9.23.22

1 0 0
                                    

May napaniginipan ako.

Yung mismong unang-unang scene na tanda ko ay yung buntis ako. Naka-upo ako sa isang upuan (katulad nung nasa kusina), si mama nasa kaliwa ko tas si papa nasa harapan niya. Like hindi sila galit nag-uusap usap lang sila ng normal. Nang pumatak yung kamay ko sa tyan ko ramdam ko yung hugis na buntis nga ako. Hindi ko talaga alam kung kailan at paano ako buntis pero base sa tyan ko... mga 4 or 5 months na ako. Maliit pa lang e.

(so siguro kung bakit ko 'to napaniginipan diba after you sleep tas nasa isipan mo pa rin ang isang bagay na nangyari or ano, napapaniginipan mo siya. Halimbawa si crush nasa isipan mo bago ka matulog, may chance na mapaniginipan mo siya. In my case, buntis ako. Dahilan?? Yung palabas sa KMJS. Yung onse anyos palang ay buntis na. So yun.)

Nakikipag-usap rin ako sa kanila pero hindi ako yung mismong nakikipag-usap. Like hindi ako yung nagko-control ng sarili. Hindi ko nga alam kung ano yung sinasabi ko badta nakikipag-usap ako sa kanila. Until nag-excuse ako sa kanila kasi gusto kong mag pahinga muna sa kama. They let me go kaya pumunta na ako sa kwarto, ang kamay ay nasa tiyan pa rin.

Kaso lumiko ako at may kinuha sa may upuan (salas). Habang inaabot ko yung gamit, inaayos ko yung pagkahawak ko dun sa bata. Yes, biglang nag-iba. May sanggol na akong hawak. Inaayos ko yung buhat sa kaniya kasi baka mahulog siya ay isang arm lang yung gamit ko sa pagbubuhat dahil may hawak pa akong isang bagay. Pinagmasdan ko yung baby.

Ang laki ng mata niya tas naka-knittens yung kamay niya. Hindi siya magalaw kaya hindi ako nahirapan buhatin siya. Tas yung pilik-mata niya, mahaba! Nung nakita ko yung suot na damit, dun ko na napagkamalan na babae yung sanggol. BABAE. Basta ang cute niya, oh my god.

(baka sign to HAHAHA (pero seryoso baka nga))

Finally, pumunta na ako sa kwarto bitbit ang tinuturing kong "anak".  Nilapag ko yung gamit sa tabi ng kama and then umupo ako sa kama. Inayos ko yung hawak sa sanggol dahil padededehin ko na siya. Binuksan ko yung damit ko like binuka ko and then dun ko siya pinadede, sa loob ng damit ko. (hindi ko naman iyon gagawin sa isnag sanggol 😭) so yun natsup-tsup na siya, ang cute niya nga e hehehe.

Nung tumingin ako sa kanan ko, andun sa gio nakatingin sa akin. Kinausap ko siya, kinausap niya rin ako. (d ko alam kung anong sinabi ko sa kaniya) nakatingin ako sa "baby ko" habang nadede and then nung tumungin ako kay gio, wala na siya. Bumaling uli ako kay baby na parang walang nangyari. Inayos ko na yung unan, yung para bang sinasandal ko sa pader para pag malikot si baby ay hindi mauuntog sa pader.

Tumayo ako para ihiga na si baby (ewan ko kung y ako tumayo) pero nung pagkapa ko sa loob ng damit ko. Walang bata. Wala. Kundi ang bilog kong tiyan. Bumaba ang tingin ko pero wala talagang baby. Tinary kong kapain ang sanggol at pilit kong hawakan gamit ang dalawang braso yung baby para mahiga ko na siya pero wala talaga.

Nasa school ako. Umiba na naman ang scene. Mukhang hindi nila alam na may dinadala akong sanggol kasi like every day in school, I became a student. Pero every now and then, kinakapa ko yung tiyan ko.

Dumating si sir nap, mapeh time na. Kaso sabi daw i-act daw yung groupings na pinapagawa niya. Nauna yung group 1, e kami group 4 yata kasi huli kami nagperform. I was distracted dun sa acting ng mga kaklase ko dahil na realized ko hindi ko tanda yung script ko. Hindi ko alam kung bakit ko alam (hindi ako nacontrol sa body ko) pero nung tumingin ako kina thesia parang nagmememorize siya. So yun naisip ko na baka yung pinapagawa ay yung abt dun sa cigarettes. (alam kong sa sci yun pero yun yung pinapa-acting sa amin sa mapeh time kaya..)

Nung kami na, nilapitan ko sina thesia sabi ko di ko memorize yung script ko kaya last minute ay binabasa ko yung script ko. Umalis si sir at tsaka yung babaeng nagvivideo na nasa likuran. Tas biglang nag-ingay yung mga kaklase ko pero kahit ganun sinumulan ko na.  Nag say ako ng good morning pero lumakas yung ingay. Tumingin ako sa mga ka-grupo ko, nakatingin sila sa akin kaya tinary ko ulit na umimik ng malakas pero dumating naman si sir at simabing "okay for our lesson today is" LIKE PARANG WALANG ESTYUDANTE NA MAGPE-PERFORM SA HARAPAN NIYA??? SOBRANG NAINIS AT NAHIYA AKO HABANG KAMING GROUP 4 AY UMUPO NA.

.

.

.

meron pang kadugsong but inaamad na akong magsulat basta ang weird sobrang weird iyung panaginip na iyon

My bookWhere stories live. Discover now