Nakarinig ako ng busina sa tapat ng gate namin kaya naman dali-dali akong bumaba dala ang maleta ko. Nang makalabas ako ay tanaw ko na ang itim na van nila Xio. Si Xio ang nagdadrive, habang si Kys naman ay nasa front seat. Agad akong pumwesto sa tabi ni Kyronn sa bandang likod ng van. Nakita kong nakareserve na ung upuan sa tabi niya, na katabi rin ng bintana. He knows that everytime na sumasakay ako sa sasakyan ay gusto kong sa tabi ng bintana nakapwesto. Katabi naman niya si Aurora sa bandang kanan niya.
"Mukhang hindi mo ma-eenjoy ung Boracay because of your period." Kyronn said, then slightly chuckle. Agad ko siyang iniripan at hindi pinansin. Iyon din ang iniisip ko kahapon! Kahapon pa masama ang timpla ko dahil sa period ko na sagabal! Pero I'm sure na bukas wala na 'to dahil five days lang ang period ko.
Alasnuebe ang flight namin, kaya naman alasyete pa lang ay nasa airport na kami. Doon na rin kami nag-almusal dahil maaga pa at wala pa kaming kain.
Si Kanaia at Yanie ang katabi ko sa eroplano. 1 hour and 10 minutes ang flight namin, kaya naman sa buong byahe ay suot ko ang earphones ko.
Kami ni Kyronn ang magkasama sa hotel room, si Xio naman ang kasama ni Kys. Magkakasama naman sa iisang room sila Seren, Kanaia, Yanie at Aurora. Habang solo naman si Arki.
Napagplanuhan namin na mamayang 12 maglunch. After no'n ay magswiswimming na sila. Bukas namin gagawin ang mga activities dito sa Boracay dahil nga bukas pa ako available.
I decided to wear my brown off shoulder beach dress. While Kyronn is wearing a brown beach polo and black shorts. We're both wearing a sunglasses nang bumaba kami para kumain.
Puro seafoods ang kinain namin dahil minsan lang kami makakain ng fresh seafoods. Kanaia is allergic to shrimp, kaya naman puro isda at crabs ang kinakain niya.
"Guys, bukas I will try to find kung may available na party yacht. So umaga, puro activities tayo. Then sa tanghali, sa party yacht tayo. Bibili ako ng maraming alcohol, don't worry." Aurora said. We all agreed to her dahil maganda ung plano niya.
After we ate, nagpicture muna kami. Naging photographer ung boys dahil sa amin. Natagalan kami sa pagpipicture dahil sinigurado namin na marami kaming mapopost sa IG. Nakisuyo naman kami sa isang turista na picturan kami for group photo.
"Akala namin hindi niyo kami isasama." Reklamo ni Xio kaya inirapan namin siya. "Nakakapagod din kayang maging photographer, tapos ung pose niyo paulit-ulit naman." He hissed. Alam 'kong nagbibiro lang 'yan. Napaka-arte, tsk!
"Tatahimik ka riyan o uuwi kang single?" Kystré coldly asked. Lihim naman akong napatawa dahil kita ko ang paglunok ni Xio.
"Babe, I'm just kidding! Kahit na maghapon kang magpapicture sa akin gagawin ko." Xio said in a gentle tone, then he holds Kystré's waist.
Nasa cottage lang ako at nag-iscroll sa IG. Bago sila nagswimming ay pinost muna namin ung pictures. When I stalked Kyronn's IG, puro pictures ko ung post niya. Kung magpopost naman siya ng picture niya, kasama ako lagi.
Ang unang post niya is nung nakagraduate kami as Junior High. Maraming nagcomment na kaklase niya at kaklase ko dahil sa gulat. They didn't expect it, though. Ito ung picture ko na nakatoga.
kyronn_s: LEAXCON KASSANDRA CALLIELEIGH, With High Honors. So proud of you, mi amor.
