39

1.6K 39 0
                                    



Accidentally Married to Mr. Famous

by: sha_sha0808 Ash Simon

CHAPTER 39

"Bessy, nasaan na ang ipe-present natin? I-edit mo na, dala ko ang laptop ko"
May presentation kasi kami mamaya about sa society at partner ko itong si Lenny. Wala naman akong choice.
Partner nga kami pero ako lang ang gumawa. Talagang pinagpuyatan ko pa kagabi, ha. Hanggang ngayon, naiinis pa rin ako sa nangyari kanina. Bakit kaya magkasama ang dalawa? Kahit saan ako magpunta ay may kontrabida talaga sa buhay ko!
"Huh, wait lang, hahanapin ko." Kanina ko pa hinahalungkat itong bag ko kaso 'di ko makita. Hala, naalala ko ba, nasa ibabaw ng drawer ko 'yn nilagay.
Tumatawag si Karl pero hindi ko sinasagot. Kanina pa 'yan,
bahala siya. Nakalimutan ko sa sobrang pagmamadali. Ayoko kasing magkaabutan kami ni Karl.
Nag-vibrate uli ang cp ko pero hindi na tawag kundi text na lang galing kay Karl. Ano na naman ba ang kailangan ng lalaking 'to? Baka importante kaya binasa ko na lang...
"Take your usb here in my office
-honey koh." Mabuti na lang pala at dinala niya.
"Bessy, tara, kunin natin ang usb. Nakalimutan ko pala kanina sa bahay, mabuti na lang dala ni Karl," yaya ko sa kanya. Ayoko kasing makita ang buwesit na 'yon kaya mabuti pa na dalawa kami ni Bessy ang kukuha.
"Tss! Ikaw na lang do'n, ayoko! At 'wag mo akong pilitin dahil ayoko talagang makita siya. Hindi na baleng wala akong grade, basta 'wag mo lang ipakita ang pagmumukha niya!" Alam kong seryoso talaga si Bessy kaya ako na lang ang tumayo at pupunta sa office niya.
Mabuti na lang, kaunti ang tao. Class hour na kasi kaya nasa classroom na ang mga estudyante kami lang ang wala pa dahil malelate daw si Sir...
Pagbukas ko ay walang tao sa opisina. Saan ba kasi pumunta yon? Kaya pumunta na lang ako sa table niya at hinanap ang usb pero wala, e, puro folder lang ang nandito
"Okay, Sir Legazpi, pag-usapan na lang natin 'yan dito sa office ko," narinig kong sabi ni Karl sa isang teacher. Hala, papasok na sila.
Ano'ng gagawin ko? Tiyak magugulat ang teacher 'pag makita ako sa loob nitong office bawal pa naman ang pumasok kapag wala si Karl dito sa loob. Baka isipin niyang nagnanakaw ako. Okay lang kung si Karl, e, asawa ko siya. Bubukas na ang pinto kaya nagtago ako dito sa ilalim ng mesa.
Wala na rin namang time para tumakbo pa sa CR. May sariling CR kasi ang office na 'to.
"In regard pala Mr.Legazpi sa drama class, pakisabi nalang kay Gwen na okay na. Aayusin ko na lang ang budget para sa kailangan nila." Ang alam ko kasi si Gwen na ang bagong president sa drama class ng university. Well, bagay lang sa kanya, maarte kasi!
Pumunta siya rito sa table tapos tumayo sa harap ko. So, ang nakikita ko ay ang tuhod niya. Inaayos yata ang folder na ginulo ko kanina.
"Ah, sige Mr. Montenegro, hindi mo na ba siya kailangan? O kausapin mo pa siya?" tanong ni sir legazpi sa kanya.
"Hindi na, Mr.Legazpi. Baka magalit ang asawa ko, nagseselos kasi yon." Waaaahhhh hayop ka Karl! Kapag lumabas yan si Sir, malilintikan ka talaga sa akin..
posisyon ko nakaupo rito sa ilalim ng mesa, pilit na pinagkakasya ang katawan. Iyong table kasi hanggang dibdib ko kapag tumayo ka. Para siyang box na sarado sa harap at gilid.
