Sinamahan kami ni Jade sa garden ng center dahil naroon na ang mga bata. Their faces lit up when they saw us. Agad silang nagsilapit sa amin nang mababa na namin ang mga kahon na may lamang mga regalo para sa kanila.
"Ate Kass! Namiss ka po namin!" Bungad sa akin ni Ria. Siya ang batang pinakamalapit sa akin. Lagi niyang kasama si Louis na kaibigan niya, pero madalas silang mag-away. Parehas silang pitong taong gulang na.
"Namiss ko rin kayo!" Lumuhod ako para yakapin sila. Hindi ko sinasadyang mapatingin kay Kyronn na seryosong nakatingin sa amin. Ngumiti siya nang tipid sa akin, ngunit hindi ko sinuklian.
"Ate Kass, sino ung bago niyong kasama? Ang pogi niya po kagaya ko!" Bibong sabi ni Louis kaya napairap si Ria.
"Ang layo kaya! Siya may buhok, ikaw wala!" Pang-aasar naman ni Ria.
Mukhang nagpagupit nga si Louis, dahil ang huling punta ko rito ay may buhok pa siya.
"Ano naman?! Tutubo rin kaya ito!" Nakangusong sabi ni Louis kaya mahina akong natawa.
"Oh, sige na, tama na yan. Magsstart na ang program, maupo na kayo." Nakangiting utos ko sa kanila na agad nilang sinunod.
Si Kanaia ang speaker namin ngayon. Salitan kasi kami everytime na pumupunta kami rito. Nung nakaraan ay si Seren ang speaker, kaya si Kanaia naman ngayon.
"May bago tayong kasama ngayon mga bata! Excited na ba kayong makilala siya?" Masayang tanong ni Kanaia sa kanila. Agad namang sumang-ayon ang mga bata. "Please welcome our new friend, Kuya Kyronn!" The children clapped their hands when Kyronn stood up on the front.
"Hello, kids! I'm Kuya Kyronn, and nice to meet you all." He said in a soft tone. Halatang nahihiya siya dahil napaka-ikli lang ng sinabi niya.
"Madalas na natin siyang makakasama ngayon mga bata kaya kausapin niyo siya, ha?" Sabi naman ni Kanaia na ikinatango ng mga bata.
Nagbasa muna si Aurora ng dalawang kwento. After niyang basahin ang kwento ay nagtatanong siya sa mga bata, at kapag nakakasagot sila ay binibigyan niya ng premyo.
"Ang pangalawang laro naman natin ay newspaper dance! Humanap kayo ng partner niyo at lumapit kayo sa akin. Kasama rin syempre sila Kuya at Ate!" Nanlaki naman ang mata ko dahil do'n. Wala naman sa pinag-usapan 'to ah! "Mga bata, bawal niyong partneran sila Ate at Kuya ah? Dapat kaibigan niyo ang partner niyo, ung kapwa niyo bata." Paalala sa kanila ni Kanaia. Kaniya-kaniyang hanap naman sila ng kapartner nila.
Si Yanie at Aurora ang magkapartner. Si Xio naman ang kapartner ni Kys. Agad kong hinanap si Hade para ayain siya, pero nakita ko siyang kasama si Kanaia!
"Hoyyy, Hade! Tayo magkapartner!" I demanded, pero agad na humarang sa akin si Kanaia.
"Sorry, sis, nauna ako. Bawal mong maging partner si Seren kasi siya ang maglelead sa game." Nakangiting sabi ni Kanaia na halatang nang-aasar.
"Gago ka talaga, Kanaia!" Natatawang sabi ni Hade at napailing pa.
"Eh sinong kapartner ko? Bata?" Nagtatakang tanong ko sa kanila. Nginuso naman ni Kanaia ang nasa likod ko kaya napalingon ako do'n. Nanlaki ang mata ko nang makita ko kung sino ang gusto nilang ipartner sa akin.
"No way, Kanaia!" I slightly pinched her kaya napaaray siya.
"Kailangan sumali kayo. Bahala kayo, magtatampo sila." Turo niya sa mga bata na nakatingin sa amin. "Kyronn, partner kayo ni Kass, okay lang ba?" Walang hiyang tanong niya kay Kyronn. Seryoso ang mukha niya, pero tumango siya.
Wala na akong nagawa kun'di ang pumunta sa gitna kung nasaan ung dyaryo namin. Patay talaga sa akin ung dalawang 'yon mamaya!
"Okay, guys! Let's start our game. Kung sino ang mananalo sa mga bata, may premyo kayong laruan! Kung sino naman ang mananalo sa matanda, may premyo kayong 50k! Si Kyronn mismo nagsponsor niyan!" Natatawang sabi ni Seren.
YOU ARE READING
Oblivious
RomanceKassandra never thought that she can move on from her long time crush, not until Kyronn entered her life