"Anong order niyo? Ako na lang pupunta sa counter." Presinta ni Aurora nang maka-upo kami. Habang papunta kami rito kanina ay pansin ko ang pag-iwas sa akin ni Kyronn. Remember Kass, your TLE project is already done! Wala ng dahilan para kausapin ka niya!
"Pepper Steak, fries and mcfloat sa amin ni Seren." Sagot ni Kanaia.
"Fried chicken, fries, cheeseburger and mcfloat na lang sa akin." I answered. Hindi kasi ako nakapagrecess kanina, kaya nagugutom na ako.
"Mine is Cheese burger, fries and mcflurry." Kys answered. As usual, hindi na naman siya nagkanin.
"Kayo, Yanie, Gela?" Tanong ni Aurora sa kanila.
"Chicken fillet ala king, crispy chicken sandwich and sundae ang sa amin ni Yanie." Sagot ni Gela. After nilang kunin ang order namin ay pumunta na sila sa counter. Kasama ni Aurora si Kyronn umorder.
"It's you pala...." Nagawi ang tingin namin kay Yanie nang magsalita siya. She's looking at me while smiling.
"Pumunta kasi kami ng auditorium kahapon, napanood namin ung performance niyo." She stated.
"Yeah.... Nakita ko nga kayo. Kaso after ng performance namin, umalis na kayo." I said. This is the first time that I'm going to have a conversation with them!
"Oo nga eh. Si Kyronn kasi biglang umalis. Ewan ko kung anong nangyari do'n. Tinanong namin siya, but he said na gusto niya nang umuwi. Mag-aayang manood ta's biglang aalis, tsk! " Asik niya. Bigla namang kumabog ang dibdib ko. So siya ung nag-aya manood? But why? Hindi naman siguro dahil sa akin, diba?
"May friend ba kayo do'n, kaya kayo nanood?" I asked, hopefully na ako nga ung pinunta niya do'n.
"Wala, kaya nagtataka kami sa kaniya." Yanie answered.
"Well, that's new... " Gela said with confused face. Don't assume, Kass. Sabi ng utak ko.
Naiwan kami nila Kys, Kanaia at Seren sa table dahil pinuntahan ng dalawa sila Kyronn para tulungang kuhanin ung order namin.
"Sino kaya ang pinunta ni Kyronn kahapon?" Kanaia asked with a teasing face. Inirapan ko sila, pero sa loob-loob ko, kinikilig ako.
"Don't assume, guys." I calmly said. Say that to yourself bitch!
Natigil ang usapan namin nang dumating na sila Aurora. Naka-upo na silang lahat, pero wala pa rin si Kyronn. Mukhang siya ang kumuha ng huling order namin.
Nagbasa muna ako sa phone ko habang naghihintay. Sabi kasi ni Aurora, hinihintay pa ni Kyronn ung chicken fillet.
Natigil lang ang pagbasa ko nang umupo si Kyronn sa tabi ko. My breathing stopped when our legs touched. Ung katabing seat ko na lang kasi ang available, kaya no choice siya kung hindi umupo sa tabi ko.
Napansin ko ang palihim na pagpipicture ni Kys sa amin kaya bahagya akong ngumiti. Katapat ko kasi si Kys at Seren, samantalang ung nasa kabilang tabi ko naman ay si Kanaia. Akmang kukunin ko na ang pagkain ko nang unahan ako ni Kyronn at inilapag iyon sa tapat ko.
"T-thank you." I whispered, enough for him to hear. Tumango lang siya at hindi na nagsalita.
"Grabe! Ang hirap ng lesson namin sa Math kanina. 6/10 nga lang ang nakuha ko do'n eh." Kanaia hissed while we're eating.
"Buti nga sa inyo, face to face math niyo. Ung sa amin online, kaya medyo nahihirapan ako." I said. It's really hard to be honest. Nagpapatulong ako minsan kay Kys kapag hindi ko masyadong naintindihan ung solutions.
YOU ARE READING
Oblivious
RomanceKassandra never thought that she can move on from her long time crush, not until Kyronn entered her life
