"Bakit 'di mo man lang sinabi sa akin na si Kyronn pala ung client mo?! Kumukulo na naman ang dugo ko, bwiset!" Gigil na sabi ko kay Hade habang kumakain kami sa fastfood. Hindi namin kasama si Kanaia dahil may duty siya. Ngayon ko ilalabas ung sama ng loob ko sa kaniya, dahil kaninang umaga ay nasa simbahan kami. Ayoko namang magkasala agad. Pero dahil sa bwiset na lalaking yon, nagkaroon na naman ako ng kasalanan!
Dito namin naisipang kumain pagkagaling sa simbahan dahil talagang nagugutom na kami, at ito ang pinakamalapit na kainan.
"Hindi ko naman alam eh! Ung secretary niya ung naka-usap ko nung nakaraan, kaya akala ko, secretary niya ulit ung makakameeting ko." He said while laughing softly so I rolled my eyes. Bwiset talaga 'tong lalaking 'to, nang-aasar pa! "Masyado ka namang affected Ms. Leaxcon.
Napaghahalataan tuloy na 'di ka pa nakamove-on.""Kagagaling lang natin sa simbahan, Hade. Huwag kang gumawa ng dahilan para magkasala ako!" I hissed, causing him to laughed harder. Napailing na lang ako dahil do'n. Bipolar talaga!
After naming kumain ay hinatid niya na ako sa bahay. Wala akong nakaschedule na work ngayon kaya malaya akong nakakapaggala nang walang iniisip.
From Bella:
May nakaschedule kang photoshoot bukas for magazine cover. 9 AM 'yon sa G photographic studioMe:
NotedWala akong ginawa maghapon kun'di ang magbasa. Minsan ko na lang kasi gawin 'to dahil nga lagi akong busy, kaya sinusulit ko na.
Kinabukasan ay dumeretso muna ako sa coffee shop na malapit sa studio dahil hindi pa ako nag-aalmusal dahil nalate ako ng gising. Masyado kasi akong nag-enjoy sa libro na binabasa ko kaya napuyat ako.
"One cappuccino and one dark chocolate cake." I said at the cashier while looking for my wallet at my bag.
"450 po lahat ma'am." Sagot ng cashier. Kinakabahan pa ako dahil hindi ko makita ung wallet ko sa bag ko.
"Wait lang, miss, I think I forgot my wallet. I'll call someone." I said while smiling so she nodded. Tatawagan ko na sana si Bella para puntahan ako dito, pero may nagsalita na sa likod ko.
"It's on me. And add 1 Latte, that's all." Nanigas ako nang marinig ko ang boses niya.
"Bale 600 po sir, kasama po ung order ni ma'am." Hindi ko na napigilan si Kyronn nang maibigay niya na ang pera kaya inis akong lumingon sa kaniya.
"You don't need to do that. I can pay for myself!" I hissed then rolled my eyes. Bwiset na 'to! Bakit ba nandito 'to, eh ang dami-daming coffee shop dito. Bakit dito pa siya pumunta?!
"Why don't you just say thank you, instead of scowling me." He scoffed, looking directly at my eyes. Hindi ko kayang tumitig ng matagal sa kaniya kaya inirapan ko siya.
"Whatever!" I said, leaving him at the counter to find a seat. Nang maka-upo ako ay nakatitig pa rin siya saakin nang 'di makapaniwala.
Why would I say thank you? Eh hindi ko naman sinabing bayaran niya. Bida-bida kasi.
"Here's your cappuccino and dark chocolate cake, ma'am. Enjoy!" The server said, so I smiled at her. Nakita ko naman ang paglabas ni Kyronn sa coffee shop nang makuha niya na ang order niya.
Binilisan ko lang ang pag-kain dahil 8:10 AM na. Sumama lang araw ko dahil sa lalaking 'yon. Basta nakikita ko siya, laging kumukulo ang dugo ko!
After kong kumain ay pumunta na ako sa studio. The workers greeted me when I entered with admiration. Their eyes were sparkling while looking at me. Well, it's my first time to be in this studio, maybe that's why they are shock.