So hindi ako makikita ng nasa harap. Pwera na lang kung dito ka sa pwesto ni Karl, masisilip ako.
"May asawa ka na pala, Mr.Montenegro?" nagulat na tanong ni Sir sa kaniya.
"Hahaha oo, meron na at ayaw niyang makipag- usap ako sa iba, tiyak magagalit 'yon," nakatawa pa na sabi niya. Wow ha, hiyang-hiya naman ako sa kaniya!
"A, hahaha! Gano'n naman talaga ang mga babae, masyadong sensitive. Teka, bakit hindi ko nakita. Hindi yata siya bumibisita rito sa school?" wika ni Sir. Anong hindi? E, lagi nga kami nitong nagkakasalubong. Kung sabagay, hindi rin naman kasi niya alam..
"Actually, dito po siya nag- aaral. Estudyante mo pa nga po yata." Waaaahhh ano bang pinagsasabi mo Karl?
"Huh? Estudyante ko? Sino 'yon?" nagulat na tanong ni Sir. Hindi talaga niya in-expect na estudyante niya lang ang asawa nito at ako iyon
"Oo, estudyante mo. Si--ouch!" Napahawak siya sa tuhod niya. Paano, sinuntok ko. Kanina ko pa gustong gawin iyon sa kaniya. Talagang may balak 'to na magsumbong...
Yumuko siya para tingnan kung sino ang gumawa no'n tapos nagulat ng makita ako. Iyong tingin niya na nagsasabing.
"What are you doing there?" Pinandilatan ko siya na nagwa-warning na 'wag sabihin kay Sir na nandito ako.
"Okay ka lang ba, Karl? Ano'ng nangyari sa 'yo?" nag-aalalang tanong ni Sir Legazpi..
"Ah, wala po. Diyan lang po kayo, 'wag na kayong lumapit o mag-abala pa, okay lang ako. Sige Mr. Legazpi, pakilagay na lang po diyan sa table niyang mga report mo."
Tapos kasabay no'n ay nakita ko ang ballpen na nahulog sa sahig galing sa table niya.
Yumuko siya para magpantay kami. Since medyo malayo si Sir at yumuko si Karl ay hindi niya nakikita ang ginagawa ni Karl ang nakikita lang niya ay ang kaliwang kamay ni karl na nakahawak sa ibabaw ng table..
"You!" sabi niya sa akin na para akong pinapagalitan kasi pasaway ako na bata tapos hinalikan ako..
1.
2
3
4
5 seconds...
Hindi ko kayang mag-ingay dahil baka mabuko kami ni Sir..
Iyong tipong na-corner ako at walang magawa kundi hayaan ang ginagawa niyang kalokohan.
Tapos tiningnan sa mga mata...
Dug... dug... dug
" I love you!" mahina niyang sabi para hindi marinig ni Sir...
Hinalikan ako ulit
1
2
3 seconds...
"Karl, okay na. Babalik na ako sa klase. Okay lang ba kayo? Ano ang ginagawa mo?" tanong ni Sir Legazpi nang mailagay na sa table ang report. Tumayo na rin si Karl na parang walang nangyari. Expert din pala 'to sa palusot makai-score lang.
"Sige, Mr.legazpi, salamat. Wala, nahulog lang ang ballpen ko..."
Tapos itinaas ang hawak na ballpen niya.
Ako naman nakatulala pa rin. Hala, nagawa niya 'yon sa harap ni Sir?Paano kung nalaman ni Sir na nandito ako? Grabe ang kaba ko.pero in fairness, kinilig ako...
"Ano na naman ang ginagawa ng naughty kong asawa rito?"
Nakaupo na rin siya sa table para tingnan ako dito sa loob. Umalis na kasi si Sir Legazpi, narinig kong sinarado na niya ang pinto.
"Kukunin ko lang ang u--"
* Tsup*
*tsup*
*Tsup*
Kiniss niya ako ng tatlong beses na sunod sunod ng mabilisan. Nyahahaha ang sharap. Ay, wait,galit pa pala ako sa kanya kaya tinulak ko siya at tumayo na rin...
"Pag hindi ka magsasalita, iki-kiss ulit kita.." Sabay lapit sa akin tapos ako naman ay napaatras..
Knock! knock!
"Sir Karl? Nandiyan ka ba? Papasok kami ha," boses ni Gwen sa labas. Hala, nataranta ako. Ano ba ang gagawin ko? Ayoko na naman ng isyu..
"Dito ka na lang sa ilalim ng mesa magtago, hon.." Tapos itinulak ako papasok sa mesa. Wala na ting time. Mabuti na lang, kakasiksik ko lang ng sarili ko mesa nang biglang bumukas ang pinto...
"Sir Karl, sabi ni Sir Legazpi, okay na raw ang budget sa drama class?" malandi niyang tanong. Ang iingay ng dalawa niyang alipores.
"Oo, tapos na. Pasensiya ka na sa mga istorbo ko sa klase mo. Alam ko namang may pasok ka lagi.." hinging paumanhin niya. Ang init- init naman dito sa ilalim ng mesa. Nagulat ako nang makita ko ang ballpen na nahulog..
"Hi!" mahinang sabi niya na ngingiti ngiti.
*tsup*.
Waaaaahhh Karl, mapapatay kita!
Kaya inagaw ko ang ballpen sa kanya para wala na siyang mailaglag pa. Agad naman siyang tumayo. Buti na lang, 'di napansin ng tatlong to.
"Okay lang 'yon kay Gwen, Sir Karl, basta para sa 'yo.." talagang pinu-push ng tatlong 'to si Gwen sa asawa ko!
Sumulat ako sa palad ko. Wala namang papel e. Hindi naman ako puwedeng magsalita dahil baka mahuli pa ako...
Tapos kinalabit ko siya. Nag-step backward siya at pasimpleng sinilip ako.
"Paalisin mo sila!" Iyan ang isinulat ko sa palad ko at ipinakita sa kanya tapos umayos na siya at tumingin kina Gwen. Kanina pa ako naiinitan dito. Sana umalis na ang tatlong ito.
"Sir Karl, tulungan ka po namin." Sabay-sabay na sabi ng tatlo. Waaah! Humanda ka sa akin, Karl! Promise!
Nahulog sa harap ko ang mga lapis at ballpen. Siguro nakalagay 'yon sa isang box. Mga sampu lahat. Sinadya niyang tabigin. Huhuhu!
"Ah, no. Kaya ko na 'to. Diyan lang kayo. Sige, Miss Alcarde, i-report n'yo na lang diyan ang mga kailangan niyo. Makikinig ako sa inyo." Tapos yumuko na siya. Pnandilatan ko siya. Loko 'to!
"Silent war pala, ha! *smirk*
Mahina niyang sabi tapos hinalikan na naman ako. Sa umpisa parang smack lang pero paunti- unting lumalalim ang halik niya habang ang mga kamay ay pinupulot ang mga ballpen at lapis na nakakalat sa sahig
Naririnig ko sina Gwen, sige lang sa pagre-report. Napapikit na lang ako. Ang sarap e. Ang lambot at tamis ng lips ni Karl. Ang bango- bango pa niya. Gusto ko nang umuwi, isasama ko na 'to.
"Ehem, Sir Karl, okay na po ba?"
Tumayo bigla si Karl at inayos ang mga ballpen na napulot niya at inilagay sa ibabaw ng table.
"Okay, ibibigay ko na lang ang budget para sa costumes ninyo. Bumalik na kayo sa mga klase ninyong tatlo."
Nagpaalam na rin sila at umalis na. Ako naman mabilis na tumayo at pinagpag ko ang damit ko.
Isinusumpa ko, kapag may pumasok pa, hindi na ako magtatago pa. Napatingin ako sa bintana, may maliit kasi na glass window na kapag nasa labas ka ay itong part ng office ang makikita mo. Nang mapatingin ako ay nagulat ako nang makita ko si Darwin at mga barkada niya na nakatingin sa amin..
"Shiiit! Nakita ba nila ang ginawa namin ni Karl? Kyaah! Mapapatay na talaga kita Karl!

Accidentally Married to Mr.Famous (published under Psicom)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon