02

67 4 0
                                    

Advance studying. That's what I'm doing right now. Wala naman akong masyadong gagawin dahil hindi pa naman kami nagsisimula ng lessons. Bigla namang tumunog ang phone ko kaya kinuha ko ito.



sren_c:
Ano gawa niyo?
Nagpreprepare ako para bukas. Baka kasi mag-introduce yourself tayo sa Spanish.

kzmvian:
Wth?! Di ka pa rin marunong? We already did that 2 times!

sren_c:
Hehe....di ko naman kasi sineryoso ung Spanish.




Napailing na lang ako sa reply ni Seren. It's true that she didn't take the Spanish seriously, so right now, mahihirapan talaga siya. I'm confident dahil sinanay ko na ang sarili ko mag-spanish since grade 7. I'm really interested in that major subject, that's why.




Kinabukasan ay naabutan ko si Seren sa room na nagkakabisa ng line niya sa Spanish para mamaya.




Our first subject is Science, then Spanish. Kami naman ni Kystré ay nagkwentuhan lang dahil alam naman na namin kung ano ang sasabihin para mamaya.





Nang mag-seven o'clock na, dumating na ang teacher namin kaya mas lalong kinabahan si Seren. Kita ko rin ang kaba sa iba kong kaklase, pero ung iba naman ay kagaya namin ni Kystré na unbothered din.




"¡Buenos Dias! I'm Ma'am Marissa Miranda, your Spanish teacher. Please introduce yourself in Spanish." Ma'am Miranda said. Nauna ang mga lalaki dahil alphabetical. Ung iba ay nagtatanong pa kung ano ang Spanish ng ganito, ng ganoon. Halatang hindi pinaghandaan.





Nakatapos si Seren at Kystré ng payapa at hindi nagkakamali. Nang ako na ang mag-sasalita ay muli na naman akong kinabahan.




"¡Hola, a todos! Mi llamo es Kassandra Callieleigh Leaxcon. Tengo katorse años. Mis pasatiempos son cantando, leyendo y bailando. Gracias!" (Hi everyone! My name is Kassandra Callieleigh Leaxcon. I am fourteen years old. My hobbies are singing, reading and dancing. Thank you!) Pagkatapos kong mag-pakilala ay naupo na ako.




Natapos ang araw namin at nameet na namin ang iba naming teachers. Ung iba naman ay hindi pa dahil hindi nila schedule saamin ngayon.




Mas napaaga ang uwi namin ngayon kaysa kila Kanaia kaya naman naghintay muna ako sa tapat ng classroom nila. Kasama ko pa rin si Seren at Kystré, pati na rin si Vien dahil sabay silang umuuwi ni Seren.





Nagce-cellphone ako habang naghihintay, samantalang si Kystré naman ay nililibot ang paningin sa room nila Kanaia. Malamang naghahanap ng pogi.




"Grabe! Kinabahan ako kanina sa Spanish!" Salubong saamin ni Kanaia nang maglabasan na sila.





"Same! Buti na lang talaga nakasurvive ako." Sang-ayon naman ni Seren. Kami naman ni Kystré ay tahimik lang at nakikinig sa kanila.




"Wala namang gwapo sa room niyo." Biglang singit ni Kystré.





"Lahat kaya ng boys namin pogi! Masyado ka lang kasing loyal kay Xio." Sabi naman ni Kanaia kaya naman tinakpan ni Kystré ang bunganga niya.




"Ang ingay mo! Baka mamaya may makarinig sayo." Napailing na lang ako sa kanila ng dalawa.





Nagpaalam na kami sa isa't isa dahil magkakaiba ang daan ng bahay namin. Susunduin kami ngayon ng daddy ni Kanaia dahil wala itong pasok ngayon. Kapag naman hindi kami masusundo ng daddy niya, driver ko naman ang sumusundo saamin.




ObliviousWhere stories live. Discover now