowly began to change. Although I’m still not sure if it is for the better, but I am glad that the issue behind me had finally started to fade away.

Of course, the bullying was still there for a while. Pero for some reason, it stopped after the day my father tried to look for them again when I told him. And as for Damien... well...

I still don’t know what to do about him.

Pagdating ko sa school ay parang may gaan na sa kalooban ko, ‘di tulad ng mga nakaraang araw. Hindi ko maipaliwanag, pero siguro ay dahil na rin sa thought na tanggap na ako ng pamilya ko kaya wala na akong dapat pang ikabahala. Isang bigat ang nawala sa dibdib ko, at kahit paano, nakaramdam ako ng kaluwagan dahil sa wakas ay hindi ko na kailangang magtago pa o mag-alala sa loob ng bahay namin.

Habang naghihintay sa pagsisimula ng klase, napansin ko ang isang pamilyar na pigura ng isang taong pumasok sa loob ng silid. Hindi ko naman maiwasang mapansin ang iilang mga maliliit na bakas ng gasgas sa braso niya at ang sugat sa labi. Lihim akong napaiwas ng tingin. Parang biglang bumalik sa akin ang nangyari noong nakaraang linggo. When my father got into fight with the boys. Nakita ko ring napansin iyon ng iba naming kaklase noong araw at tahimik na nagtitinginan. Hula ko ay baka nadamay din ito sa ginawa ng papa ko. Baka kasama siya ng mga tropa niya noong sinugod sila ni Papa.

Tulad ng mga nakaraang araw ay tahimik lang itong naglakad patungo sa upuan niya. Wala namang pinagbago roon, except nga lang sa part na wala na ngayong bumabati o kumakausap sa kanya. Napagakat-labi tuloy ako.

I just felt... some guilt after what happened to Damien. Alam ko. Ako ang dahilan kung bakit naging ganito na rin ngayon ang treatment ng mga tao sa kanya. They’ve been seeing me with Damien before the issue happened. Of course, dahil sa akin ay mukhang lumayo ang loob ng mga estudyante sa kanya. Napayuko na lamang ako at humugot ng hininga.

Dahil sa akin... may mga taong naaapektuhan.

Sa bawat oras na lumilipas, hindi ko maiwasang mag-isip. Hindi ko alam kung ano ang iisipin kay Damien. Gusto ko pa ba siyang tanungin? O hayaan na lang? May isang parte ng utak ko ang nagsasabing dapat ko siyang kausapin, kahit paano. Pero... may isa ring parte na gustong iwasan siya.

Pagsapit ng lunch break, nagulat ako nang lapitan ako ni Damien. Hindi ko inasahan na kakausapin niya ako, lalo na’t nakalipas ang mga araw na hindi na ito nagparamdam sa akin. The last time he talked to me was through the text he sent while I was washing the dishes, almost a week ago. At matapos ang nangyari... inaamin ko, medyo hinahanap ng katawan ko ang presensya niya. Hindi niyo naman ako masisisi dahil halos siya ang naging kasangga ko sa mga problema kong kinakaharap.

... until I figured he was the reason behind those pictures posted online.

Hindi ko rin naman talaga gustong kausapin siya ngayon, pero nang makita ko itong may dalang binatog at kasalukuyang nakalahad sa akin, parang biglang may bumalik na alaala sa isipan ko.

“Julian... can I have a minute with you?” seryosong sambit nito.

Napatingin ako sa kanya at muling napansin ang binatog na hawak niya. Binatog. Paborito niya iyon. Alam kong hindi basta-basta nagbibigay si Damien ng binatog sa iba at kapag dumating na sa puntong binibigay niya ito, ibig sabihin ay seryoso siya... o ‘di kaya... desperado na siya. Hindi ko maipaliwanag, pero parang may kirot sa puso ko sa nakikita ko sa kanya.

Napabuntong-hininga ako, hindi dahil sa inis, kundi dahil sa bigat ng sitwasyon.

“Sige,” sagot ko, kahit na ang totoo ay ayaw ko sana. But you see, deep inside, alam kong may mga bagay talaga na kailangang pag-usapan, kahit gaano pa kahirap.

