09

116 4 0
                                        

After naming maggrocery, bumalik na kami sa bahay para magbake. We need to practice para maganda ang kalabasan. Maybe 10 pieces of cookies and brownies will be enough for taste test. Ipapatikim na lang namin kila mommy at sa mga yaya namin.

"Kailangan niyo ba ng tulong?" Tanong ni Nana. Siya ang unang kasambahay namin, kaya siya ang nag-aalaga sa akin kapag wala ang parents ko sa bahay. She's been my nanny since I was a kid.

"Nana, do you know how to bake cookies and brownies? We're having a hard time here." I pouted at her, causing her to chuckle.

"Wala akong alam diyan, anak. Tutulungan ko na lang kayo." Masaya naman akong tumango sa kaniya. Nang tignan ko naman si Kyronn ay mariin lang siyang nakatingin sa akin, kaya umiwas ako ng tingin. I won't assume things, 'kay?

Nagsearch na kami sa YouTube kung paano gumawa ng cookies and brownies. Siya ang umaasikaso sa brownies, samantalang ako naman sa cookies. Nagpatulong na rin kami kay Nana para mapabilis ang gawain namin.

We're taking a pictures of each other for proof and documentation. Inuna naming i-oven ang cookies dahil hindi pa siya tapos sa pagmimix. We're wearing an apron, and I can see his veiny hands while mixing the bowl. Kinuha ko naman ang cellphone niya para tignan ang mga pictures namin. His lockscreen wallpaper is him, wearing a white beach polo and shades. Naka-open ang tatlong butones kaya naka-expose ang dibdib niya.

"Type your password. Ipapasa ko lang ung pictures." Sabay bigay ko sa kaniya ng phone niya. Inalis ko ang tingin sa phone niya because it's his privacy, so I won't meddle with it.

"102107" nanlaki naman ang mata ko nang sabihin niya saakin ang password. Nang tignan ko siya ay patuloy pa rin siya sa pagmimix

"Did you just... binibigay mo ba sa lahat ang password ng phone mo?" Hindi ko mapigilang tanong. Don't get me wrong, pero hindi lahat ng tao mapagkakatiwalaan. Password nga ng phone ko, si Kanaia at ang parents ko lang ang may alam. Pero siya? Hindi siya nagdalawang-isip na sabihin ang password niya.

"Nope, just you." He said, didn't glance at me. Bumilis naman ang tibok ng puso ko dahil do'n. So he trust me, huh?

Hindi na ako nagtanong pa, at pinasa na ang pictures namin. May mga solo pictures ako na kinuha niya habang nagroroll ng cookie dough. Nagpapicture rin kami kay Nana habang magkatabi at busy sa pag-
peprepare. Lihim naman akong napangiti dahil sa kilig.

Saktong pagtapos masend ng pictures, bigla namang nagring ang phone ni Kyronn. Aurora is requesting for video call kaya binigay ko sa kaniya ang phone. Agad namang sinagot ni Kyronn ang video call, tsaka ipinatong ang phone niya patapat sa kaniya.

"Hey! Where are you?" Bungad sa kaniya ni Aurora.

"I'm in Kassandra's house. Nagpapractice kami para sa ibebenta namin. Ano ba sa inyo?" Kyronn asked Aurora. Iniwan niya muna saglit ang ginagawa niya, kaya ako na ang nagpatuloy.

"Accessories, like bracelets, necklaces and others. This is so stressing, to be honest." Mahina namang natawa si Kyronn dahil 'don.

"Korique, teh!" Lihim naman akong napangiti sa sinabi niya. Minsan iniisip ko kung nagkagusto na ba ang isa sa kanila sa isa't isa. Aurora is pretty and smart, iyon ung kwento sa akin ni Kanaia.

"Busy kami, sis. Mamaya na tayo mag-usap." Nagpaalam sila sa isa't isa, bago patayin ang VC. Agad namang lumapit si Kyronn sa akin para ipagpatuloy ang ginagawa niya.

After 2 hours ay natapos na kami sa pagbebake. Pinicturan muna namin ito, bago namin tikman. Nagkatinginan naman kami ni Kyronn nang matikman namin ang cookies at brownies.

ObliviousWhere stories live. Discover now