34

1.6K 38 0
                                    

VIOLA’S POV

NAKAUWI si Karl mula sa Qatar at kararating lang namin ng asawa ko sa Pilipinas kahapon para bisitahin si Karl at kumustahin na rin ang kumpanya.

Dati, nanganganib na malugi ang business namin pero naisalba ni Karl ang kumpanya at naibalik ito sa rank eight. Napakagaling talaga ng anak ko. Mana talaga sa akin.

Papasok ng bahay namin ang pogi kong anak habang hawak ang kamay ng kanyang asawa. Naalala ko tuloy ang kabataan namin ng asawa ko. Ganyan din kami ka-sweet noon.

“Hi, Mom! I miss you!” bati ng anak ko.

“Hello, hija and my handsome son! Pa-kiss nga si Mommy!” Niyakap at pinaghahalikan ko siya nang makalapit ito sa akin.

“Mom, hindi na ako bata. Mag-behave ka nga! Nakakahiya sa asawa ko,” nahihiyang saway nito.

“Ikinakahiya mo ako, Karl? Sa ganda kong ’to?” nagtatampong tanong ko. Alam ko namang mahal ako niyan, eh.

“Mom naman. Nasaan na si Dad?” tanong niya. Pareho talaga sila ng daddy niya na may pagkaseryoso. Sa akin naman nagmana si Nicole ng pagkapilya niya.

“Hi, hija. Kumusta na ang maganda kong daughter-in-law?” nakangiti kong tanong. Ang ganda-ganda nitong bata ’to kahit simple lang.

“Hello po, Tita. Good evening po,” bati rin niya at nakipagbeso-beso sa akin.

“’Wag mo na akong tawaging ‘tita.’ ‘Friend’ na lang ang itawag mo sa ’kin para bagets.” Hindi naman kasi ako matanda. Eh, magkasing edad lang kaya kami sa mukha.

Pumalatak naman si Karl. “Ewan ko sa ’yo, Mom. Tara na nga, hon. ’Wag mong pansinin ’yang si Mommy. Pareho lang sila ni Nicole.” Hinila na niya ang asawa niya, inakbayan ito, at naglakad na papunta sa table. Binata na ang anak ko.

“Oh, hija at Karl, kain na tayo.” Nandito pala sa sala ang matandang ’to.

“Himala, kaya mo pa palang bumaba! May lakas ka pa palang natitira! Sayang, sana nag-next round pa tayo,” pang-aasar ko sa kanya. Manyak kasi ’tong asawa ko kasi request nang request ’tapos kapag pagbigyan ko naman, siya rin ang aayaw.

Natutulog kasi ako kanina dahil napagod ako sa pakikipagkita sa mga amiga ko. ’Ayun, kalabit na nang kalabit. Nang pagbigyan ko naman, siya rin ang umayaw, kesyo masakit na raw katawan at tuhod niya.

“Sshh, sweetie, ’wag kang maingay. Baka marinig tayo ng mga bata,” pabulong na saway niya. Nahiya pa ang matandang ’to.

“Saan mo naman nakuha ’yang hiya mo? Ang tanda-tanda mo na, nahihiya ka pa at saka mag-asawa na sila. Malamang, ganyan din ginagawa nila tuwing gabi.” Namula naman ang asawa ng baby Karl ko pati si Karl, ’di rin alam ang gagawin. Ang cute naman nila.

“Hon, pagpasensiyahan mo na si Mommy kasi hindi pa ’yan nakakainom ng maintenance medicine niya kaya medyo hindi pa maayos ang pag-iisip niyan,” bulong niya kay Jane kahit na narinig ko naman.

“Aba, ulitin mo nga ang sinasabi mo, Karl! Baka gusto mo, paluin kita sa puwit!” sigaw ko sa kanya.

Palagi ko siyang pinapalo sa puwit noong baby pa siya kasi makulit siya. Si Nicole lang ang hindi madalas pinapalo dahil sobrang wais ang batang ’yon. Mana kasi talaga sa akin.

“Wala po. Tara na po, nagugutom na kami ng asawa ko kasi ang layo pa ng biyahe namin,” sagot nito sa akin. Halata ngang pagod ang dalawa, malayo ba ang biyahe o baka naman dumaan sa SOGO?

“Hon, ’wag kang mahiyang kumain, ha. Luto yan ni Mommy,” sabi ni Karl at nilagyan pa ng pagkain ang plato ng asawa niya. Ang sweet naman ng baby ko. Hindi gaya nitong katabi ko na wala man lang ka-sweet-an sa katawan!

Accidentally Married to Mr.Famous (published under Psicom)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon