Kinabukasan ay hinanda na namin ni Kyronn ang booth namin. Twenty five na stalls ang nakatayo, kaya marami kaming competitors. Naisipan naming itayo sa tabi ng Three Stop Shop ang stall namin dahil dito maraming dumadaan. Ako ang cashier, samantalang si Kyronn naman ang server. Sa kanan namin ay ang booth nila Kys, sa kaliwa naman ay ang booth nila Aurora. Ung kila Kanaia at Seren naman ay magkatabi lang din.
Minessage ko na rin ang iba kong kaibigan at kaklase dati para mamili sa booth namin. Ganoon din ang ginawa ni Kyronn. Pansamantalang sinara ang canteen ngayon, para marami kaming maging costumers.
"Two chocolate chips cookies and four brownies." Napaangat naman ang tingin ko sa nagsalita. I'm counting the money, that's why I'm not looking at the costumer lately. I'm shocked when I saw Hade. Sinabihan ko rin siya about sa business namin, pero akala ko hindi siya bibili rito, because magkaiba ang gate ng seniors sa juniors.
Si Kyronn naman ang nag-abot sa kaniya ng order nila. Bahagya pang nakakunot ang noo niya, kaya nagtaka ako.
"190 po lahat." Agad niya namang inabot ang bayad. "Thank you! Akala ko 'di ka bibili." I laughed softly.
"Well, nandito rin ang friends ko." Hade said, kaya agad na nagningning ang mga mata ko.
"We really appreciated it! Thank you!" I said sincerely. Hinintay niya munang makuha ng friends niya ang order nila, bago sila umalis.
"You're close?" Kyronn said, out of nowhere. I confusedly looked at him, then frowned.
"Not that much. Magka-church kasi kami, that's why." I said as he nodded. "Well, he's my crush dati... Share ko lang." I chuckled. Mas lalong kumunot ang noo niya. Ngunit nang mapansin niyang nakatingin ako sa kaniya ay mabilis siyang nagbago ng expression.
"Well, he's good looking." He commented. Don't you dare say na crush mo siya!
"Type mo?" Hindi ko mapigilang tanong. Napatigil naman siya sa ginagawa niya at tumingin sa akin nang hindi makapaniwala.
"No! What the hell?" Tumawa naman ako sa itsura niya. Halatang diring-diri eh. "Matagal na akong walang nagugustuhan, pero mukhang papunta na ako." I looked at him with confusion. What does he mean by that? Nabaliwala lang ang iniisip ko nang may dumating na costumer.
Natapos ang recess namin, kaya naman nagligpit na kami. Naubos naman ang tinda namin kaya malaki ang kinita namin. Ang kapital kasi namin ay 2,000, samantalang kumita kami ng 2,500, kaya may tubo kaming 500.
Nang mag-uwian ay dumeretso kami ni Kyronn sa Starbucks dahil gagawin namin ang report namin. Isang oras lang ang tinagal namin bago umuwi.
Mukhang bukas na ang last interaction namin ni Kyronn. After that, back to strangers again. Ayoko namang umamin sa kaniya dahil alam kong walang pag-asa. Mawawala rin naman siguro 'tong nararamdaman ko kapag nanawa na ako.
Naging successful ang reporting namin. Mataas ang score na nakuha namin kaya sobrang saya ko. Bukas kami magce-celebrate nila Kanaia dahil may band practice kami ngayon.
"Congrats!" Bati sa akin ni Kyronn habang nakangiti, so I smiled back.
"We did a great job!" I thumbs up, as we chuckle.
"We're going to celebrate tomorrow. Wan'na come?" He offered. Medyo nagulat ako dahil do'n.
"Kasama ko na kasi sila Kanaia eh, sorry." Pagtanggi ko. Mahina naman siyang tumawa kaya nagtaka ako.
YOU ARE READING
Oblivious
RomanceKassandra never thought that she can move on from her long time crush, not until Kyronn entered her life