15

59 2 0
                                    

"Well, you're lucky! You can apply sa agency na pinasukan ko. Naghahanap kasi sila ng mga bago. Don't worry, kasama mo naman ako eh. Tsaka magsstart 'yon sa sembreak." Aurora said. We're here in the cafeteria, eating lunch. Nagtanong kasi ako sa kaniya kung saan ba ako pwedeng mag-apply as a model.


"Tsaka sasamahan kita sa audition mo, I got you!" I just smiled at her statement.


"Thank you! I owe you this." She just giggled of what I said.


"No worries." She assured me. Finals na namin kaya naman sobrang busy namin. One week na lang naman, sembreak na, kaya kaunting tiis na lang.


Nang maka-uwi ako sa condo ay nagpadeliver na lang ako ng pagkain dahil mukhang gagabihin si Kanaia ng uwi. Tinatamad din akong magluto dahil mas uunahin ko ang pagrereview for the coming exams.
Napatingin ako sa phone ko nang tumunog ito. Kyronn's calling so I answered it.


"Hello? Why did you call?" I ask him while smiling like an idiot.


"Did you already have your dinner?" He asked.


"Nagpadeliver na ako. Ikaw ba?" Narinig ko naman ang pagbuntong hininga niya.


"Not yet. Marami kasi akong ginagawa. Pa-uwi na ako sa condo, so don't worry." He assured me.


"Okay, just make sure to take care of yourself. Malapit na sembreak. We can spend more time together." I heard him chuckle on the other line.


"I can't wait, amor. Continue what you're doing. I'm hanging up." I bid a goodbye before he hang-up.


Our finals ended peacefully. Mukha namang maganda ang makukuha kong grades this sem dahil matataas naman ang nakukuha kong scores sa mga group projects, activity and quizzes.


Dahil kakatapos lang ng finals, nag-aya sila Kys na kumain sa restaurant. Nagpasundo na lang ako kay Kyronn sa school para sabay na kaming makarating sa restaurant na napag-usapan.


"Kailan audition mo?" He asked while driving. His other hand is holding mine.


"Sa monday na. Kinakabahan nga ako." I answered. He planted a soft kiss on the back of my hand before squeezing it.


"You got this, Kass. I'm very proud of you." He smiled at me. Gusto niyang sumama sa audition ko sa lunes kaya naman pinayagan ko na. Makakatulong siya para mabawasan kahit papaano ung kaba ko.



Nang makarating kami sa restaurant, si Xio at Kys na lang ang hinintay namin. Medyo nalate sila dahil naabutan sila ng traffic. Medyo malayo kasi ang school nila.


"Guys, we deserve to be relaxed. Punta kaya tayo ng Boracay?" Kys suddenly suggested while we're eating. Napakagastos talaga ng babaeng 'to.


"Kailan ba?" I asked. Well, she's right naman eh.


"Maybe on Wednesday? Tas uuwi tayo ng Friday." Sumang-ayon naman kaming lahat sa kaniya.


Magpapaalam na lang ako kila Mommy bukas, tutal doon naman ako uuwi ngayon dahil Friday.
Bale ang kasama namin is sila Kys, Xio, Seren, Kanaia, Arki, Aurora and Yanie. Ngayon na lang ulit kami makakapagbakasyon nang sama-sama dahil ang last time na nagbakasyon kami is nung after graduation namin as senior high.


Nagising ako dahil sa sakit ng puson ko, kaya kahit nahihirapan ay pumunta ako sa CR para maglagay ng pads. Agad kong inutusan sila Yaya na magpakulo ng tubig para sa hot compress. I really hate having my period because it hurts like hell! Hindi ako makatayo sa sobrang sakit pero pinipilit ko pa rin.


Nang dumating sila ay nagdala na rin sila ng almusal. After kong kumain ay naghanap na lang ako ng movie na pwedeng panoorin dahil hindi naman ako makakakilos.


I suddenly crave for takoyaki and milktea, kaya naman tinawagan ko si Kyronn para dalhan ako. He's already used for being my food delivery service everytime that I'm having my period. Clingy kasi ako everytime na dinadatnan ako, pero madali ring magalit.


Nang mag-ala-una ay dumating na siya. Hindi lang takoyaki at milktea ang dala niya, meron ding pizza and donut. He kissed my forehead before he sat on my bed. Agad kong kinain ang binili niya, habang siya naman ay bumaba para palitan ung hot compress ko.


"Masakit pa ba?" He suddenly asked while we're watching a movie. My arms are around his waist, while my head is resting at his chest. His arms is also wrapping around my waist.


"A little bit, but I can handle it now." I assured him. Mabuti na lang at every fisrtday lang sumasakit ang puson ko dahil may audition pa ako sa Monday.
Nang maggabi na ay bumaba na kami para mag-dinner. Mom and Dad is already in the kitchen, waiting for us.


"Mommy, magboboracay pala kami this Wednesday, kasama sila Kys. Sa Friday pa uwi namin." I informed them while we're eating.


"How about your audition?" Dad asked me.


"Sa Monday po 'yon, pero kung makukuha man po ako, sa Sunday pa po ang start ko." I answered as they nod.


"By the way Kyronn, how's your company doing?" Dad asked Kyronn. Nilunok niya muna ung kinakain niya bago sumagot.


"Okay naman po, at walang nagiging problema." He answered. Simula Grade 9 kami ay alam na ng parents namin ang nangyayari between us. They just supported and always advising us. Si Tita Kisses naman ay tuwang-tuwa nang malaman 'yon. She's always inviting me at their house kapag wala akong gagawin. Ung Daddy naman ni Kyronn ay okay lang din sa relationship namin. Mukhang strict ung Daddy niya, pero mabait naman.


Nang maglunes ay sinundo ako ni Kyronn sa bahay para pumunta sa agency na pinapasukan ni Aurora. Nakapagpasa na ako ng mga requirements through online para less hassle.


Nang makarating kami roon ay agad akong kinabahan. Mukhang naramdaman naman iyon ni Kyronn kaya hinalikan niya ang likod ng palad ko.


"I'm here, don't be nervous. You can do this, amor." He whispered as he hugged me. After I calmed down, pumasok na kami.


Puno ng cameras at mga tao ang studio kaya bumalik na naman ang kaba ko. I breathed in and breathed out before going at the center. They asked me of different poses na agad ko namang ginagawa. Nang medyo nasanay na ako ay hindi na ako kinabahan.


"Great job, Kassandra! You're a first timer but look at you! You're shining already!" The gay director said with a smile. Kumalma naman ako dahil do'n.


"Thank you po!" I said while smiling. I didn't expect that I'm that good!


"You know, hija? Maraming kukuha sa'yo at pag-aagawan ka once na sumikat ka! You're so pretty and gorgeous. By the way, start tayo sa Sunday. You're perfect for us!" He complemented.


After no'n ay umalis na kami ni Kyronn. I'm smiling from ear to ear because of that, gosh!


"I told you, you're fit for that." He chuckled.


"Thank you, love! I love you always." I said then kissed his cheeks while driving.


"I love you more, mi amor!" He said with sincerity.

ObliviousWhere stories live. Discover now