"Tara, Three Stop?" Seren asked us, so we nodded. Mas madalas na kami sa Three Stop kaysa sa canteen dahil masyadong maraming tao do'n. Dito rin kasi laging namimili sila Kyronn every recess.
Dinala ko naman ang paper bag na may lamang damit niya at cupcakes, para in case na makita ko siya dito, iaabot ko na lang. Sana lang hindi niya kasama ang friends niya dahil nakakahiya, pero impossible naman 'yon.
Hindi na ako namili ng pagkain dahil binaunan naman ako ni Mommy ng cupcakes. Marami iyon dahil sabi niya bigyan ko rin sila Kys.
"Guys, wait lang. Bibigay ko lang 'to kay Ky." Paalam ko kila Seren kaya tumango sila. Agad naman akong lumapit kay Kyronn nang makita ko siya na nakapila kasama ang friends niya.
"Hi! Here's your uniform pala. I already washed it." I shyly said at him. Pati ung Aurora napatingin sa akin.
"Thanks, here's your shirt. Nalabhan ko na rin 'yan." Nakangiti niya namang inabot sa akin ang paper bag na may lamang shirt ko. Shit! Sumisingkit lalo ung mata niya kapag ngumingiti. Nagpaalam naman na ako sa kanila nang makuha ko na ang kailangan ko.
"You two suits together. I took a candid photos, look!" Masayang ipinakita saakin ni Kys ang phone niya na may picture namin ni Kyronn habang inaabot ko sa kaniya ung damit niya.
"Pasa mo sa akin mamaya." I winked at her. Napakasupportive talaga nila.
Nang mag-uwian na ay ako naman ang hinintay ni Kanaia dahil mas nauna silang pinalabas. Nakita ko rin sa labas ng room namin si Kyronn. Mukhang hinihintay niya ung secretary namin.
Muli na naman kaming nagkatitigan pero umiwas agad ako ng tingin at nakinig sa nagtuturo. Ramdam ko pa rin na nakatingin siya sa akin kaya hindi ako makapagfocus. Buti na lang at hindi nagtatawag ung teacher namin, kung hindi nakakahiya kapag wala akong naisagot.
"Mcdo?" Dinig kong aya ni Aurora kay Kanaia nang makalabas ako. Kita ko naman ang pag-iling ni Kanaia sa kanila.
"Uuwi na kami ni Kass, eh." She declined. Nadako naman ang tingin nila saakin nang makalapit ako kay Kanaia.
"Hi! Kass, right? Inaaya kasi namin si Kanaia kumain kaso uuwi na raw kayo. Gusto mo, sumama ka saamin para makasama rin si Kanaia?" Aya saakin ni Aurora nang makalapit ako sa kanila. "Don't worry, kasama namin si Gela kaya hindi lang ikaw ung Pizarro dito." Tukoy ni Aurora sa secretary namin.
"Oo nga. Sama ka na, Kass." Pangungulit sa akin ni Gela.
"Guys, maybe next time? Pagod din kasi ako eh." Tanggi ulit ni Kanaia sa kanila. "Bawi ako next time, don't worry." Kanaia assured them as they nodded.
"Okay, bye! Next time na lang." Paalam sa amin nung Yanie sabay kaway. Kumaway naman si Kanaia pabalik sa kanila.
Nang makalayo kami sa kanila ay doon lang kami nakapag-usap.
"Sana sumama ka na." I said to Kanaia while we're walking.
"Next time na lang. Pagod din ako, wala ako sa mood." She sighed. "Marami pa akong gagawin pag-uwi. Review, assignments, writing lectures. Nakakadrained na." She said in a tired tone. Marami kasi talaga kaming ginagawa, especially na nasa mataas kaming Program.
"Kaya natin 'to!" I cheered her up. Ilang beses na rin akong umiyak dahil sa dami ng gagawin namin, pero kailangan kong gawin 'to para hindi mababa.
Nang mahatid namin si Kanaia sa bahay nila ay dumeretso kami sa Hospital. Once in a month kasi akong nagpapacheck-up sa hospital kung saan nagtatrabaho si Dad para masiguro na wala akong sakit. Iisang anak lang ako nila Mommy kaya naman alagang-alaga nila ako.
