Si Kanaia lang ang nagsasalita sa amin. Samantalang tahimik lang kami ni Hade habang nakasakay sa kotse niya. Regalo ito ng Daddy niya nang magsixteenth birthday siya. Paano ko nalaman? Syempre sinabi ni Kanaia.
"Kuya Hade, ano ba strand mo?" Kanaia asked him. Medyo close sila dahil ung Tito ni Kanaia at si Hade ay magkaibigan.
"STEM," Maikling sagot ni Hade kaya napatango-tango kami.
"May girlfriend ka na ba?" Mahina namang natawa si Hade sa tanong ni Kanaia kaya napa-iwas ako ng tingin. Ang gwapo tumawa, shit!
"That's not included in my plan. But...." Saglit siyang tumingin saakin bago binalik ang tingin sa daan. "I like someone right now." Mahina namang tumili si Kanaia sa sagot ni Hade. I slightly blushed because of that. Huwag delulu self!
"Sino? Secret lang naman natin." Pangungulit ni Kanaia pero hindi naman sinabi ni Hade saamin ang sagot niya hanggang sa maka-uwi na si Kanaia at kami na lang ni Hade ang naiwan.
This is really awkward. Parang gusto ko na lang magpalamon sa lupa. Kinuha ko ang phone ko at nagbasa na lang ng mga Spanish word na hindi ko pa masyadong alam.
"So, uhm....you're a SPFL?" Napabaling naman ako sa kaniya nang magsalita siya.
"Yeah," maikling sagot ko dahil wala naman na akong maisip na sasabihin. Alangan namang sabihin ko pa'no mo nalaman? Eh nakikita niya naman mga post at story ko sa IG about sa SPFL.
"Eso es genial." (That's great.) The way he speaks Spanish, it's husky and sexy. After that natahimik na ulit kami, hanggang sa makarating kami sa bahay.
"¡Gracias!" I said while waving my hand.
"De Nada, Adios!" He said before leaving. Hinintay ko munang makalayo ang sasakyan niya bago pumasok sa loob.
Naabutan ko si Mommy sa sala namin na may binabasa sa laptop niya. Mukhang cases na naman.
"Who's that?" She asked while sipping at her coffee.
"Who?" Maang-maangan kong tanong kahit alam ko naman kung sino ung tinutukoy niya.
"The one who sent you here?" Then she looked at me with intense eyes. Mom is strict when it comes to boys, same as Dad. Dapat lahat ng kakilala ko, kilala rin nila. Especially boys.
"Si Hade po. Ung anak ni Mr. Arthur." They know Hade because kakilala nila ung daddy at mommy niya. Sikat din kasi sa church namin ung mga magulang ni Hade.
"Oh? 'Di ba you have a crush on him?" She asked me with teasing eyes.
"Yeah, but it's not a big deal. Kasalanan lahat ni Kanaia 'to." I rolled my eyes.
"You should thank her." Then she softly laugh.
"Kung alam mo lang, Mom. Nakakahiya ung pinaggagawa niya kanina." I opened up to her. Kahit na busy si Mom at Dad, they still giving me time. I'm an only child. Iyon siguro ang dahilan kung bakit hindi ako marunong makipagsocialize.
Kinabukasan ay excited ako dahil this is the day na first time naming lalabas after ng klase. Magiging routine na namin 'to every week.
"Class, may gusto bang sumali sa inyo sa band ng school?" Ma'am Maria asked us. Nagtataka naman ako dahil bakit sila kukuha ng mga singers sa SPFL kung meron namang mga SPA? SPA stands for Special Program in Arts. Nandiyan ung mga may talent sa pagkanta, sayaw, drawing at acting. Hindi iyan ang kinuha ko dahil mas gusto kong magfocus sa acads kaysa sa talent ko.
![](https://img.wattpad.com/cover/322062691-288-k328307.jpg)
YOU ARE READING
Oblivious
RomanceKassandra never thought that she can move on from her long time crush, not until Kyronn entered her life