Accidentally Married to Mr. Famous
by: sha_sha0808
CHAPTER 6
"Bessy, pumasok ka na! Welcome back!"
Kailangan pa bang itanong kung sino siya?
At niyakap niya ako.
"Huhuhu akala ko, hindi ka na papasok.
Himala! Ouch! Aray ko naman, Bessy."
Binatukan ko nga. Ang ingay, e. 'Buti wala
pa ang teacher, ang lakas pa naman ng
boses nito. Ayan tuloy, napansin na naman
ako ng mga kaklase ko.
"Haay naku, wala talagang ka dala- dala.
Ang lakas din ng loob e, noh?" Ayan na
naman po sila. Paano ako nito maka move
on? Pakshit lang lahat sila! Ako ang laging
nakikita.
"Wag mo nang pansinin sila, Bessy. Ano ba
yan, mukha ka namang manang. Mag-ayos
ka nga!" Ayan na naman, nagmumukha
naman siyang nanay 'pag magsermon sa
akin.
"O, ba't 'di ka nakapagsalita d'yan?Kasabay
ba ng pagiging bitter mo ay ang pag-urong
din ng dila mo?Araaay! Makabatok 'to
parang 'di kaibigan!" Reklamo niya nang
batukan ko. Ang daldal talaga nito.
"Pwede ba Lenny, tumahimik ka na. Ba't 'di
ka na lang kaya mag boyfriend para 'di na
ako ang guluhin mo," no boyfriend since
birth kasi 'to, e. Hindi naman pangit ang
bessy ko kaso masyadong madaldal lang
pero sa harap ko lang kapag sa ibang tao,
umuurong din ang dila niya.
"Hmp, kapag ako mag-boyfriend, hindi na
kita papansinin." Aba ano'ng hindi
papansinin ang sinasabi nito?
'Kasi po, noong naging kayo ni Darwin, lagi
kang wala. Siya lang palagi ang kasama mo
pero ngayong break na kayo, naso-solo na
kita." Sus, kunwari pa na nagtatampo e s'ya
nga to'ng nagreto sa akin kay Darwin.
Ayoko talaga noon mag boyfriend ang kaso,
sabi niya, okay daw si Darwin, mabait etc...
"A, so, ipinasalamat mo na nagbreak kami,
gano'n? O baka ikaw pa mismo ang
nagpakilala do'n kay Gwen para maghiwalay
kami at masolo ako?" Kunwari nagtatampo
ako. Pero medyo okay na ang pakiramdam
ko. Hindi na gano'n kasakit. Dati, kahit
pangalan nung dalawang hayop na 'yon ay
hindi ko kayang bigkasin. Gano'n nga ako ka
bitter. Tinamaan ng bwesit na kupido.
"'To naman, mag move on ka na kasi, please
lang bes. Huhuhu... Alam mo ba na
namimiss ko na ang dating ikaw? 'Yong
maganda, masayahin at may sense of
fashion? Tingnan mo nga 'yang suot mo,
para kang manang." Naiiyak na sabi niya.
"So, para mo na ring sinabi na ang pangit
ko ngayon?" parang gano'n na nga ang
pagkakaintindi ko. Mahabang black palda
ang suot ko ngayon at medyo maluwag na
white shirt. Katerno ng white flat sandal
ko...
Wala kasing school uniform ang school na
'to. Wala ako sa mood mag- ayos dahil wala
naman akong pagandahan dito at wala na
akong pakialam sa sasabihin ng iba kaya
kahit ano'ng p'wedeng isuot maliban sa
shorts at miniskirt. Parang sa UP lang. Kung
meron man ay kapag nag OJT na ang mga
students.
"Hindi naman bes pero 'di ba nga sabi nila:
Paano ka makapagmove-on kung una pa
lang, wala ka nang balak mag stepforward
'di ba?"
"Oo nalang, Lenny. Heto na nga o,
inuumpisahan ko na. Nagbalik na ako sa
pag-aaral," tama nga siya. Hindi sa lahat ng
oras, magmumukmok lang ako. Wala akong
mapala. Walang naitulong ang
pagmumukmok ko dahil ako lang ang talo
rito.
"At alam ko naman 'yon na sa ngayon, hindi
pa nila ako mapapansin dahil masaya pa sila.
Kailangan ko ring tanggapin na si Hudas ay
para kay Satanas!" Dagdag ko. Wala na
siguro akong magagawa pa at ang tanging
solusyon ay ang tanggapin ang
katotohanang wala na kami at kahit kailan,
hindi na magkabalikan pa.
"Tama ka bessy, 'di ba, sabi nga nila na all
failed relationships hurt, but losing someone
who doesn't appreciate you is a gain not a
loss!" Madamdaming pahayag niya. Tama
nga s'ya, 'yan iyong paulit-ulit na sinasabi
niya sa akin mula pa noong nagbreak kami ni
Darwin.
"When people hurt you over and over again,
think of them as a sandpaper. They scratch
and hurt you but later, you'll be shining and
polished while they end up useless," dagdag
pa nito.
"May point ka nga Bessy. Hayaan mo na sila.
I think I will forgive them not because they
deserve forgiveness but because I deserve
peace" siguro time na talaga para gawin ko
'yang move on move on na iyan.
"Oo, dapat magsimula ka ng magbagong
buhay. Humanap ka ng bagong boyfriend.
Huwag mo na silang pansinin. Let the law of
karma take the ride. Nothing in this world is
done without a price," napatingin ako sa
kan'ya. Teka lang, may napapansin ako.
Mukhang familiar sa akin ang mga linya niya,
a.
