29

48 1 0
                                    


"What?!" Napatakip na lang ako sa tainga ko nang sabay-sabay silang sumigaw. Nandito ako sa isang restaurant sa mall kasama sila Kys, Kanaia at Seren. We're all free today kaya naman nagpasya kaming lumabas.


"OMG! So he's courting you again?" Parang tangang tanong ni Seren kaya mahina siyang binatukan ni Kanaia.


"Paulit-ulit? Kakasabi niya nga lang oh!" Napairap naman si Seren dahil do'n.


"Rupok mo, sis!" Sabi naman ni Kys bago sumubo ng pasta.


"What can I do? He already explained! And I still like him." Nahihiya kong sabi bago uminom ng tubig.


"Sino ba naman kasing hindi magkakagusto kay Kyronn? Gwapo na, mayaman pa. Plus the fact na malaki ang pinagbago niya. Dati hindi naman mahilig mag-gym 'yon. Ngayon ang laki ng muscles." Kanaia said na sinang-ayunan naman nila. That's true, though. Nung highschool kasi kami, feminine pa gumalaw 'yon eh. Ngayon, hindi mo mapapansin na minsan siyang naging bisexual.


After we ate, nagshopping naman kami. Isang bag at dalawang damit lang ang binili ko. Binilisan lang din namin dahil baka maraming makapansin sa akin.


When I entered my car, sakto namang tumunog ang cellphone ko. Kyronn is calling.


"Hello?" I answered.


"Heyy, where are you now?" He asked in a soft tone kaya naman napangiti ako.


"Pauwi na. Why?" Napabuntong hininga naman siya dahil do'n kaya napakunot ang noo ko. "Is there a problem?" I asked him.


"Nothing, I just miss you." Uminit naman ang pisngi ko dahil do'n. We didn't saw each other for one day dahil busy siya. Bukas pa kami magkikita dahil bukas ang lipad namin papuntang Italy. The fashion show will be held the next day.


"You're so OA. Magkikita naman na tayo bukas." Natatawa kong sabi sa kaniya. He said that we'll use his private jet dahil ayaw niyang humiwalay sa akin. Kahit sa hotel ay isang room lang ang kinuha niya. Hindi ko pa nga sinasagot, ganiyan na agad siya kumilos, tsk!


"I can't wait to see you." He said kaya naman napailing ako.


"Same here, Kyronn. Anyways, I need to drive na para maka-uwi na ako." Natatawang sabi ko sa kaniya.


"Drive then. Huwag mong patayin ang tawag, but focus on driving." Wala na akong nagawa kun'di ang magdrive. Hindi kami nagsasalita habang patuloy ako sa pagdadrive. He really wants me to focus on driving, huh?


When I arrived, tsaka na lang ulit ako nagsalita.


"I'm already here, Kyronn." I informed him.


"Okay, take a rest now. You can now hang up."


"Okay, bye! See you tomorrow."


"See you tomorrow. I love you." Natigilan naman ako sa sinabi niya kaya naibaba ko na ang tawag. My heart can't stop from beating so fast, damn it!


Kinabukasan ay si Bella ang sumundo sa akin. Gusto pa nga ni Kyronn na siya na lang ang manundo pero umayaw ako para kay Bella. She warned me about paparazzi kaya gusto niyang siya ang kasama ko.


"Be careful later, Kassandra. Sinasabi ko sa'yo! Ayoko ng problema." She warned me kaya naman napairap ako.


"Oo na! Sabi ni Kyronn, mauuna siyang pumasok sa private plane niya bago tayo sumunod para walang makahalata." I assured her kaya napabuntong hininga na lang siya.


ObliviousWhere stories live. Discover now