Tahimik akong sumunod sa kanya palabas ng classroom. Nararamdaman ko ang bigat ng bawat hakbang ko. Hindi ko alam kung saan niya ako dadalhin, pero alam kong may gusto siyang sabihin. Sa bawat segundo, naglalaro sa isip ko ang mga posibilidad. Ano ang sasabihin niya? Magso-sorry ba siya? Magpapaliwanag?

Nagtungo kami sa gate ng campus. I was about to stop him because of the guard, pero nagulat ako nang payagan kami ng guard na lumabas kahit na hindi pa tapos ang klase.

Paano niya nagawa iyon? Tinulungan ba siya ng mga kaibigan niya, o may kaunting daya sa usapan? Pero mukhang may dahilan si Damien dahil mabilis itong nagpaalam, sabay sabing may pupuntahan lang kami saglit. Napairap ako nang bigla siyang maglabas ng isang tela at nagmamadaling ipinantakip sa mga mata ko. Gusto ko sanang magreklam, pero sa totoo lang ay wala na rin akong energy para makipagtalo kaya hinayaan ko na lamang siya.

Whatever his plans are.

Inalalayan niya akong makasakay sa motor niya at pagtapos ay sinimulan iyong pinaharurot sa daan. Habang umaandar ang kanyang motor ay naramdaman ko ang ingay ng paligid. Hindi kami malayo, ramdam ko iyon. Siguro mga limang minuto lang ang biyahe bago huminto ang motor. Pagbaba ko, inalalayan niya ako, pero kahit gusto ko sanang magtiwala, pakiramdam ko ay parang napipilitan lang akong sumunod. Napakamot siya ng ulo nang bigla kong tanggalin ang blindfold. Hindi ko na siya binigyan ng pagkakataon para pigilan ako.

“Damien, ano na naman ‘to?” tanong ko, halatang naiinip na sa drama niya.

Tila may gustong sabihin si Damien, pero napabuntong-hininga lang ito. Inunahan ko na siya, “Nakalimutan mo na ba na sinabi kong wala na akong tiwala sa kahit sino? Tapos ngayon, nagpapapiring ka pa.”

Tahimik naman siyang tumingin sa akin. Walang sagot. Napairap na lamang ako sa kanya at umiwas ng tingin. Pero sa loob-loob ko ay hindi ko rin maiwasang sampalin ang pisngi sa imahinasyon.

Wala daw tiwala, pero nagpapiring pa rin naman kanina.

Napailing na lamang ako sa sariling kabaliwan at pinagmasdan ang paligid. Dahil doon ay napagtanto kung nasaan kami.

It’s a familiar spot, isang get-together place malapit lang sa school. Hindi ito park, pero kilala ang lugar na ito dahil sa mga stalls, playground, at higit sa lahat, sa mga boats. Biglang bumigat ang pakiramdam ko. Ayokong pumunta sa lugar na iyon. Pero mukhang alam ko na ang balak ni Damien kaya kami narito.

Bago pa man kami makalapit doon ay nagmamadaling tumalikod ako.

“Damien, ayoko. Huwag na lang,” sabi ko, handa nang umalis.

Pero mabilis siyang humarang sa harap ko. Tiningnan ko siya at nang makita ang mga mata nito na para bang nagmamakaawa ay napakunot ang noo ko. Bakit ganito? Hindi ko maintindihan kung bakit pero... biglang uminit ang mukha ko. Hindi dahil sa galit, kundi dahil sa tingin niya. Napaismid tuloy ako.

“Julian, please... kahit hanggang sa maubos lang ‘yung binatog mo,” nauutal na niyang sabi, halatang may kaba sa boses.

Napatingin naman ako sa hawak kong binatog at napakurap. Right. May dala nga pala akong binatog.

Napabuntong-hininga ako. Bakit nga ba ang dali kong maapektuhan ng mga simpleng bagay?

“Okay, fine. Pero hanggang maubos lang ‘tong binatog, Damien. Ayoko nang patagalin pa.”

Dahil sa narinig ay bahagyang napangiti naman siya. Malamang ay halatang gumaan ang kanyang pakiramdam.

“I promise you won’t regret it.”

His Ephemeral SignsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon