I didn't notice that I'm already crying in front of him. Mabuti na lamang at kami lang ang customer dito dahil masyado na ring late. Dalawa lang din ang staff na nandito na busy sa kanilang cellphone since wala namang dumarating na customer.
"I'm really sorry, Kass. Pinagsisisihan ko lahat." He said while sobbing silently. So he did that just for me? Nakipaghiwalay siya sa akin para hindi mawala ung career ko. All this time, nagtanim ako ng galit sa kaniya.
"I'm sorry rin. Lahat ng nangyari sa'yo, masakit." I said while holding his hands. After our break-up, wala na akong balita sa kaniya kaya hindi ko alam na patay na ang daddy niya.
"It's okay. It's all in the past now." He said before standing up. Nilahad niya ang kamay niya sa akin na agad ko namang tinanggap. "Let's go now. You need to rest." I just nodded at him before walking.
Hinatid niya naman ako hanggang sa tapat ng condo unit ko. My eyes widened when he suddenly kissed my forehead.
"Update me tomorrow." Lutang akong tumango sa kaniya na ikinatawa niya. After that, he left. Kaya agad akong naghugas ng katawan ko at nagbihis ng pantulog bago humiga sa kama.
kyronn_s.
Hey, I just got homeMy heart beats fast when I opened my internet. We didn't unfollow each other on Instagram, that's why we can still message each other. I stalked his account, wala namang pinagbago. Puro mukha ko pa rin ung nasa post niya na ang latest ay 7 years ago pa.
Me:
Good to know:)Kyronn_s.
Good nightMe:
Good nightNagheart react lang siya sa last chat ko. Mukhang kailangan ko na ngang matulog.
Kinabukasan ay nagising ako dahil sa doorbell. I brushed my hair first before I went to the door.
"Good morning po, ma'am!" Bati sa akin ng delivery man na may hawak na white tulips. Naguguluhan akong tumingin sa kaniya pero nakangiti lang siya.
"Sorry, baka mali po kayo ng unit na napuntahan." Umiling naman siya sa sinabi ko at ngumiti ulit.
"Nako, hindi po! Kayo po si Ms. Kassandra, 'di ba po?" Dahan-dahan naman akong tumango bago kunin ang bouquet. "Pakipirmahan na lang po rito." Sinunod ko na lamang siya bago pumasok sa loob.
Tinignan kong maigi ang bulaklak kaya napansin kong may nakaipit na letter card.
"Good morning, mi amor. Hope you like these. I'll see you later;)"
-SKZ
Napangiti na lang ako dahil do'n. What is he trying to do, huh? Is he planning to take me back?
Me:
I already received the flowers. Thank you!kyronn_s:
I'll pick you up later. Let's have a lunch. Are you available?Me:
Yupp... Nandito lang naman ako sa condo. Ako na lang pupunta.kyronn_s:
No, I'll pick you up. 12:00 nariyan na akoMe:
Okay, take care then!kyronn_s:
of course, for youNapailing na lang ako sa reply niya. Corny pa rin siya hanggang ngayon. But I don't care anyways. Pogi naman eh!
I just wear a beige trousers that I partnered with white top. Nagdala na rin ako ng cap just in case na maraming tao ang pupuntahan namin.
Nang magtwelve na ay nakarinig na ako ng doorbell. I excitedly get my purse before I went to see him.
He's in his usual attire. Black slacks and white long sleeves na nakatupi hanggang siko at bukas pa ang dalawang butones. He immediately smiled at me so I smiled back. He offered his hand na hindi ko naman tinanggihan.
As expected, mamahaling kotse na naman ang gamit niya. It's white Mercedes-Benz CLS. Ilan kayang kotse meron ang taong 'to?
"You don't have to worry about people. I reserved the whole restaurant for us." He informed me while he's driving. Nanlaki naman ang mata ko dahil do'n.
"K-kyronn, you don't have to do that. Okay lang naman kung may kasama tayo." I assured him pero hindi niya naman pinansin kaya napairap na lang ako. Parang dati lang sa fastfood pa kami kumakain ah.
"Yeah, but I'm worried. Especially that you're so famous now." He scoffed. Why is he suddenly being like this?
"What? Are you pissed or something?" I asked, clueless. Umiling naman siya habang seryoso pa rin ang mukha.
I just shrugged before checking my phone. Kailangan ko palang pumunta sa Italy after 2 days. May magaganap na Valentino Runway at isa ako sa mga model nila.After a minute, dumating na rin kami sa isang sikat na restaurant. Mukha ngang pinareserve ni Kyronn ang buong lugar dahil walang tao maliban sa mga staff.
"Good afternoon po, Ma'am, Sir." The manager greeted us. Ngumiti naman ako sa kaniya samantalang si Kyronn naman ay tumango lang.
Kyronn guided me to our seats. Pinaghila niya muna ako ng upuan bago umupo sa harapan ko.
"Kyronn, after 2 days pala aalis ako papuntang Italy. I have a runway to attend to." I informed him while we're eating.
"Can I watch?" He softly asked.
"Nevermind, I'll watch. I can buy a ticket." He proudly said kaya natawa na lang ako."You're a busy person, Kyronn." I shook my head before eating my chicken.
"I can make time for you. I'll finish all my works para maging free ako sa araw na 'yon." He assured me. I just felt that my heart is melting because of that. "But first, I want to clear things between us." Napa-angat naman ang tingin ko sa kaniya. Kinabahan ako dahil do'n.
Is he gonna pursue me? Or baka naman gusto niya lang ng closure?"I'm courting you again, Kass. I want us back. I want you. Wala namang naging iba maliban sa'yo. I just want to inform you that I'm all yours." He said with a sincere tone. I'm speechless because of that. I can't say anything!
"Oh.... uh.... I also want to give you a chance." I shyly said before looking down. Nag-init na lang kasi bigla ung pisngi ko! I heard his soft laugh kaya naman mas lalo akong nahiya.
"You're so cute, amor. But, thank you! Hindi kita bibiguin." He assured me so I nodded.
After that lunch, masaya niya akong hinatid sa condo ko. We're both genuinely happy because of each other.
"I'll text you if I have free time." He said before kissing my forehead. Pinapasok niya muna ako sa loob ng unit ko bago siya umalis.
YOU ARE READING
Oblivious
RomanceKassandra never thought that she can move on from her long time crush, not until Kyronn entered her life