26 : Broken
Paglabas ni Julian ng café at mabilis siyang naglakad, pilit na pinipigilan ang mga luhang patuloy na bumabagsak sa kanyang mga pisngi. Ngunit hindi pa man siya tuluyang nakalalayo nang lumabas din at nagmamadaling hinabol siya ni Damien.
Hinablot nito ang kanyang pulso, dahilan upang mapahinto siya sa kanyang paglalakad. Sa kabila ng gulo sa isip ni Julian, naramdaman niya ang kabigatan ng kamay ni Damien, ang pwersang nagpigil sa kanya sa pagtakas.
"J-Julian, what's the matter? What's happening?" tanong ni Damien, puno ng pag-aalala ang boses. Ang mga mata niya ay puno ng pagkalito, habang pinagmamasdan ang namamaga at basang mukha ni Julian.
Nilingon ni Julian si Damien, hinayaan ang mga luhang bumagsak nang walang patid.
"A-akala ko ba... palagi kang nanjan para sa akin? Akala ko ba, lagi mo akong sasagipin sa tuwing mahuhulog ako?" Ang kanyang boses ay puno ng hinanakit, bawat salita ay nagdadala ng matinding sakit na bumabalot sa kanyang puso.
"Lahat ng pinagsamahan natin... k-kasinungalingan lang ba?"
Naguluhan si Damien sa mga katagang binitiwan ni Julian. Hindi niya maintindihan kung saan nanggagaling ang lahat ng ito. "What...? Anong sinasabi mo?" tanong niya, umaasang makakakuha ng sagot mula sa binata.
Ngunit imbes na sagutin ay kinalas ni Julian ang pagkakahawak ni Damien sa kanyang pulso. Tahimik siyang lumayo at hindi na binigyang-pansin pa ang nagmamasid na mga tao sa paligid nila. Bawat hakbang niya ay parang bigat na bigat, dala ng sakit at pagkabigo.
Sa mga sandaling iyon, naguluhan si Damien, ngunit higit sa lahat ay naramdaman niya ang matinding takot. Takot na baka tuluyan na siyang iwan ni Julian.
Takot... na baka mawala na ito sa kanyang buhay.
"J-Julian, please... sabihin mo kung bakit," nagmakaawa siya, pilit na nilalabanan ang panginginig ng kanyang boses.
Tumingin si Julian kay Damien, ang mga mata niya ay puno ng sakit at poot. "Kung hindi mo sana ginawa iyon, Damien... hindi tayo aabot pa sa ganitong punto," sagot niya, ang boses niya'y puno ng galit at hinanakit.
Dahil doo'y bahagyang naguluhan si Damien. "What did I do, Julian?" tanong niya, desperado sa kasagutan. Ngunit sa kabila ng lahat ay hindi niya napaghandaan sa susunod na maririnig.
"Ikaw... i-ikaw ang nag-post ng mga pictures," halos pabulong na sinabi ni Julian, ngunit sapat na para mapahinto sa gulat ang isa.
"W-what...?" tanong ni Damien, halos 'di nito marinig ang sarili. Ngunit bago pa siya makapagpaliwanag, tumalikod na si Julian at muling naglakad palayo. Sa bawat hakbang na papalayo ni Julian, parang may bahagi ng puso ni Damien na napupunit.
"Julian... that wasn't me!" sigaw ni Damien at muling hinabol si Julian. Hinawakan niya ulit ang kamay nito upang patigilin sa paglalakad. "I was not the one who posted it, Julian. Please, listen to me..."
Ngunit tila bingi na si Julian sa mga paliwanag ni Damien. Tumigil siya at muling hinarap si Damien habang ang mga mata'y puno ng poot. Sa huling pagkakataon, kinalas niya ang pagkakahawak ni Damien sa kanyang braso, mas malakas at mas determinadong umalis.
"Ayoko na..." napipiyok nitong ani.
Nakita ni Damien ang lungkot, ang kaba, at ang takot sa mga mata ni Julian. Nasasaktan siya sa bawat salitang binibitawan ng kaibigan. "Julian, please... huwag kang umalis. Hindi ko alam kung ano ang nangyayari, but--"
"Pagod na ako, Damien!" sigaw ni Julian, ang boses niya'y nanginginig sa sakit at pagod. "Pagod na pagod na akong maniwala sa kahit sino. Sa iyo. Sa lahat ng tao." Ang mga mata niya'y tila naglalabas ng lahat ng sakit na kanyang nadarama.
"Hindi ko na alam kung ano ang totoo. Ayokong maniwala na naman sa mga sinasabi ng tao... p-pagod na pagod na akong magtiwala."
Tuluyang napabitaw si Damien sa narinig niya. Nanghihinang napatingin siya kay Julian at nasaktan nang makita ang walang tigil nito sa pag-iyak at hingal sa paghinga. Samantalang kinuha naman iyong pagkakataon ni Julian at hindi na nagawang pigilan pa ni Damien sa pag-alis. Naiwan itong tulala, ang mga luha ay unti-unting bumabagsak mula sa kanyang mga mata. Ang sakit at bigat ng mga salita ni Julian ay tila nag-iwan ng malaking sugat sa puso niya.
Habang pinapanood nito si Julian na naglalakad palayo ay hindi niya maiwasang makaramdam ng matinding pagkabigo sa sarili. He badly wanted to follow him, yakapin ito at humingi ng tawad, ngunit tila nanigas ang buong katawan niya. Hindi niya magawang gumalaw. He felt like his feet was stuck to the floor.
Bahagyang bumaba ang dalawang braso niya at napasinghal sa pagod.
Why did it all come to this?