Pumunta muna ako sa office ni Dad para magpasama sa kaniya. Alam kong inaasahan niya na ang pagdating ko, kaya naman nakahanda na siya nang makarating ako do'n.
"Wala naman na siyang sakit, maliban sa asthma niya. Basta, iwasan ang magpagod. Make sure rin na hindi siya makakaamoy ng makapal na usok at marumi." Bilin saamin ng doctor ko.
"Thank you, doc." Dad said at the middle-aged female Doctor.
"Thank you also, Doc Leaxcon." Nakangiting bati sa kaniya ng doctor ko.
Nang makalabas kami sa office ng doctor ko ay inaya ako ni Dad sa ice cream parlor. He ordered my favorite chocolate ice cream, samantalang ang kaniya naman ay Vanilla.
"Dad, anong program ba ang gusto niyong kuhanin ko?" I suddenly asked out of nowhere. Hanggang ngayon kasi, wala akong maisip na gusto kong maging trabaho.
"Anything you want. Hindi ka namin pakikielaman pagdating sa bagay na 'yan." He smiled at me.
"Eh paano kung... ayaw kong magtrabaho?" I joked at him.
"Edi bahala ka na mabuhay." I just laughed at him. "Ung ballet class mo pala, wala ka na bang balak bumalik do'n?" He asked me, causing me to stop eating. Simula kasi nang mag face-to-face class kami, nagquit na ako sa ballet class ko.
"Sa summer siguro. Kapag tapos na ung school year." He just nodded at my answer. Nang matapos kaming kumain ay pinahatid niya na ako sa driver namin pauwi sa bahay.
Pag-dating ko sa kwarto ko ay agad akong nagpalit ng damit. Bigla ko namang naalala ung t-shirt ko na nilabhan ni Kyronn. Agad ko itong kinuha sa paper bag at inamoy. Damn! Kaamoy niya! Mukhang nilagyan niya pa ng pabango niya ito dahil amoy panlalaking pabango. Hindi naman masyadong matapang, sakto lang. Hindi rin masakit sa ilong ung amoy.
It's our T.L.E time kaya naman nakikinig lang ako kay Ma'am Eunice. About sa business ang topic namin kaya naman naging interesado ako. Balak ko rin kasing magtayo ng business just in case na wala akong mapiling trabaho sa future.
"Pizarro, aware naman siguro kayo na hawak ko rin ang Cervantes. I will partner you with them in this activity. By pair ito. I already informed Cervantes about this and they all agreed." Ma'am Eunice explained to us. Sana si Kanaia ang kapartner ko, please. Mahinang dasal ko.
"Here's your partner..." Hinintay ko namang matawag ni Ma'am ang pangalan ko, pati na rin kung sino ang kapartner ko. "Kanaia Laivien Maruscieh and Zaffren Arkiel Servantes." Bumaba naman ang balikat ko nang marinig 'ko kung sino ang kapartner ni Kanaia. She's paired with our escort, Arki. "Sevreol Kyronn Zunarez and Kassandra Callieleigh Leaxcon." Hindi ko alam kung magpapasalamat ba ako o kakabahan dahil siya ang kapartner ko. Nang tignan ko naman si Seren at Kys ay nang-aasar silang nakatingin sa akin.
"Sanaoll kapartner si crush." Bulong saakin ni Celest kaya inirapan ko siya.
"This is your activity. Mag-iisip kayo ng pwede niyong ibenta rito sa school sa Martes. Pwedeng foods, things or etc. Pwede rin ang services, kung ano ang gusto niyo. Sa martes pa kayo magtitinda, so you still have 3 days to prepare. That's all, good bye 9-Pizarro."
"Goodbye, Ma'am Eunice!" We all said.
"'Di ko kilala kapartner ko!" Seren hissed. Tinawanan lang namin siya ni Kys. Si Kys kasi, ang kapartner niya ay ung dati naming kaklase kaya kilala niya.
"Good luck, guys! We can do this!" Celest cheered us up.
YOU ARE READING
Oblivious
RomanceKassandra never thought that she can move on from her long time crush, not until Kyronn entered her life