Maraming mga 9-Cervantes ang naghihintay sa labas ng room namin, dahil nauna ang uwian nila. Nakita ko naman si Kyronn na nakikipag-usap kay Yanie at Aurora habang naghihintay sa tapat ng room namin. Bahagya naman kaming nagkatitigan habang patuloy pa rin siya sa pagsasalita. Bumitaw lang ako sa titigan namin nang makaramdam ako ng hiya.
"Kapartner mo escort namin." I said in a teasing tone nang makarating ako sa tapat ni Kanaia. "Arki! Here's Kanaia, ung partner mo!" Mahina namang hinampas ni Kanaia ang braso ko kaya mas lalo akong natawa. "Best friend ko 'yan. Ikaw na bahala sa kaniya." Bilin ko kay Arki bago sila iwan. Nilapitan ko naman si Kyronn na nakikipag-usap pa rin sa mga kaibigan niya.
"Hi! Partner tayo, 'di ba?" Kunwaring clueless kong tanong na ikinatango niya.
"Yeah, Kassandra, right?" He asked me so I nodded. "Saan mo gustong mag-usap?"
"Kahit saan." I shrugged. My brows frowned when he suddenly laughed.
"So kapag sinabi kong sa tabi tayo ng basurahan mag-usap, okay lang sa'yo?" He asked, still chuckling. I made a disgusted face because of that.
"Eww! Why would you?" I answered. Kung hindi ko lang 'to crush, kanina ko pa nasapak 'to.
"Just kidding. How about Starbucks?" He suggested, so I nodded. Naglakad lang kami dahil may malapit na Starbucks dito sa school.
Naghanap muna kami ng table bago umorder. I just ordered a Caramel Java Chip and double chocolate brownie, samantalang ang kaniya naman ay Iced Latte and Butter Croissant. Agad naming pinag-usapan ang balak namin para sa activity nang dumating siya dala ang pagkain.
"Maybe we can sell foods? How about cookies and brownies?" I suggested. Siya naman ay nagtetake down notes ng mga plano namin.
"I agree. Mas madali ring gawin." He said as I nodded. "Manood na lang tayo sa YouTube. Hindi kasi ako marunong, ikaw ba?"
"Hindi rin ako marunong." I laughed softly and he chuckled. "Magchat na lang tayo para sa ibang details."
"Okay."
"Nandito rin pala kayo?" Napaangat ang tingin namin kay Aurora nang sumulpot siya sa tabi namin. Kasama niya ung president namin dahil sila ang partner. "Pwedeng makiupo?" Paalam niya saamin. Sasagot na sana ako pero naunahan ako ni Kyronn.
"Doon na kayo, sis! Baka gayahin niyo pa kami." Kyronn said, causing to make Aurora's eye rolled.
"Damot mo!" Sagot naman ni Aurora kaya mahina akong natawa.
"Ama ka na sis! Lipat na lang kayo." Lumipat naman sila sa katabing table namin. Halatang close na close sila ni Kyronn.
"Sana pinaupo mo na. Aalis na rin naman na tayo." I said to him while laughing softly.
"'Di naman nila seseryosohin 'yon." He said while chuckling. Napabaling naman ang tingin ko sa entrance nang may pumasok. It's Hade, with his friends. Napatingin siya saakin, sunod kay Kyronn na nagcecellphone. Agad naman din siyang umiwas ng tingin nang mapansin niyang nakatingin ako kaniya.
Bigla namang nagnotif ang phone ko kaya tinignan ko 'yon. Bumilis naman ang tibok ng puso ko nang makita ko ang notification.
kyronn_s. requested to follow you
Napadako naman ang tingin ko kay Kyronn, pero nanatili ang tingin niya sa phone niya. Agad kong inaccept ang request niya at nagfollow request din ako na agad niyang inaccept.

YOU ARE READING
Oblivious
RomanceKassandra never thought that she can move on from her long time crush, not until Kyronn entered her life