"Ako core!" Sigaw ni Kanaia sa mic niya. We're playing ML because we don't have any assignments right now. Minsan lang 'to mangyari kaya sinusulit na namin.
"Lesley ako!" I informed them. Si Seren ang tank, si Kys naman ang Mage, si Kanaia ang Core, at si Vien ang fighter.
"Mga bobo!" Sigaw na naman ni Kanaia nang magsimula ang game namin. "Bubu kalaban! HAHAHAHA!" Tawa lang kami nang tawa dahil ang ingay ni Kanaia. She's always loud every time na naglalaro kami. I mean lagi pala.
"Naka-earphones ako kaya 'wag kang maingay." Reklamo naman ni Kys sa kabilang linya. Tinapos lang namin ang tatlong game at natulog na dahil may pasok pa bukas.
It's already September. Kys and Seren's birthday are coming so we're planning. Simula rin nung nagkasama kami ni Hade sa band ay madalas na kaming mag-usap.
"Let's just eat in Mcdo, then punta tayo sa Mall." I suggested. They agreed so it's settled. September 12 ang birthday ni Kys, samantalang si Seren naman ay 14. So we planned na magcelebrate sa 13. Next week pa iyon, kaya may time pa kami para magprepare.
"How many did you get?" I asked Kys and Seren. We just finished our long test in Spanish, and it's 50 items.
"I got 44. How about you?" Kys answered as she asked me.
"40. Ikaw Seren?" I asked Seren.
"39, nakalimutan ko magreview, bwiset!" Reklamo niya kaya mahina kaming natawa. "Nakalimutan ko rin ung Spanish ng backpack!" She hissed.
"Mochila 'yon." I said, then laughed softly. "Doon ako nahirapan sa "This weeks reading." Hindi ko nakabisa 'yon." Hindi ko naman kasi alam na kasama pala iyon sa test. Akala ko ung Gustos at Mismos Gustos lang ang itetest namin, kaya kampante ako.
"Parehas lang tayo." Seren said, then rolled her eyes.
Dumeretso na kami nila Kys sa auditorium nang mag-uwian. Miyerkules ngayon kaya may practice kami.
"I just noticed, hindi ka na nanonood ng game namin?" Hade asked when I sat beside him.
"Busy kasi." Maikling sagot ko na ikinatango niya. Bukod doon, hindi na rin kasi ako interesado. My feelings for him just faded away. Sabi nga ni Kanaia, baka raw nanawa na ako sa mukha niya dahil since grade 5 ay crush ko na siya. I just erased my thoughts and focused it on practicing.
Excited akong bumangon sa kama ko dahil ngayon ay September 13. Si Kys ang may sagot ng lunch namin at balak din naming maglaro sa timezone na si Seren ang may sagot. We're also planning to shop some things that we like.
"Gusto ko na agad mag-uwian." Bungad ko kila Kys nang makapasok ako sa room. Hindi namin makakasama si Celest dahil hindi siya pinayagan ng mommy niya.
"I'm so excited!" Mahinang tili naman ni Kys. "I'm good mood today dahil binati ako ni Xio kahapon. He also gave me flowers and necklace as a gift!" She giggled. Halata sa kaniya na sobrang saya niya nga.
Napatingin ako sa pintuan namin nang huminto si Kyronn doon at kinawayan nang bahagya ang secretary namin bago nagpatuloy sa paglalakad. He's wearing our uniform, black shoes and white backpack. Kaibigan niya rin ang secretary namin dahil madalas ko silang nakikitang nag-uusap sa tapat ng room namin.
"Ano order niyo?" Tanong saamin ni Kanaia nang makarating kami sa Mcdo. Sa taas namin napiling kumain dahil occupied na lahat ng seats sa baba.
"Dati pa rin." I said while reading on my phone. Ganoon din ang order nila Seren, maliban kay Kys na burger at fries lang.
Habang kumakain kami ay muntik na akong mabulunan nang makita ko si Kyronn kasama ang friends niya. Umupo sila sa katapat naming table kaya mas lalo akong kinabahan. Impit namang tumili si Kys na katabi ko lang kaya pinandilatan ko siya ng mata.
YOU ARE READING
Oblivious
RomanceKassandra never thought that she can move on from her long time crush, not until Kyronn entered her life