Napangiti na lang ako nang makita ko ang unang post niya. I'm so happy that time because of him. I also posted his picture, same as mine. Parehas din kami ng caption, kaya naman talagang ang daming nagchat sa akin na kaklase ko at nagtatanong. Hindi ko nireplayan lahat because they don't have any concerns about it.
Sadyang chismosa lang sila."You okay here, amor?" I turned my gaze to Kyronn. He's wiping his hair with white towel, halatang kakaahon lang galing sa dagat. Kami lang ni Kyronn ang nasa cottage dahil lahat sila ay naliligo.
I smiled at him, then nodded. "Yes, magbabanlaw ka na?" I asked him. He shook his head, sign of disapproval.
"I'm just checking you." He answered, which made me smile.
"Baka maging tan ka niyan, love." I chuckled, causing him to frowned.
"Are you going to break up with me if my skin gets tan?" He asked confuse, making me to giggle.
"Of course not! But I know white skin suits you more." I assured him. I saw how his ears turned read kaya napatawa ako nang malakas.
"Stop teasing me, Kass!" He said in annoyed tone.
"Okay, okay. Balik ka na do'n!" Pagtataboy ko sa kaniya. He kissed my forehead, before running back to the shore.
Kinabukasan ay wala na ang period ko, kaya naman ginawa na namin ang mga activities na gusto naming gawin.
Ang una naming ginawa ay Jet skiing. Sumunod naman ang Banana boating. Tawa kami nang tawa dahil nahulog si Xio, kaya naman sinama niya si Kys sa pagkakahulog niya.
"Dapat sabay tayong mahulog, kaya dinamay kita!" Pangangatwiran ni Xio kay Kys, na ikinairap nito. He really likes making Kys pissed off!
After ng banana boating ay Parasailing naman ang sinunod namin. At ang last na ginawa namin ay scuba diving. Bukas ay bibili na lang kami ng mga pasalubong at mag-iikot sa Isla.
Nagpalit na ako ng black one-piece, na pinatungan ko ng highwaisted shorts dahil pupunta na kami sa party yacht. For sure maraming alak ang binili ni Aurora. Siya lang naman ang malakas sa alak sa aming tropa.
Nang makompleto kami ay agad na pinaandar ang yacht. The boys are playing cards, while the girls are starting to take a shot. Cocktail ang una naming ininom dahil magswiswimming pa kami kaya ayaw naming magpakalasing. Aurora, Yanie and Kanaia are already at the yacht pool, swimming. Ako naman ay pinuntahan ang boys para tignan.
They are all holding a cards, while there's a whiskey on their table. When Kyronn saw me, he tapped her thighs, encouraging me to sit on his lap. Nang makalapit ako sa kaniya ay dahan-dahan niya akong hinila paupo sa gitna ng hita niya. He's spreading his legs, so that I have a space to sit. Mukha namang walang pakealam sila Arki dahil patuloy pa rin sila sa paglalaro. His one hand is holding my waist, while the other one holding the cards.
Kyronn won the game, so I decided to go back at the yacht deck. I'm sure that the girls are already finding me. Sumunod naman sa akin sila Kyronn dahil gusto na rin nilang magswimming. Wala atang kasawa-sawa sa tubig.
"Kass, picturan ko kayo ni Kyronn dali!" Aurora said while holding a camera. Agad naman akong humarap kay Kyronn at pinalupot ang mga braso ko sa batok niya. He put his arms around my waist, then he pulled me closer. We're just smiling and staring at each other, while Aurora is taking a picture of us.
"Kyronn, you should kiss her! I'm sure maganda sa camera 'yon!" Aurora shouted at us. I closed my eyes when Kyronn started to kiss me. I just followed how his lips moved. It's a soft and full of love kiss.
"Perfect!" I heard Aurora shouted.
"I love you, Kass!" Kyronn whispered, then he gave me another smack kiss.
YOU ARE READING
Oblivious
RomanceKassandra never thought that she can move on from her long time crush, not until Kyronn entered her life