"Hehehe napansin mo na ba Bessy?mga
posts mo 'yan dati sa facebook. Copy paste
ko lang... Ouch! Bessy naman, ang sakit no'n
ha!" Binatukan ko nga. Kaya pala familiar sa
akin ang mga pinagsasabi niya. Baliw na
talaga 'to.
"O, nginingiti-ngiti mo d'yan? Inlove ka na
ulit, noh?"
Ang kakulitan na naman ng bff ko umaandar.
Pero in fairness, nang sinabi niyang inlove
ang pumasok agad sa isip ko ay ang asawa
ko.
Ayan, nasanay na ako sa salitang "ASAWA"
ko.
"Uy si Bessy, nakasmile. Bes? Ang ganda ng
Korean movie na "he's so cool" try mo
panoorin as in! Kaso, wala nga lang kissing
scene. Wait, nakalimutan ko, parang meron
'ata? Ay ewan ko, nakalimutan ko na. Basta
watch mo na lang," naaddict na kasi siya sa
panonood ng Korean movies lalo na 'yong
tungkol sa K-pop. Sabi niya, kahit wala
siyang boyfriend basta makapanood lang
siya ng mga Korean movies, okay na siya.
Pero sabi niya, mas maganda kapag may
kissing scene.
Kadalasan kasi sa movie ng mga Koreano,
basta romance ay parang limited ang kissing
scenes pero ang dami namang sex scandal
sa youtube. Kapag i-type mo kasi ang
"Korean movies" e halos lahat ng lumalabas
ganiyan. Hindi gaya ng pinoy na kapag kiss
e laplapan talaga. Kapag sabihing umiyak,
tulo ang isang baldeng luha. May kasama
pang sipon.
Ano ba 'yan, speaking of kiss, naalala ko
noong kinasal kami ni Karl.
[Flashback...]
"Kiss! Kiss! Kiss!" Sigawan ng lahat. Kanina
lang naghalikan kami sa simbahan, a. Hindi
pa ako naka getover do'n kahit na mabilis
lang 'yon. 'Yong 'pag nagsabi ang pare ng
"you may kiss the bride" tapos dito ngayon,
may part two pa?" ito namang katabi ko,
ngingiti-ngiti lang. Dito na kami sa
reception ng kasal. Sa garden ng isang
napakamalaking mansion.
"Kiss daw, Hon." Nakatawang sabi nito.
Aaminin ko, kinililig ako. Ang swabe kaya ng
boses nito tapos 'hon' pa ang tawag sa akin.
Parang nang- aakit? Hala, ang landi ko.
Hmmmp... Best actor talaga siya.
"Ayoko nga. Ikaw, sumosob--uhmm..." Hindi
ko na natuloy ang dapat kong sabihin nang
hilain niya ako at hinalikan sa mga labi.
Napapikit ako. Kunwari feel na feel ko pero
ang sarap talaga ng lips niya, malambot.
Hindi naman ganito kalambot ang lips ng ex
ko. And now, I am responding to his kisses.
We're kissing torridly and it feels good!
'Yong tipong I am searching for more and
more! Napahawak na lang ako sa batok niya.
We're kissing like there's no tommorow.
Naramdaman kong napahawak siya sa
bewang ko para magkalapit ang mga
katawan namin sa isa't isa kaya napahigpit na
rin ang hawak ko sa batok niya. Hindi na ako
makahinga but then he's asking for more. He
deepened his kisses. His tounge was already
exploring inside my mouth. "Uhm..." Hindi
ko na napigilan ang sarili ko kaya napaungol
na ako but I'm sure, ang kahalikan ko lang
na 'to ang nakarinig ng ungol na kumawala
sa bibig ko.
"Shit!"Mahinang mura niya nang maghiwayan
ang mga tao at nagkislapan ang camera's.
Oo nga pala, nakalimutan kong marami pala
ang nakatingin sa amin.
"Woah! Get a room loverboy!" Sigaw ng
naging bestman niya kanina. Nakakahiya!
"Hindi ka na nahiya, Jane!" Sigaw ng matino
kong utak.
"Stop acting as if you don't like it," bulong
ng lokong 'to! Nagawa pang ngumiti sa mga
bisita. Alam ko, pulang-pula na ang buong
mukha ko. Oo na, ako na ang malandi. Ako
na ang haliparot. Ako na talaga! Sa akin na
ang korona.
"Ehem... Honey? P'wede bang pumunta sa
CR? Natatae na ako," malambing na sabi ko
habang humahawak sa kamay niya. Kailangan
ko na talagang makaalis dito!
Salubong ang mga kilay niya.
"Later," tipid na sagot nito at inagpatuloy
pa ang pagkain ng cake.
"Hmmmm palit tayo ng digestive system!
Stop acting as if you care! Stop acting as if
you know my pain! Stop acting as if--" todo
drama ko pero nakalimutan ko na ang linya
sa pelikulang 'Barcelona'. May pa ngiwi-
ngiwi pa para mas effective.
"Okay..." Tinawag niya kaagad ang nagse-
serve ng pagkain para samahan ako papunta
sa CR.
"Please guide my wife to the bathroom."
Utos niya.
BINABASA MO ANG
Accidentally Married to Mr.Famous (published under Psicom)
HumorPara sa short film lang naman ang pinunta ni Jane sa simbahan kaya siya naka-wedding gown pero hindi niya akalain na sa lahat ng babae, siya pa ang aksidenteng pinakasalan ni Karl Montenegro. Sikat, mayaman at higit sa lahat ay may-ari ng Westbridge...