21

71 0 0
                                    

I'm currently here in my condo unit. Wala akong trabaho ngayong biyernes hanggang linggo dahil gusto kong maghanda para sa pagpunta ko sa Children's Center. Once a month kong ginagawa 'to, kaya dinadamay ko na rin ung mga kaibigan ko para mas malaking pondo ang ma-idonate namin.

To Aurora:
Hi, sis! As usual, pupunta ako sa Sunday sa Hope Children's Center? Sasama ka ba?

From Aurora:
Of course! Nakabili na ako ng mga toys para sa mga bata

To Aurora:
Thank you, sissy! Love you!

From Aurora:
Love you too! See yah😉

Napangiti naman ako dahil do'n. Naging hobby na namin ang pagtulong sa center na 'to kaya alam na nila ang day kung kailan kami pupunta. Every third Sunday after 2 months, kaya naman kinacancel nila ang kanilang trabaho para dito.

To Hade:
Pupunta ka sa Sunday?🥺

From Hade:
Of course! Bakit ba ganiyan emoji mo?! Kadire ka!😞

Malakas naman akong napatawa dahil do'n. Makasabi ng kadire, jejemon din naman ng emoji niya!

Nag-chat na rin ako sa sa GC naming apat.

Me:
Don't forget! Sa Sunday na....

knaimra:
I'm going. Don't worry...

kzmvian:
Me too! Ako na sagot sa pagkain ng mga bata

sren_c:
Pupunta rin ako!

Nang magsabado ay naging abala ako sa paghahanda. 9 AM ay dapat nandoon na kami sa Center para maagang makapagsimula. Nagready ako ng mga gamit para sa activities na gagawin, gaya ng painting. Hinanda ko rin ang mga papremyo para sa mga palaro na gagawin namin.

Nang makagraduate ako ay roon ako nagsimulang tumulong sa center na 'yon. May isang worker kasi roon na nakabungguan ko sa labas ng supermarket. Nagmamadali siya no'n kaya naman inalok ko siyang ihatid kung saan ang punta niya. Roon ko natuklasan ang center na 'yon. Nakita ko kung gaano karaming bata ang naglalaro sa loob. Dahil nga wala akong kapatid, na-engganyo akong makipag-interact sa mga bata. Sobrang saya naman ng namamahala sa center na 'yon, dahil sa wakas, nadagdagan ang mga tumutulong sa kanila.

Nang matapos akong mag-ayos ng gamit, naligo na ako dahil gusto kong magshopping ngayon. Nagsuot lang ako ng highwaisted wide pants at black croptop. Pinartneran ko ito ng white Gucci sneakers at chanel shades. Nilugay ko na lang din ang mahaba at maalon kong buhok para matakpan ang mukha ko at walang makakilala saakin.

Kumain muna ako sa isang restaurant sa mall, bago pumunta sa Versace para mamili ng bag.

Nakuha ng isang black bag ang attention ko kaya agad ko itong pinuntahan. Akmang kukuhanin ko na ito nang may isang kamay pa ang humawak sa bag.

"Excuse me, Ms! Nauna ako!" Iritang sabi ni Kate. Yes, Kate is here. Ung babaeng nalilink kay Kyronn. She's a daughter of a famous businessman.

Lihim naman akong napairap dahil sa boses niya. Napakatinis! Ang sakit sa tenga.

"There's so many bags in here. Maghanap ka na lang ng iba. Ako ang nauna dito." Mahinahong sabi ko. Ayokong magkaroon ng scandal dahil makakaapekto sa image ko. Ung babaeng nasa harap ko kasi, walang hiya.

ObliviousWhere stories live. Discover now