"My god, Kass! Bakit ngayon ka lang? Aayusan ka pa oh!" Bungad saakin ni Bella nang makapasok ako sa dressing room.
"Sabi mo 9 AM, 8:40 pa lang oh." I said while looking at my watch. She just rolled her eyes at me kaya mahina akong natawa.
"Dapat pala 8 AM ang sinabi ko." She hissed. Agad akong inayusan ng mga make-up artist dahil malapit nang magstart ang photoshoot.
The photoshoot went smoothly. As usual, the director was really impressed.
"I'm sure na bebenta itong mga magazines! Ang ganda ng nasa cover eh!" The director said while smiling widely. I just chuckled and thanked him.
"How is it going?" Napalingon kaming lahat sa babaeng nagsalita. My eyes widened when I saw her again!
She's still pretty, brown and long haired, and has a white skin. She's wearing a black fitted skirt with white blouse, partnered with black coat and white stilleto."Oh my gosh, Gela! It's nice to see you again." I exclaimed. She just laughed softly and walked towards me. Nakipag-beso siya sa akin kaya napangiti ako.
"Same here, Kass. You're really pretty! Mas lalong lalago ang negosyo ko dahil sa'yo." She joked. Dahil sa sobrang gulat ko ay hindi ko napansin na kasama niya pala si Kyronn. Some of the girls staff are looking at him with admiration. Hindi ko na lang sila pinansin dahil naiinis ako. Akala mo naman first time makakita ng gwapo.
Wait, did I just call him handsome? Well, whatever!
"So you're the owner of this studio and the magazine publishing group?" I asked her. Busy naman ang iba sa pagliligpit, samantalang kami ay naka-upo na sa couch. Kyronn was sitting also with us.
"Yeah, ngayon lang kita kinuhang model kasi kababalik ko lang galing ng London. My mother was the one who's managing this while I'm away." Pagkwekwento niya, na ikinatango ko. " I want to have a longer conversation with you, but I have a meeting. Napadaan lang ako." Tumayo siya, kaya tumayo na rin kami ni Kyronn. Buti na lang at hindi ako nadidistract sa kaniya habang nakikipag-usap ako kay Gela.
"Maybe next time? When we're both free?" I asked, so she smiled. Hanggang ngayon, palangiti pa rin siya.
"Of course, I would love too. See you when I see you?" Paalam niya kaya tumango ako. Sumunod naman si Kyronn sa kaniya palabas kaya nakahinga ako nang maluwag.
Nagstay pa ako sa dressing room at natulog nang saglit dahil kulang ako sa tulog. Nagising lang ako nang tapikin ako ni Bella dahil lunch na. Inaaya niya akong kumain sa labas kaya pumayag na ako.
Habang palabas kami ay nakita 'ko si Kyronn na palabas din. Kaya kinalabit ko si Bella.
"May 500 ka ba riyan? Pahiram muna, nalimutan ko ung wallet ko." Nagtataka naman siyang tumingin saakin bago ibigay ung pera.
Tumakbo ako papunta kay Kyronn para maabutan siya.
"Hey! Here's my payment for my food." I said while handling the money. He arched his brow so I rolled my eyes. "Ayokong magka-utang sa'yo." I hissed.
Nang hindi niya tanggapin ang pera ay ako na ang kumuha sa kamay niya at nilagay ro'n.
Nang maibigay ko na sa kaniya ay umalis na ako nang walang paalam. I'm being rude, I know. But I can't help it!
"Ano 'yon? Ba't may paabot ng pera?" Nanunuksong tanong ni Bella kaya mas lalo akong nainis.
"Siya kasi nagbayad ng almusal ko. Ayoko namang magka-utang!" I answered as I rolled my eyes. Mahina naman siyang natawa dahil do'n.
"Sabi mo eh." She shrugged.
YOU ARE READING
Oblivious
RomanceKassandra never thought that she can move on from her long time crush, not until Kyronn entered her life