Accidentally Married to Mr. Famousby: sha_sha0808 Ash Simon
CHAPTER 28
Umandar na itong bangkang sinasakyan
namin. Sa una, medyo mahina lang kaso
nang medyo nasa gitna na ay bumilis tapos
ang lakas pa ng hangin kaya maalon.
"Waaaah... Twilight, 'wag mo akong bitiwan
huhuhu!" todo kapit ko naman sa kamay
niya. Firstime ko kayang sumakay sa ganito.
"Waah! Twilight... Twilight, tataob tayo!
Tataob tayo huhuhu!" Mas lalo kasing
lumakas ang alon ng nasa gitna na kami.
"Whahaha... Duwag ka talaga Jane, kahit
kailan..." tawa siya nang tawa. Ang mga
kasama namin na nasa bangka ay walang
pakialam at ang ingay, ingay din.
Magbabarkada rin ang mga ito at
nagpapapicture at nag-i-enjoy pa.
"Waah!" Bigla akong napayakap kay Twilight.
Ang lakas kasi ng hampas ng tubig kaya
pumasok sa bangka.
"Aww!" Sinipa kasi ni Karl ang upuan sa
likuran ko. Storbo! Nag-i-enjoy pa nga ako
sa braso nitong katabi ko, e! Hehehe.
Sayang din 'tong isang 'to. Ulam din. Sa
likod lang namin sila.
"Problema mo, Karl?" sigaw ko at nilingon
siya. 'Sing bilis ng kidlat ang pagbalik ng ulo
ko sa unahan. Paglingon ko kasi, mga hayop
talaga! Naghahalikan ang dalawa.
Ang sakit lang talaga na ang taong mahal
mo ay may kahalikang iba. Ang linta,
nagpapatuka sa manok!
Kung halikan ko na rin kaya itong katabi ko?
Tutal, crush ko naman 'to.
"Oh, natahimik ka riyan?" tanong ni Twilight.
"Ah, wala naman." 'Di na ako kumibo
hanggang sa nakababa na kami sa island.
"Ma'am, Sir, isang oras lang po, ha. Hintayin
ko kayo rito tapos balik na tayo sa resort."
Sabi ni Kuya driver ng bangka.
Nauna nang naglakad sina Twilight at ang
linta. Kami ni Karl ang medyo nahuli.
"She kissed me!" At hinawakan niya ako sa
braso.
"Wala akong pakialam, Karl, kung sino ang
unang humalik. Kahit magtalik pa kayo sa
harap ko, wala akong pakialam! Kuha mo?"
Galit na sabi ko sa kaniya at iniwan ko na.
"Twilight, babes. Wait for me," habol ko.
Hindi naman masyadong malaki ang island
na ito. Parang maliit lang na bundok tapos
white sand pero ang ganda. May mga
punong kahoy din at mga puno na
nabubuhay sa dagat.
Ewan kung ano'ng tawag do'n. Bonsai lang
ang alam kong halaman na related sa dagat
tamad kasi ako mag research noon.
Mangroove yata?
Tapos ang linaw- linaw ng tubig. Sa gilid ng
dagat may mga malalaking bato tapos may
tubig sa gitna na may mga maliliit pa na
isda.
"Hala, Twilight. May bote ka riyan? Kuha
tayo ng isda, dali!" Sabi ko sa kaniya. Ang
saya kaya kumuha ng maliliit na isda kaso
ang hirap hulihin, ang liliksi nila!
Ang dalawa namang hayop na kasama namin
ay busy sa kaka picture2 dahil dala din ng
bruha ang digicam niya..si karl ay pasulyap
sulyap sa amin...
"Wala. Bawal kumuha ng mga isda rito. Kaya
nga bawal ang mga bote at baso o ano
mang puwedeng lagyan kapag pumunta
rito..." sabi niya habang lumalapit sa akin at
umupo sa batuhan. Pinagmasdan lang ako
habang tuwang tuwa sa kakahabol ng mga
isda.
"Hehehe. Hindi pala puwede ang ganito.
Kung sabagay, may point din sila. Masisira
kasi ang ganda nito at ang ating inang
kalikasan dahil sa basura. At kung kukuha ka
ng mga isda tapos ikulong mo lang sa maliit
na aquarium, kawawa naman sila. May
karapatan din silang maging malaya at
mabuhay..."
Naalala ko tuloy ang goldfish ko noong bata
pa ako.
Hindi na kami makapunta sa dagat kaya
binilhan ako ni Mama ng goldfish. Dalawang
malaki at isang maliit tapos inilagay ko sa
maliit lang na aquarium. 'Yong hugis circle.
Pero pag-uwi ko, wala na sila. Kinain ng
pusa namin. Siguro kung hindi ko 'yon
inalagaan at ibinalik na lang sa dagat, sana
buhay pa ang mga iyon at nakahanap pa sila
ng mapapangasawa nila at nagkaroon ng
mga babies.
"Uy, Karl, hali ka. Kuha tayo ng mga isda.
Ang ganda, oh..."tuwang tuwa na sabi ng
bruha. Bakit ba kasi pumayag pa ako na
magsama kami nito? Sira tuloy ang araw ko!
"Ay, 'wag na lang pala Karl, baka masumpa
pa tayo ng mga lamang dagat," sabi niya at
tila nag-iisip pa.
"Sus, ang tanda tanda mo na Roxanne,
naniniwala ka pa sa sirena?" sabi ko. Ilang
taon na ba 'to? Hanggang ngayon, utol-uto
pa rin. Lahat ba ng artista kasing boba nito?
"Totoo kaya ang mga sirena..." proud
talaga na sabi niya. Ang dalawang lalaki ay
naupo sa mga bato at nakikinig lang sa
amin.
"Di kaya. Sino naman ang walang kwentang
tao na nagsabi sa 'yo no'n?" Pikon kong
tanong. Ano ba ang babaeng 'to? Grade one
nga, hindi na naniniwala sa ganyan. Kung
sabagay, sikat nga naman ito sa paggawa ng
fantaserye...
"My dad. Sabi niya, totoo ang mga lamang
dagat. Sa Iloilo kaya may taong shokoy.
Nabalita na 'yon," proud na sabi niya. Oo
nga pala, naalala ko 'yon. Iyong ni-rape raw
ang nanay niya ng shokoy. Totoo raw 'yon.
"Oo na lang Roxanne, naniniwala na ako."
Wala ka namang magawa dito. Ayon ang
paniniwala niya e di pagbigyan. Baka isa rin
ito sa nagparape sa shokoy e.
Pabalik na kami sa resort. Wala pa rin
kaming pansinan ni Karl kaya itong si
Twilight na lang ang kinakausap ko...
Ini-enjoy ko na ang moment na magkasama
kami ngayon.. Pagbaba namin sa bangka ay
agad ko siyang niyakap.
"M-Mamimiss kita Twilight," uuwi na raw sila
ng fiancee niya.
"Ano ka ba, Jane. Hindi naman ako aalis e.
Magtext-text na lang tayo o 'di kaya i-
message mo ko sa fb o skype tayo,"
nakangiting sabi niya sa akin...
"Wala na Twilight. Ito na talaga ang last
exposure mo sa kwento namin," Kumalas
siya sa pagkakayakap at pinahidan ang mga
luha ko. Sobrang mamimiss ko 'to.
Niyakap ko ulit siya. For the last time, gusto
ko maamoy siya. Ang bango eh!
"Wala na akong kakampi. Aalis ka na. Wala
nang magtatanggol sa akin," sabi ko sa
kanya tapos iyak pa rin nang iyak.
"Ssssh. Huwag kang mag-alala, kahit mawala
man ako ay hindi ka Niya pababayaan. Siya
ang bahala sa 'yo. " Pagbibigay niya ng
assurance sa akin..
"Sinong siya, Twilight?" nagtatakang tanong
sa kanya.
"Hoy, Twilight! Ang tagal mo! Kanina pa kita
hinihintay!" nakabusangot na tawag ng
babae. Kanina pa yata ito hinahanap ng
babae.
"K ahit ano man ang pagdadaanan mong
problema balang araw, 'wag mong
kalimutang humingi ng tulong kay God at
'wag na 'wag kang sumuko, Jane. Lagi mong
alamin ang katotohanan sa likod ng bawat
istorya. May mga bagay na malinlang ka
pero tandaan mo, si God pa rin ang bahala
sa iyo hanggang mag-end ang story ng
buhay mo, " pagpapaalala niya sa akin. Bakit
parang may alam siya? Galing ba siya sa
future?
"Sige na, Twilight. Maraming salamat sa pag
guest sa buhay ko. Magtapat ka na diyan sa
fiancee mo..." ang torpe torpe niya eh!
Halata namang gusto nila ang isa't isa.
"Sige Jane, salamat." paalam niya at
tumakbo na palapit sa babaeng kasama.
Iyak pa rin ako nang iyak. Wala na kasi siya
at mami-miss ko siya.
"Tama na nga 'yang iyak. Huwag mong
iyakan ang lalaking 'yon, nandito naman
ako." pikon na sabi ni Karl.
"Ewan ko sa 'yo Karl! Huwag mo akong
hawakan! Bumalik ka roon sa Roxanne mo at
maghalikan kayo!" singhal ko sa kanya. Kada
kita ko kasi sa kanila, nagtutukaan ang mga
buwesit!
"Hey, ano ba, honey naman, makinig ka.
Kaninang umaga, sinabi sa akin ng friend
niya na may sakit siya at hindi makaalis kaya
dinalhan ko ng pagkain." pagpapaliwanag
niya.
"At doon sa bangka, wala talaga 'yon. Nakita
niya kasing sinipa ko ang likuran ng upuan
mo at ini-expect niya na lilingon ka kaya
bigla niya akong hinalikan. Kahit ako, nagulat
din pero sinabi ko na sa kanya na asawa
talaga kita..." bahala siya! Isa rin 'tong uto-
uto. Inuto ng isang babaeng uto-uto rin!
"Kahit ano pang sabihin mo Karl, ay hindi
ako maniniwala sa 'yo!" Galit na sabi ko sa
kanya. Ilang beses na 'to e. Para niya akong
ginagawang tanga! Tumakbo ako palayo sa
kanya hanggang sa hindi na niya ako
maabutan.
BINABASA MO ANG
Accidentally Married to Mr.Famous (published under Psicom)
HumorPara sa short film lang naman ang pinunta ni Jane sa simbahan kaya siya naka-wedding gown pero hindi niya akalain na sa lahat ng babae, siya pa ang aksidenteng pinakasalan ni Karl Montenegro. Sikat, mayaman at higit sa lahat ay may-ari ng Westbridge...