40

1.7K 40 0
                                    

Accidentally Married to Mr. Famous

by: sha_sha0808 Ash Simon

CHAPTER 40

Galit ako sa ginawa ni Karl! Nakakainis lang at nakakahiya! Nakita nina Darwin. Ano kaya ang nasa isip nila?
Pero kung sabagay, asawa ko naman siya.
"Bessy? Ba't ang tagal mo kanina? Huwag mong sabihing kahit dito sa school, nagpapaano ka kay Karl?" nakasimangot na tanong nitong kasama ko na parang nanay.
"Wala nga si Karl nang dumating ako kaya hinintay ko, okay?" Kanina pa ako nagpapaliwanag sa kaniya pero ayaw maniwala.
"Hmmmp! Sjnungaling ka, bessy! Baka nakalimutan mo, galit pa tayo sa kaniya!" paalala niya sa akin tapos naunang maglakad sa akin.
Pero patakbong bumalik sa akin nang makasalubong namin ang k-9 na aso...
"Hahaha! Uy bessy, ang boyfriend mo ahahaha..." Tapos hinihila ni Kuya palayo ang aso kasi kahit hawak niya ay pilit pa ring tumatakbo ang aso papunta sa amin..
"Hello, doggy doggy. Come to Lenny..." tawag ko. Padihal-dihal pa ng dila ang aso..
"Nyaaa! Bessy, ang sama mo!'  Pumunta siya sa likod ko at nagtago...
"Pasensiya na po kayo ma'am, ganyan lang po 'yan kapag makakita ng maganda." Pambobola ni Kuya sa amin...
"Okay lang po 'yan kuya. Uy bessy, kausapin mo bf mo. LQ din kayo, bes?" Na ang tinutukoy ko ay ang aso tapos tinutulak ko siya papunta sa aso
"Waaah! Hindi na tayo bati, bessy! Isa!" Mangiyak-ngiyak niyang sabi tapos hinila na ako palayo. Ako naman tawa nang tawa.
"Tawa ka pa diyan!" nagtatampo niyang sabi. E, sa natatawa ako, ano'ng magagawa ko, 'di ba?
------------
Nasa library kami ngayon. Nagse-search ako ng assignment namin. Siya naman, nanonood ng fliptop. Ano ba ang nagandahan niya diyan? E, puro lang naman nagmumura ang mga naglalaban.
"Uy bessy, nood tayo. May next na laban sina Delo at Sinio. Pati na rin si Abra... waaahhh kasama pa si Batas.." Hindi ko maintindihan 'yang sinasabi niya kaya pinagpatuloy ko lang ang ginagawa ko.
"Hala bessy, kawawa naman pala ang mga aso sa China, noh? Pinatay nila. Ilang libo ang pinatay nila," awang-awa na sabi niya.
"Hahaha! Oo nga bessy, kawawa naman ang lahi ng boyfriend mo..." tiningnan niya ako nang masama.
"Hmmp! Sana pinadala mo na lang si Gwen at si Karl sa China para mapatay nila, mga hayop din 'yon!" galit na sabi niya sa akin. Mas galit pa yata siya kaysa sa akin na asawa?
Inabot na kami ng gabi dito sa library kaya tinext ko na lang si Mang Kanor na sasabay ako kay Lenny sa pag- uwi at i-text niya si Karl na sa labas na lang ako magdi-dinner.
Ayoko ngang mag-text do'n.
9pm na ako nang makarating dito sa bahay. Dito na rin ang sasakyan ni Karl. Umakyat na ako sa kuwarto, pagod na talaga ako..
Pagpasok k, patay ang ilaw. Hinanap ko muna ang switch na dito lang sa gilid ng pinto kasi parang may naaamoy ako. Pagbukas ko, nagulat ako sa nakita ko..
Puno ng bulaklak ang kuwarto pati na rin ang sahig, may mga petals pa ng red roses tapos may petals din at sa gitna ng kama na nagfo-form ng malaking heart tapos sa gitna ng heart may maliliit na petals nagfo-form ng letrang
I

U.
Pagtingin ko sa headboard ng kama, may nakadikit na roses na nagfo-form ng word na,
"Sorry"
Sitting here wasted at this old piano trying hard to capture this moment this morning
Dont know...
biglang tumunog ang CD player. Napakalamyos ng kanta. Ang sarap pakinggan kahit luma na, "Bed of Roses."
Gusto ko nang maiyak dahil sa effort ni Karl pero masama talaga ang loob ko sa kaniya.
"I' m sorry kung may kasalanan man ako. Hindi ko sinasadya na saktan ka pero alam mo naman na mahal kita, 'dib a? My heart always beats for you." Hindi ko alam kung saan siya galing pero nasa likuran ko siya tapos niyakap ako.
"I love you! I will always love you. I will never stop loving you. So please, sorry na honey. Please, tama na." Iniharap niya ako sa kaniya pero tinulak ko siya palayo.
Hindi ako nagsalita. Kumuha ako ng damit at maliligo muna ako bago matulog. Bahala siya diyan! Lilipat na lang ako sa kabilang kwarto mamaya para roon matulog!
Pagpasok ko, pati banyo ay nangangamoy roses din. Pati bathtub ay puno ng tubig at may nakalutang na mga petals ng red roses. Nag-half bath lang pala ako para mabilis.
Paglabas ko sa CR ay nakaupo si Karl sa kama. Nang makitang lumabas ako ay kinuha nito bouquet of pink roses na nakapatong sa bedside table at lumapit para ibigay sa akin. Sa gitna ng bawat pink rose ay may nakalagay na ferrero rocher na chocolate.
"Sorry," sincere na sabi niya. Kinuha ko ang flowers tapos inamoy-amoy. Ang bango naman nito. Alam kasi niyang favorite ko ang chocolates pero hindi pa rin ako nagsasalita...
Tuloy- tuloy lang sa kama. Dahil sa inaantok na talaga ako ay hindi ko na inayos pa ang higaan sayang naman ang effort ni Karl kung alisin ko ang mga petals.
Isa pa, gusto ko rin ma- experience ang ganito. Iyong mahiga sa bed of roses. Para kasing ang romantic?
Halos karamihan naman siguro ng babae ay gustong maranasan ang sinasabi ng kanta sa bed of roses.
Pinatay niya ang ilaw at ini-on ang lampshade kaya dim light na lang ang paligid tapos ngayon ko lang napansin ang mga maliliit na kandila sa gilid. Siguro sinindihan niya 'to habang nasa banyo ako kanina.
Nakahiga pa rin ako pero nakatihaya. Bigla siyang pumatong sa akin. Waaah! Malapit na akong bumigay kasi humahalimuyak ang kuwarto ng mga rosas...
"Sorry na, hon.." Hinalikan ako sa lips pero smack lang, "Hindi ko 'yon sinasadya talaga. Tama na 'to please." Hinalikan niya ako sa noo, sa nose, sa lips, pababa tapos siniksik pa niya ang mukha niya sa leeg ko..
"I love you, honey! gusto ko nang magsalita sana na ibalik niya ang lips niya sa lips ko. Gusto ko talaga ng kiss e. Letseng silent war na 'to! Hindi ako makapagsalita!
"Galit ka ba talaga sa akin? Sorry na," Gusto ko 'yan Karl, sige pa. Kasi sinisimulan na niya akong hubaran pero silent war pa rin ang gusto ko.
"I love you." Todo ngiti niya tapos bumaba sa ang lips niya papunta sa diddib ko pero ang mga mata niya ay nakatingala sa mga mata ko.
Hindi ko kaya. Nag-iinit na ako?
Silent war
Silent war
Silent war..
Paalala ko sa isip ko. Puwede naman 'yon. Iyong gawin niya lang ang gusto niya. Tutal, hinahayaan ko naman siya.
Napatingin na lang ako sa kisame. Ang bango- bango ng kuwarto namin pero mas mabango si Karl.
About all of the things that i long to believe about love the truth what you mean to me and the truth is you're all that i need..
Napapikit ako. Wala akong ibang naaamoy kundi ang mga roses sa paligid ko at ang soft voice ng boses sa CD. Dagdagan pa ng ginagawa ni Karl sa akin. Very passionate. With love and care.
Napadilat ako kaya kitang kita ko ang puting kisame at nakita ko ang dalawang butiki...
Waaahh. Naghahabulan tapos maaabutan na ng isa 'yong isa tapos ang isa ay pumatong sa isang butiki na nakatalikod. "Hindi ba puwedeng tumihaya sila? Bakit nakatalikod ang isa?"
"Tsss. Kasi kapag tumihaya 'yang isa, mahuhulog sila tapos masisira ang moment nating dalawa," sabi ni Karl na nakatingin din sa dalawang butiki na tinitingnan ko. Tumigil na pala ito. Siguro nagtataka kung bakit napatulala ako.
"Waaaah Karl, saan ka pupunta?" Bigla kasi siyang tumayo sa kama. Hala, hindi pa nga kami tapos e...
"Hahaha, relax honey, maghuhubad lang ako..." Tawa siya nang tawa tapos naghubad na ng damit...
"Bilisan mo!" Kunwari galit na sabi ko. E, sa naiinggit ako sa mga butiki e. Nauna pang mag-moment kaysa sa 'min.
Nakapatong na si Karl sa akin.
I wanna lay you down in a bed of roses for tonight i sleep on a bed of nails
Oh i wanna be just as close as the holy ghost is and lay you fown on bed of roses..
" Sabihin mo muna na peace na tayo," malambing na sabi niya pero hindi ko siya sinasagot. Tutal, nakahubad naman siya e.
"Oo na, peace na tayo. Balik Karl, isa! Kapag hindi ka bumalik, lalayasan talaga kita!" Bigla kasing tumayo ang loko pero nang makitang seryoso ako agad na tumawa at bumalik sa akin..
Habang nagba-bang-bang kami, nakapikit ako dahil kada pagmulat ko ng mga mata ko, ang lintik na mga butiki sa kisame ang nakikita ko.
Sa ilang araw kong iniisip kung paano kami magkabati o matapos ang lintik na silent war na 'yan, sa kamanyakan lang pala mauwi?

A/N;
Sa totoo lang wala na akong maisip na isulat at sa mga next chapter ng story na to.para akong nag o on the spot para lang may e update..hahaha.nagsusulat ako kanina ng makita ko ang butiki sa dingding kaya isinama ko nalang...

Accidentally Married to Mr.Famous (published under Psicom)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon